Chapter 13

55.1K 1.3K 707
                                    

Itinagilid ko ang aking ulo, hindi makapaniwala. Buong akala ko'y may katandaan na ang itinutukoy na anak ni Manang Yeta. Ang nasa isip ko pa naman ay isa iyong mataba, malaki ang tiyan at medyo may pagka-aroganteng lalaki pero mali pala ako.

Nalaman ko rin na kasing edad lamang pala niya ang asawa ko. He was twenty-four years old already yet still can be defined as one of the most drop-dead gorgeous men I've ever seen in my whole existence. . . pero siyempre wala pa ring tatalo sa mala-adonis na kagwapuhan ni Aziel.

Kung ikukumpara silang dalawa, I must say that Aziel has these stoic, ruthless and intimidating personality, while Louie has these friendly and easy to go with aura. Palagi kasi siyang nakangiti kaya mas lalo siyang nagmumukhang bata.

Medyo may katangkaran din siya kagaya ni Aziel, siguro ay mga nasa 6'2. Malaki rin ang kaniyang katawan na para bang alagang-alaga iyon sa gym. Bahagyang magulo ang kaniyang buhok kahit na side parted short ang haircut. Nakadagdag pa sa kaniyang charisma ang maliit na taling sa gilid ng kaniyang kanang mata.

All in all, gwapo. Halatang matinik sa mga babae. Kung hindi nga lang ako tanga, martyr at patay na patay sa asawa ko, malamang ay nagustuhan ko na rin siya.

"Manang Yeta, walang malisya pero ang gwapo po ng anak nyo," nangingisi kong papuri habang pareho naming pinagmamasdan ang papalayong kotse ng kaniyang anak.

Lumingon siya sa akin, bahagyang natawa. "Gan'on talaga, Chantria. Magaling kaming gumawa ng asawa ko, eh."

"Position reveal naman dyan, Manang Yeta! Pahingi na rin ng tips!" pagbibiro ko pa kaya naman mahina niya akong pinalo sa braso bago nagkibit balikat.

"Hay naku, matagal na panahon na mula noong huli akong madiligan! Basta ang alam ko lang ay tumuwad ako tapos ayon, nakabuo na ako ng gwapong supling!"

Seryoso akong tumango-tango habang taimtim na itinatatak ang lahat sa isipan. "Iyon lang ba, Manang?"

Tumingala siya. Naniningkit ang mga matang inilagay ang hintuturo sa baba na animo'y nag-iisip. "Hmm, siyempre gagalingan mo rin ang paggiling. Gagalaw ka rin at hindi puwedeng para ka lang tuod na nakahiga-"

"Wait lang po!" Pinigilan ko siya sa pagsasalita at dali-daling kinuha ang cellphone sa aking bulsa. Agad ko roong tinipa ang mga sinasabi ni Manang Yeta.

Tips para magkaroon ng guwapong anak by Manang Yeta:

Tumuwad
Galingan ang paggiling
Gumalaw din at huwag parang tuod na nakahiga

Ilang beses ko pa iyong paulit-ulit na binasa bago tinantanan. Wala naman sigurong masama kung manghingi ako ng mga tips sa matatanda, 'no? Maraming beses na kaming nagjujugjugan ni Aziel pero hindi pa rin kami nakakabuo. At least next time na mangalabit siya sa akin ay alam ko na rin ang dapat gawin.

Hindi ko sinasadyang mapalingon sa direksyon ng mga bodyguard at naabutan ko silang nakikinig sa amin habang nagpipigil ng tawa. Umirap na lamang ako at hindi na sila pinansin pa.

Kagaya ng napagkasunduan ay rito sa bahay nagpalipas ng gabi si Manang Yeta. Sa isang guest room siya nagpahinga. Bago tuluyang matulog ay sinubukan kong tawagan si Aziel pero kumustahin at tanungin kung tapos na ba ang ang business convention nila para sa araw na ito. . . na sana ay hindi ko na lamang ginawa.

"Uhm, hello? Who's this?" A fine and recognizable voice of a woman filled my ears on the other line.

Natameme ako at hindi kaagad nakasagot.

"Hi? I said who's this? Bakit ka tumatawag sa boyfriend ko nang ganitong oras? Is that something very important?" masungit na untag pa ni Anne.

Tumingin ako sa orasan. Mag-a-ala una na nang madaling araw pero bakit magkasama pa sila? Are they sharing rooms? At ano namang ginagawa nila?

Mistreated Wife (Wretchedness #1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu