Chapter 7

265 9 0
                                    

Chapter 7:

AN: This is Faith's dream ah. Baka kasi may malito sa inyo.

--------

Faith's POV:

Nasa isang malaking sala kami nina mommy. Kasama rin namin si ate Katelynne na nakaangkla pa sa kaliwang braso ko. Sina daddy at kuya Kian naman ay nasa kotse pa, kinukuha ang binili naming regalo.

"Good evening Mrs. Hernandez!" pagbati ni mommy sa isang magandang ginang.

"Don't be too formal Steffi. Magiging magkumare naman na tayo in the near future. Let's call each other mare." sabi nito bago tumingin sa akin.

Ngumiti ito bago nagtanong, "Is this Kaylinne? Oh my! You're so beautiful hija. Bagay na bagay kayo ng anak ko."

Naguguluhan man ay ngumiti ako sa kanya bago nagpasalamat. Tumingin naman ako sa isang ginoo na mukhang asawa ng ginang. Ngumiti ako sa kanya na pinalitan nya rin ng isang ngiti bago kami anyayahan sa hapag-kainan.

"Ikaw na ba si Kian, hijo? Ang laki mo na. Kung hindi mo natatandaan, ako ang isa sa mga ninong mo noon." sabi ng ginoo nang makapasok sa dining area sina daddy at kuya Kian.

"I remember you po, ninong Adrian. Pati na rin po kayo ninang Mariel." pagsagot ni kuya bago naupo sa katabi kong upuan.

Ipapatawag na sana nina tita Mariel ang anak daw nila nang makita nila itong nakapasok na sa dining area. Tinitigan ko ito at talaga namang may angking kagwapuhan ito. Kung titignan ay mukhang kasing-edaran lang ito ni kuya Kian.

Nang mahuli nya akong nakatingin sa kanya ay akala ko susungitan nya ako pero iba ang ginawa nya. Ningitian nya ako at mas lalo akong nagwapuhan sa kanya nang makita ko ang dimples nya sa magkabilang pisngi.

"Lets eat." nabalik ako sa ulirat nang magsalita si tito Adrian.

Napansin ko naman ang kakaibang pagngiti ni tita Mariel maging nina mommy. Si ate Katelynne naman ay kinurot pa ang tagiliran ko bago halikan ang pisngi ko, "Ang cute talaga ng bunso ko!"

Kambal kami ni ate Katelynne pero mas matanda sya sakin ng ilang seconds lang. Para sa kanya ay bunso at baby nya ako kaya grabe sya kung maglambing sa akin. Ilang beses din nyang sinasabi na mahal na mahal nya ako. Ramdam ko naman yun.

Halos isang oras din kaming nagtagal sa dining area hanggang sa napagdesisyunan nila tito Adrian na ipagpatuloy ang pagkukwentuhan nila nina daddy sa sala ng mansyon nila.

"Siguro ay nagtataka kayo kung bakit namin pinag-uusapan ang kasal." panimula ni tito Adrian.

"Anak Matheo, alam kong bata ka pa. You're only 12 years old. I want the best for you anak kaya naman pinagkakasundo namin kayo ni Kaylinne. Nakatakda na kayong ikasal once you graduate in college." pagpapatuloy nito.

Nagulat naman ako dahil sa sinabi nito. Nakatakdang ikasal? Ako ikakasal kay Matheo? But I'm only 10 years old!

Tumingin ako kay daddy nang tawagin ako nito, "Kay, we are arranging your marriage with Matheo. No buts."

"But dad! My baby is only 10 years old!" sabi ni ate Katelynne.

"No more buts Kate! My decision is final." pinal na sabi ni daddy kaya walang nagawa si ate Katelynne kundi yakapin ako.

"Its fine with me." rinig kong sabi ni Matheo bago ito nagpaalam na aakyat na sa kwarto nito.

