Chapter 31

66.3K 1.5K 436
                                    

When our fourth anniversary came, I celebrated it alone. I prepared a simple dinner date for myself on the shore while watching the sunset. Ate Chantal made it just exclusive for me.

And I must tell you that it was such a bittersweet moment. Mukha akong tangang umiiyak habang inaalala ang tatlong taon naming pagsasama. Kahit hindi naging maayos ang takbo ng relasyon namin, hindi ko rin maitatangging naging masaya ako habang kapiling siya.

Naalala ko pa iyong halos isumpa niya ako dahil ayaw niyang matali sa akin pero wala pang dalawang buwan ng pagsasama ay dinala niya ako sa bagong bahay na ipinagawa niya na para sa aming dalawa talaga. Iyong mga panahong sinasabi kong gusto kong magpagupit ng buhok pero nagagalit siya sa akin dahil mas gusto niya raw itong mahaba.

The way he took me gently while we were having sex, consistently kissed my forehead and wearing my clothes back after the deed. Even the fact that he memorized the small details about what was my favorites and what's not.

Maybe for others it was too shallow and pathetic, but for me it was a big thing already.

I heaved a sigh and looked at the wedding ring like it was him I'm staring at. "Kung alam ko lang na ganito ang kahihitnan nating dalawa, sana'y hindi na lang kita pinakasalan pa. . ." bulong ko.

Kung alam ko lang may ibang taong masasaktan o madadamay, sana'y nakuntento na lang akong mahalin siya mula sa malayo. Sana'y hindi ko na lang ipinagsiksikan ang sarili ko. . . pero narito na ako sa sitwasyon kung saan alam kong wala na akong kawala. Nandito na kami sa sitwasyon na kahit anong pagsisisi, hindi na maaaring mabago pa.

Mariin kong ipinikit ang mga mata at kinuyom nang mahigpit ang singsing na nasa aking kamay. Hinayaan kong damhin ang malakas na hampas ng hangin na tumatama sa akin.

Nagmulat ako ng mga mata nang mayroong tumikhim mula sa aking likuran. Nilingon ko iyon at nginitian si Everleigh na may kakaibang ngisi sa labi.

"Chantria, sorry sa abala pero may nagpapaabot lang po nito. Para raw 'to sa iyo." Inilahad niya sa akin ang isang bouquet na juliet rose. Kung hindi ako nagkakamali ay isa ito sa pinakamahal na bulaklak sa buong mundo.

Nagtataka man ay kinuha ko iyon sa kaniya. Inabot niya rin sa akin ang dalawang mamahaling tsokolate at isang denim jacket.

"Ang dami naman. Sinong nagpapabigay?" I asked her with my brows furrowed.

Natutop niya ang kaniyang bibig bago sunod-sunod na umiling. "Ayaw magpasabi ng pangalan, eh. Kilala mo na raw siya."

"But–"

"Isuot mo na rin iyang jacket dahil malamig na rito sa labas. Una na ako." Bahagya siyang yumuko sa akin bilang paggalang. "Emote well, Chantria. Sabihan mo lang ako kung gusto mong background music. Kukuha ako ng malaking speaker with matching Paubaya ni Moira."

'Baliw!" I chuckled and hit her arm.

Tatawa-tawa siyang umalis. Nang tuluyan na siyang mawala sa aking paningin ay inilapag ko ang lahat sa pabilog na lamesang nasa harapan ko, maliban sa denim jacket na inamoy ko muna bago isuot.

At sa tapang pa lang ng pabango, alam ko na kaagad kung sino. Hindi ako maaaring magkamali. Dinampot ko ang bouquet at binasa ang nakasulat sa card.

"In the sea of people, my eyes will always search for you. Happy 4th anniversary." Iyon lang ang bukod tanging nakasulat.

Inilibot ko ang tingin sa buong paligid, umaasang narito siya at nagtatago lang. Pero kahit na hindi ko siya nakita, masaya akong malaman na hindi niya nakalimutan ang araw naming dalawa kahit na alam kong isa ito sa mga pinakamalungkot at nakakadurog na pangyayari sa kaniya.

Mistreated Wife (Wretchedness #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon