Chapter 25

62.6K 1.2K 158
                                    

Hindi ko alam kung ano na ang nangyari kay Aziel matapos niyon. Hindi ako pinatulog ng konsensya pero huli na para umatras pa. Nang sumapit kasi ang mga sumunod na araw ay mas naging abala ang lahat para sa gagawing engagement party na isasabay sa mismong kaarawan ko.

Sinubukan kong tawagan ang lalaki, ngunit nakapatay ang cellphone niya. Ang sabi ni Daddy ay habang papalapit nang papalapit ang naturang araw ay mas lalong humihigpit ang seguridad sa mansion ng mga Navarro.

"Are you ready? This is going to be a long night!" Ate Chantal giggled as she stared at me in front of the wide vanity mirror.

Matamlay lang akong ngumiti bilang tugon.

Sumapit na ang araw na mismong pinakahihintay ng marami. Bagama't nararamdaman ko ang saya, mas nangingibabaw pa rin sa akin ang takot at kaba. Naiisip ko kung ano kaya ang magiging reaksyon ni Aziel kapag nagkita na kami ulit mamaya? Galit ba siya? O natanggap na niya ang kahihinatnan naming dalawa?

"Thirty minutes and the program will start!" Mommy Calliana informed all the makeup artists inside the room.

Sa isang five star hotel na isa sa pagmamay-ari ng pamilya namin gaganapin ang aking 18th birthday at ang pag-aanunsyo ng engagement party. Sabi ni Ate Chantal, marami na raw tao sa venue. Maraming mga kilalang personalidad, artista, mga respetado at tinitingalang negosyante. Napapalibutan din ng media kaya paniguradong pagkatapos nito ay laman na naman kami ng kabi-kabilang balita.

Kung tatanungin ako kung anong nararamdaman ko ngayon, isa lang ang isasagot ko, hindi ako alam kung dapat ba akong maging masaya. Lalo pa't pagkatapos ng gabing ito ay tutungo na kami sa Batangas dahil sa isang araw na rin gaganapin ang kasal namin ni Aziel.

"Daddy texted. Kung tapos na raw tayong ayusan, pumunta na raw tayo sa kabilang kwarto. Naroon na raw ang mga Navarro." Lumapit sa akin si Ate Chantal at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Tapos nang ayusin si Chantria, puwede mo nang isama. But ten minutes before the party start, kailangang i-retouch ang makeup niya," ani baklang makeup artist.

Ngumiti siya sa akin at mataman akong tinitigan. "Ang ganda ganda mo. Para kang diwata."

Nahihiya akong yumuko. "Salamat po."

Umingos si Ate Chantal at hinila ako sa braso. "Tara na! Daddy's waiting for us!"

Kinaladkad niya ako palabas ng kwarto. Medyo hirap pa ako sa paglalakad dahil mabigat ang suot kong red na gown. Idagdag pa na hindi rin ako sanay magsuot ng mataas na heels. Mabuti na lang ay sa kabilang kwarto lang ang pupuntahin namin.

Ngunit hindi pa man kami tuluyang nakakapasok sa loob ng silid ay dinig na namin ang ingay na tila nagkakagulo mula sa loob. Nagkatinginan kami ni Ate Chantal at mabilis niyang pinihit ang sedura ng pinto.

"Call an ambulance now!" sigaw sa amin ni Mommy Calliana.

"A-Ano pong nangyayari?" naguguluhan kong tanong at pilit ko pang hinabaan ang leeg.

Kitang-kita ko kung paano palibutan ng mga bodyguards si Mr. Navarro. Nakahawak siya sa dibdib na tila kinakapos sa hininga, mariing nakapikit ang mga mata at awang ang labi. Sa kaniyang tabi ay ang asawang umiiyak at patuloy na isinisigaw sa kaniyang pangalan.

"Just call an ambulance first, Chantria! Kailangan nating madala sa hospital ang Tito Carl mo!" Daddy's raging voice echoed the whole room.

Kahit na naguguluhan ay agad na tumalima si Ate Chantal sa inuutos ni Daddy. Samantalang ako'y nanatiling nakatayo at naguguluhan sa mga nangyayari sa paligid. Hinanap ng mga mata ko si Aziel na naroon lang sa sulok at nakatulala. Sa kabila ng kaniyang pormal niyang ayos at suot, hindi nakaligtas sa aking mga mata ang sugat sa gilid ng kaniyang labi at maging ang pasa na rin sa kaniyang isang pisngi.

Mistreated Wife (Wretchedness #1)Where stories live. Discover now