NAGISING ako mula sa isang masamang alaala. Yun ang araw na pinagkasundo ako kay Theo. Di ko namalayan na tumutulo na ang mga luha ko hanggang sa makarinig ako ng paghikbi.

Ang sabi nya okay lang sa kanya na ikasal kami. Pero bakit sya nagloko? Bakit nya ako pinagpalit kay Katelynne?

Marahas kong pinunasan ang mga luha ko. Mali ito! Hindi dapat ako makaramdam ng sakit! Kasalanan nila itong lahat!

"Good morning my baby!" rinig kong pagbati ni ate Maureen nang makapasok sya dito sa kwarto ko.

She hugged me tight at hinalikan ang magkabila kong pisngi, "Ang cute talaga ng baby ko!"

Pumasok naman sa isipan ko ang panaginip ko kanina. Iniling-iling ko naman ang ulo ko para mawala ang isiping iyon.

"Are you okay, my baby?" pagtanong ni ate.

"Okay lang po ako ate." pagsagot ko bago tumunog ang tyan ko.

Sabay kaming natawa ni ate Maureen bago nya ako niyayang bumaba na dahil nakahanda na ang almusal. Sya mismo ang nagluto ng almusal namin.

Si ate Maureen ay isang magaling na chef. Sideline nya lang ang pagmomodelo dahil maganda rin naman sya.

"Good morning my family!" pagbati ko nang makarating kami ni ate Maureen sa dining area.

Napa-wow naman ako nang makita ang paborito kong tinolang manok. Nagningning ang mga mata ko dahil sa nakita. Narinig ko naman ang tawanan ng pamilya ko kaya napanguso ako.

"I know you love it, my baby sis!" sabi ni ate Maureen.

Nagsimula na kaming kumain nang magsalita si papa, "What's your schedule today, Faith anak?"

Nilunok ko muna ang nginunguya kong pagkain bago sumagot, "I have meeting today papa. Kasama ko po ang team."

"Is this about your upcoming movie, anak?" pagtanong naman ni mama.

"Opo ma. Speaking of, I have to shower na po." pagpapaalam ko bago ako umakyat at ginawa ang dapat gawin.

Ilang minuto rin akong nag-ayos bago ko tinitigan ang sarili ko sa salamin dito sa kwarto ko, "Ang ganda mo talaga self!"

I am wearing my favorite violet dress na hapit sa katawan ko. Halatang-halata tuloy ang hubog ng katawan ko. Kitang-kita rin ang kaputian ko. I am also wearing my black stilettos na nabili ko sa shop namin ni ate Maureen sa mall. Light make up lang din ang ginawa ko dahil maganda na ako. Hinayaan ko namang nakalugay ang healthy at long hair ko.

Pagbaba ko ay pare-parehas na mga nakangiti ang pamilya ko habang namamanghang nakatingin sa akin. Ganun na ba ako kaganda? Chos!

"Ang ganda-ganda ng anak ko! Pakiss nga si mama!" sabi ni mama bago ako halikan. Buti na lang ay di nabura ang light make up ko.

"Aalis ka na ba? Hatid na kita." magkasabay na sabi nina ate at kuya.

"Ako sabi eh!" sabi ni ate Maureen.

"Ako ang panganay kaya ako masusunod!" sabi naman ni kuya Kiel.

Nagkatinginan kami nina mama at papa bago ako sumabat sa kanila, "Ate, kuya.. May sundo po ako eh. Sa kanya na lang po ako sasabay. Hehe."

Kapwa nalungkot naman ang mukha nila kaya naman tumingin ako kina mama. Ngumiti sakin si mama bago sya nagsalita, "Kayo talaga.. Hayaan nyo at sa susunod ay kayo naman ang maghahatid sa bunso natin, okay?"

Kapwa ngumiti sila ate at kuya sabay yakap sakin. Humiwalay lang sila ng yakap nang may bumusina sa labas.

"Yan na po ang sundo ko. Aalis na po ako." pagpapaalam ko.

----------

Angel's Revenge (Completed)Where stories live. Discover now