Chapter 24

58.7K 1K 185
                                    

Panay ang tunog ng aking cellphone habang nasa biyahe kami patungong Quezon–kung nasaan naroon ang probinsya ng mga Navarro. Batid kong naririndi na si Daddy sa ingay ng aking telepono ay wala pa rin akong balak na sagutin ang tawag na iyon.

Sunod-sunod ang pag-ring niyon kaya hindi ko pa rin maiwasang mataranta. Matapos ng isang tawag ay muli na namang susundan ng isa pa. Halos sumabog na nga rin ang inbox ko sa dami ng text mula sa kaniya.

From: Aziel

Chantria, pick up the phone. Can we talk?

From: Aziel

Ano itong sinasabi nina Daddy na magpapakasal tayo? May alam ka ba rito? Naguguluhan ako.

From: Aziel

Please, answer the call, Chan. I'm not mad, promise. Gusto ko lang talagang malaman kung ano'ng totoo.

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata bago nagpakawala ng isang malalim na buntonghininga. At bago pa man tuluyang magbago ang isip ko ay nagpasya akong patayin na lang muna ang aking telepono.

Mula sa frontseat ay nilingon ako ni Daddy gamit ang malamig niyang mga mata. "Si Calliana at ang anak kong si Chantal na ang nag-aasikaso para sa enggrade mong debut–"

"Daddy, hindi naman na po kailangan–"

He let out a mocking cackle as he raised his brows at me. "Hindi naman talaga, Chantria. Pero kailangan kong gamitin ang araw na iyon para ianunsyo ang engagement nyo ng batang Navarro. We'll make that happen as soon as possible." He cleared his throat and shifted his seat. "Kaya ikaw, ayusin mo ang pakikipag-usap kay Carlito. Huwag kang papalpak. Huwag mo akong ipapahiya."

Itinikom ko ang aking bibig bago dahan-dahang tumango bilang pagtalima sa kaniyang gusto.

"Naiintindihan mo ba, Chantria?"

"Yes, Daddy."

Lumingon na siyang muli sa harap at hindi na ako kinibo pa. Sa buong oras ng biyahe ay nakatingin lamang ako sa labas ng bintana, nagmumuni-muni sa kung anong dapat gawin o kung tama nga ba itong pinasok ko.

Labis akong pinagkakatiwalaan ni Aziel. Kaya ko bang sirain iyon para sa pamilya at sa sarili kong kagustuhan? Siguro. Ito na nga, eh. Ginagawa ko na. Maiintindihan at matatanggap ko naman ang galit niya pero sigurado akong hindi rin iyon magtatagal kapag nagsama na kaming dalawa.

Sa lalim ng iniisip ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising lamang ako sa sunod-sunod na tapik sa akin ng isa sa mga bodyguard ni Daddy.

"Ma'am Chantria, nandito na po tayo."

Umayos ako ng pagkakaupo at pinasadahan ng tingin ang buong lugar. Nakakapanibago ang katahimikan sa paligid, puro puno at halaman. Bukod pa r'on ay wala na akong ibang makita. Pagkababa ko pa lamang ng sasakyan ay napansin ko na agad ang dami ng tauhan.

"Si Daddy po pala?" tanong ko sa kasama kong bodyguard.

"Nauna na po sa loob," tugon nito nang hindi ako nililingon.

Mas lalong dumoble ang kaba sa aking dibdib nang bumukas ang double doors at dire-diretso kaming pumasok sa loob ng mansion. Ni hindi ko na nagawa pang pagmasdan at purihin ang bawat detalye dahil ang malakas na kalabog ng aking puso ay nagdudulot upang hindi ako makapag-isip nang tama. Taimtim ko ring ipinagdarasal na sana'y huwag magkrus ang landas namin ni Aziel dahil hindi ko talaga kung paano ko siya haharapin.

Ano kayang magiging reaksyon niya kapag nakita niya akong narito sa mismong pamamahay nila?

Umakyat kami sa ikalawang palapag kung nasaan ang mismong opisina ni Tito Carl. Naabutan ko sila r'ong masinsinang nag-uusap ni Daddy at tumigil lamang nang maramdaman ang aking presensya.

Mistreated Wife (Wretchedness #1)Where stories live. Discover now