Chapter 17

66.6K 1.6K 638
                                    

Sa unang araw kong pananatili rito sa probinsya nina Aziel ay wala akong ibang ginawa kundi ang maglakwatsa kasama si Aia. Sa dinami-rami ba naman ng hekta-hektaryang lupain, plantasyon at property ng mga Navarro rito pa lang sa Quezon at Laguna, talagang kukulangin ang isang araw.

"You should try visiting our rest house in Sariaya, too, Chantria. Katatapos lang niyong gawin pero fully furnished na. Katulong din si Aziel sa pagdidisenyo roon, you'll like that for sure," ani Mommy Mel habang kumakain kami ng tanghalian.

Ngumisi at tumango naman ako bilang pagsang-ayon. "Sige po, My. Pero hindi siguro muna ngayon dahil sa isang araw na po ang birthday ni Daddy Carl. Gusto ko po sanang makatulong–"

"Ay no need, Ija! We already have a team for that!" putol niya sa sinasabi ko na sinegundahan naman ni Daddy Carl.

"Mel is right, Chantria. Mas mabuti pang habang nandito ka sa probinsya ay masulit mo talaga ang bawat araw. Mas relaxing ang view dito at sariwa pa ang hangin, hindi kagaya sa Maynila na maitim na usok ang malalanghap mo," sambit niya at mataman akong tinitigan. "Kaya nga kahit halos karamihan ng negosyo ko ay naroon, mas gusto ko pa ring manatili rito."

"Eh baka naman kasi gusto pang hintayin ni Chantria si Kuya Aziel. Alam nyo na. Mas masarap gumawa ng apo kapag maganda at bago ang bahay," dagdag na panloloko pa ni Aia at muntik na akong mabilaukan sa kinakain ko.

Sinamaan ko siya ng tingin pero tanging isang malisyosa at pasaway na ngiti lang ang isinukli niya sa akin.

Umingos si Mommy Mel sa sinabi ng anak. Napalingon naman ako kay Louie na nakayuko at seryosong-seryoso sa kinakain.

"Kung makapagsalita ka riyan, Aia. Bakit nasubukan mo na?" pang-aasar ko pabalik.

Nabura ang kung ano mang ngisi sa labi ng dalaga at agad na pinamulahan ng mukha. Si Louie naman ay dali-daling inabot ang basong naglalaman ng tubig dahil biglang nasamid.

Kunot ang aking noo habang papalit-palit ang mga mata sa kanila ni Aia. Ewan ko pero kahapon pa lang talaga ay napapansin ko na mayroong kakaiba sa kanilang dalawa or baka napra-praning lang ako.

Sarkastiko namang tumawa si Daddy Carl at itinuro ang sarili. "Are you really sure that you're going to talk about that thing in front of me? In front of my delicious lunch?" matigas na tanong niya.

Natawa kaming lahat sa reaksyon niya. Matapos kumain ay umalis na rin si Mommy Mel kasama si Aia dahil mayroon silang meeting with party organizers. Si Daddy Carl naman inalalayaan nang muli ng nurse pabalik sa kaniyang kwarto para magsiesta.

Tahimik ko siyang tinatanaw habang itinutulak ng wheelchair. Bago siya tuluyang umakyat sa kaniyang silid ay muli niya akong nilingon sa kinatatayuan ko para kumaway at magpaalam na matutulog muna siya.

Ngumiti lang ako bilang tugon. Maayos man ang pakikitungon namin sa isa't isa, hindi ko pa rin maitatangging mayroon pa ring kirot at matinding hiya sa kaloob-looban ko. Mahirap mang aminin pero ako ang dahilan kung bakit na-stroke si Daddy Carl. Ako rin ang dahilan kung bakit nagkaroon ng lamat sa pagitan ni Aziel at kaniyang ama kaya hindi ko talaga alam kung saan ako humuhugot ng kapal ng mukha ngayon para humarap sa kanila.

"Chantria. . ."

Natigil ako sa malalim na pag-iisip nang sumulpot sa aking harapan si Louie. Inabot niya sa akin ang isang paper bag mula sa isang mamahaling brand ng gadgets. Tinanggap ko iyon.

"Para saan ito, Louie?" Sinilip ko ang loob at halos mapamura ako nang makita ang bagong release sa market na iPhone.

Tumikhim ang lalaki sa aking harapan habang pinapanood ang ginagawa ko. "Nakalimutan mo na ba? Inutos sa akin ni Aziel na bilhan kita ng bagong cellphone para makapag-update ka sa kaniya. . ." Inilagay ni Louie ang isang kamay sa bulsa ng kaniyang pantalon.

Mistreated Wife (Wretchedness #1)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें