Chapter 50

50.6K 1K 992
                                    

Nang masiguro ko nang maayos ang kalagayan ni Asher ay iniwan ko na ulit siya kay Aling Naneth. Sunod kong pinuntahan si Nanay Vicky na sa awa naman ng Diyos ay maayos na ang kalagayan. Iyon nga lang ay mayroon siyang tahi sa kaniyang bandang noo at may mga gamot din siyang kailangang inumin para sa kirot niyon.

"Pero kailangan muna niyang manatili rito sa hospital, Tria, dahil marami pang test ang kailangang gawin sa kaniya," sabi sa akin ni Elias at matamlay akong tumango, hindi ko inaalis ang titig sa ginang na payapang natutulog sa hospital bed.

I glanced at him and gave him a faint smile. "Kampante naman ako kasi nandito ka. Alam kong hindi mo papabayaan si Nanay Vicky."

"Iniisip ko lang kung paano si Asher? Sinong magbabantay at mag-aalalaga sa kaniya?" He heaved a sigh. "Hindi naman din palaging puwede sina Aling Naneth o Jojo kasi may trabaho rin sila..."

"Huwag mo nang isipin iyon, Elias, ako na ang bahala sa anak ko," paninigurado ko sa kaniya, dahilan para ibaling niya ang buong atensyon sa akin at pagtaasan ako ng kilay.

"Anong ibig mong sabihin? Isasama mo siya sa trabaho mo?" tanong niya.

Marahan akong tumango. "Hm, puwede naman siguro iyon. Magpapaalam na lang ako sa boss ko. At saka, hindi rin ako mapapalagay kung basta ko na lang siya iiwan sa mga kapitbahay." Not now that I found out na mayroon palang mga batang umaaway sa kaniya.

Hindi ko na sinabi pa iyon kay Elias dahil ayaw kong madagdagan pa ang kaniyang mga problema. Pati nga ang muling pagkikita namin ni Aziel ay hindi ko na rin binanggit pa. Either he would worry about us or we would lead in another argument. Ayaw ko na muna niyon.

"Magpapalit muna ako ng damit, Tria. Hintayin mo na lang ako rito." Itinuro niya ang isang bakanteng bench nang makababa kami sa ground floor ng hospital.

Madilim na sa labas at sakto namang tapos na rin ang duty niya. Sabay kaming uuwi sa bahay pero babalik din siya kaagad dito dahil walang magbabantay kay Nanay Vicky. Kukuha lang siya ng ilang damit at mahahalagang bagay.

Umiling ako bilang pagtanggi. "Hindi na. Babayaran ko na muna ang bill ni Nanay at bibili na rin akong gamot sa botika."

"Ako na'ng bahala r'on. Itabi mo na lang iyang pera mo."

"I insist. Nakapagwithdraw na ako," I told to him. Mayroon kasi talaga akong savings para sa emergency. Para iyon sa aming dalawa ni Asher pero wala namang masama kung babawasan ko para kay Nanay Vicky. Hindi na siya iba sa akin.

Matagal kaming nagtitigang dalawa hanggang sa siya na rin ang naunang sumuko. Akmang ibubuka niya ang labi para magsalita nang marinig akong pamilyar na tinig ng babae.

"Chantria?"

Sabay kaming napalingon ni Elias sa kaniya at mula sa peripheral vision ay kitang-kita ko kung paano nanigas ang lalaki sa kinatatayuan niya. Bahagya pang umawang ang labi na para bang hindi makapaniwala sa nakikita.

"Anne? Anong ginagawa mo rito?" takang tanong ko at humakbang papalapit sa kaniya.

"I was the one who's asking you that..." She raised her brows at me. "What are you doing here? Bigla ka na lang nawala sa trabaho."

"Sorry, nagka-emergency lang. Si Nanay Vicky kasi..."

Her face softened as she stared at me with wide eyes open. "Why? What happened to her?" Tumaas ang boses niya at mahahalata roon ang pag-aalala kaya lumalim ang gatla sa aking noo.

Napansin niya iyon kaya tumikhim siya't tumuwid ng tayo.

"I-I mean, it's okay, understandable naman, pero sana nagpaalam ka pa rin nang maayos. It's part of professionalism, you know?"

Mistreated Wife (Wretchedness #1)Where stories live. Discover now