Chapter 3

288 9 0
                                    

Chapter 3:

Faith's POV:

Nasa mall ako ngayon at naglilibot. Kakarating ko pa lang at naisipan kong pumunta muna sa isang coffee shop. Hihintayin ko kasi si ate Maureen at sabay kaming bibili ng kung ano-ano.

Gustong bumawi sakin ni ate kasi wala raw sya nung araw na may nanakit sakin sa kumpanya. Naiintindihan ko naman kung wala sya nun. Isang sikat na model si ate Maureen at nasa Paris sya nung araw na yun.

Dalawang linggo na pala mula nang mangyari yun. Hanggang ngayon ay kalat pa rin ang issue ni Katelynne. Balita ko nga ay maraming fans nya ang nagsialisan na sa fandom nila. Good for her, pero hindi pa yan sapat. Marami pa akong plano para sa pamilya nila.

Nag-selfie lang ako habang hinihintay ang order ko. Nag-chat na rin si ate Maureen na malapit na sya at sagot nya ang pang-shopping ko!

"Ms. Angel?" nang marinig ko yan ay tumayo na ako at pumunta sa counter.

"Thank you." nakangiti kong sabi.

Aalis na sana ako nang may nagsalita mula sa likod ko. Hindi ko naman inaakala na mapapaaga pala ang pagkikita naming dalawa.

"Excuse me. That's mine." sabi ng boses na kilalang-kilala ko.

"Yes?" pagsabi ko bago humarap sa kanya.

"That's mine!" madiing sabi nya bago agawin ang kape ko.

"Oh no! I didn't mean to do that!" plastik kong sabi sa kanya bago ako lihim na ngumisi.

"Ah! You! You ruined my expensive dress, b*tch!" hysterical nyang sigaw na nakaagaw ng atensyon ng mga tao sa paligid.

"Its your fault! Inagaw mo sakin ang kape ko!" sabi ko naman.

Napansin ko naman ang paglabas ng mga tao ng kani-kanilang cellphone at kinukuhanan kami ng video.

"You b*tch!" sigaw nya bago ako sampalin.

Kahit ayaw ko ay pinagmukha kong nakakaawa ang sarili ko. Pinilit kong mapaiyak bago tumingin sa kanya, "I told you its your fault! Inagaw mo sakin ang kape ko kaya natapunan yang damit mo!"

"Hindi mo ba ako kilala?  I'm Katelynne Hernandez at isang tawag ko lang ay kayang-kaya kitang paalisin dito!" sigaw nya na nagpalakas ng bulong-bulungan sa paligid.

Wala ba syang pakialam sa image nya? Sirang-sira na sya sa mga tao at mas sisirain ko pa yun!

"Excuse me miss. You don't have the right to start a cat fight here! Please leave before I call security." magalang pero madiing sabi ng mukhang manager nitong coffee shop.

"What?! Ako pa talaga ang papaalisin mo?! Do you want me to fire you?! My family owns this mall!" sigaw ni Katelynne pero hindi nagpatinag ang manager.

Binalingan naman ako ni Katelynne at dinuro, "Its your fault! Inagaw mo kasi ang order ko! Mang-aagaw!"

Tinuro ko ang babaeng nasa counter bago nagsalita, "This girl called my nickname Angel. Is that your name? I thought you're Katelynne?"

"That's my nickname! I am Angel!" sigaw nya.

'Angel is your nickname? Kahit kailan talaga ay mang-aagaw ka Katelynne! Angel is my nickname given by my bestfriend, Margaux!' sabi ko sa isip ko.

"Excuse me, but what did you order?" pagtanong ng manager.

"I ordered frappe and this one is---" hindi nya natuloy ang sasabihin nang magsalita ako.

"Coffee. My coffee. Siguro naman alam mo nang akin ang order na yan?" madiin kong sabi.

Angel's Revenge (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt