Chapter 39

48.7K 1K 302
                                    

Matapos kumain ng tanghalian ay muli akong nagpahinga. Si Aziel naman ay bumalik sa kaniyang cabin dahil mayroon siyang nakaschedule na meeting sa trabaho.

Hapon na nang nagising ako at nakabalik na siya sa aking kwarto. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Ang unang tumambad sa akin ang matikas niyang likod dahil wala siyang saplot na pang-itaas at nakadenim pants bilang pang-ibaba. Ang Nakatalikod siya sa aking gawi at nakaharap siya sa bintana habang may kausap sa telepono.

I didn't move or make any noise and just eavesdropped on their conversation.

"Hindi ka na ba makapaghintay na makita ako kaya minamadali mo na agad mga trabaho mo?" malambing na aniya sa kausap, dahilan para kumunot ang aking noo.

Sino na namang kausap niya?

"Of course, I can't wait to see you too, baby..." he trailed off as he heaved a sigh. "But Chantria is still resting. I can't leave her here alone."

Napangiwi siya at bahagyang inilayo ang cellphone sa kaniyang tainga na para bang nabibingi siya. Naninikip ang dibdib ko at tila mayroong nakabarang bagay sa aking lalamunan.

Baby? Sino ba iyang kausap niya? Bakit gan'on na lamang kalambing ang paraan ng kaniyang pagsasalita?

May ibang babae ba siya? Was it Anne? Larisa? Or maybe another girl he met while we were apart?

Napakurap-kurap ako nang maramdaman ang pag-iinit ng magkabilang sulok ng aking mata.

Mali bang binigyan ko siya ng panibagong tiyansa?

"Stop shouting at me. I'm your brother, Aia. Baka nakakalimutan mo," he uttered, annoyed and with a hint of warning in his tone.

My breath hitched as I blinked my eyes terderly.

Gaga, Chantria. Si Aia lang pala.

"Fine, fine! Susunduin ka na namin! Just stop cursing me, you brat!" inis na singhal ni Azi at nakasimangot na pinatay ang telepono.

Humarap ito sa aking direksyon at halos mapatalon pa siya sa gulat nang magtama ang aming paningin.

He held his chest and sighed nervously.

"You startled me." Lumakad siya sa patungo sa akin, yumuko at masuyong pinupog ako ng halik sa aking pisngi.

"Kanina ka pa gising?" mahinahong tanong niya habang sinusuot ang kaniyang t-shirt.

"Hmm..." Bumangon ako pero hindi pa rin siya nilulubayan ng tingin.

Matapos isuot ang kaniyang damit ay lumapit ulit siya sa kama at humiga sa tabi ko. Hinila niya ulit ako at ipinagsiksikan ang sa sarili sa akin. Pinulupot niya ang kaniyang braso sa aking baywang at idinantay ang hita sa aking hita.

Napaungol ako dahil sa bigat niya.

"Is that Aia?" I asked.

He lazily nodded his head as I felt his hug tightened even more. "Yeah."

"Parating na raw ba siya?"

Napapikit ako sa marahang pagsuklay niya sa aking buhok. Nararamdaman ko rin ang marahang paghalik niya rito. "She's still in the airport in Manila, waiting for her flight."

He groaned and continued speaking. "Wife, is it okay kung tayo ang susundo sa kaniya sa airport?"

"I thought Louie would fetch her?" Nagsalubong ang aking kilay sa pagtataka.

"Ayaw niya raw, eh. Galit na galit sa akin noong sinabi kong si Louie ang susundo sa kaniya," tugon niya at mataman akong tinitigan. "Okay lang ba? I know you're still sore but–"

Mistreated Wife (Wretchedness #1)Where stories live. Discover now