Chapter 26

68.1K 1.4K 262
                                    

"You don't have to protect me, Aziel. Hindi mo na dapat pang sinagot-sagot ng gan'on si Mommy Mel!" singhal ko sa kaniya habang nagmamaneho siya pabalik sa mansion.

Dagli niya akong sinulyapan bago ibinalik sa kalsada ang mga mata. "Ginawa ko lang kung anong dapat at tama."

"Na ano? Takutin na tatalikuran mo sila kapag sinaktan nila ako? Sa tingin mo ba tama iyon, huh?" sipat ko pa at walang kurap siyang tumango bilang tugon.

"Yes. . ."

Umawang ang aking labi at hindi makapaniwalang sumandal sa sandalan ng upuan ng front seat. "Paano kung totohanin nga nila? Paano kung tanggalin nga nila ang lahat sa 'yo pati na rin ang mana mo? Hindi ka ba natatakot?"

"I have nothing to be scared of, Chantria. Tanggalin na nila ang lahat, hindi na iyon mahalaga. Kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa."

Matagal akong tumitig sa kaniya bago dismayadong umiling. Hindi na ako nagsalita pa dahil wala naman na akong sasabihin pa. Masiyado nang ubos ang enerhiya ko para sa araw na ito at ayaw ko nang makipagtalo sa kaniya.

Bumalik kami sa mansion. Tahimik na ang buong paligid at malinis na rin ang mga kalat. Madilim na ang loob at bukod tanging ilaw na nagmumula sa ilang parte ng bahay na lang ang nagbibigay gabay.

Habang umaakyat ay biglang nagsalita muli si Aziel. "Magpahinga ka na. Alam kong pagod ka pero maaga tayong luluwas bukas pabalik ng Maynila."

I stopped on my track and gaze at him with so much confusion. "Uuwi na tayo? Paano si Daddy?"

Hindi niya sinagot ang tanong kong iyon, bagkus ay nagawa pang makipagsukatan ng pagod na tingin sa akin. Nang mapansin kong wala na talaga siyang balak tumugon ay muli akong nagsalita.

"Your Dad's on critical state. You can't just leave him like that, Azi. Puwede naman akong mauna na lang umuwi," suhestiyon ko pa.

Bumuga siya ng hangin at inihilamos ang parehong palad sa sariling mukha. "Kung saan ka, doon ako. Tapos ang usapan. Now, let's go to our room so we can rest."

Nauna na siyang maglakad papunta sa kaniyang kwarto. Napairap na lamang ako sa kawalan at padabog na tumungo sa guest room na siyang tinituluyan ko. Wala akong balak na matulog sa tabi niya, no.

"Chantria," may pagbabantang tawag niya nang mapansin niyang umiba ako ng direksyon.

Hindi ko siya pinansin. Nang makapasok sa silid ay agad na bumungad sa akin ang kadiliman ng paligid, bagama't batid kong kaunting minuto na lang ay malapit na muling sumikat ang araw.

Nanghihina akong umupo sa kama. Ngayon ko lang naramdaman ang matinding pagod at sakit ng ulo. Napatulala na lamang ako habang binabalikan ang napakaraming pangyayari at rebelasyong nalaman ko ngayong araw. Gustuhin ko mang matulog, hindi ko magawa. Everything was too excessive to take and I couldn't process my brain properly. Pakiramdam ko'y anumang oras ay sasabog na ang utak ko.

Gamit ang mga nanlalabong mata, unti-unting bumaba ang aking paningin sa daliri kung nasaan ang palasingsingan. After knowing the whole shooting match, I felt like I couldn't stand this marriage anymore. Staying beside him felt like an erroneous thing. Suminghap ako at marahang hinaplos ang suot kong singsing.

Singsing na naging saksi sa mga pangako't salitang isinumpa naming dalawa. Na bukod sa papel at batas, ito ang bagay na nagpapatibay na kasal siya sa akin at kahit anong mangyari ay hinding-hindi siya maaaring maagaw ng iba.

Pero paano nga naman siya maaagaw kung sa simula pa lang ay hindi na siya naging sa akin?

Mapait akong napangiti sa kawalan. Muli ko iyong pinasadahan pa ng isang haplos bago nagpasyang tanggalin ito mula sa aking daliri. Mariin kong ipinikit ang aking mata habang patuloy pa rin ang pagbagsak ng mga luha. Damang-dama ko kung paano ang maliit na bagay na ito ay tila ba humihiwalay sa aking kaluluwa.

Mistreated Wife (Wretchedness #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon