Chapter 69

202 6 0
                                    

Chapter 69:

Faith's POV:

"Buhay ang kapatid mo anak.", sabi ni mama kaya naman dali-dali akong pumasok sa kwarto upang makita sya.

Hindi ako makapaniwalang buhay si ate Kaori. Paano naman kaya nangyari yun? Nakita ko at nadinig kong flat line na sya. Hindi na importante iyon. Ang importante ay buhay ang kapatid ko.

Agad namang nawala ang sayang nararamdaman ko nang makita ang itsura ni ate Kaori. Maraming makina ang nakakabit sa katawan nya. May nurse ding nagbabantay sa kanya.

"Ate Kaori...", tanging nasabi ko.

Naramdaman ko naman ang pagyakap sa akin ni mama Tiffany bago ko narinig ang boses nya, "Na-revive sya ng mga doktor, anak. Lumaban ang ate Kaori mo. Ang sabi ng mga doktor ay matuturing na himala ang nangyari dahil ilang minuto ring nawala ang heartbeat nya."

"Ang baby nya po mama?", pagtanong ko naman nang maalala ang pinagbubuntis nito.

Si Mathew naman ang sumagot, "She's fine. Ang sabi ng doktor ay malakas ang kapit ng bata. Buhay sya at healthy."

"Ang sabi ng doktor anak ay comatose ang ate Kaori mo. Kahit na ganun ay malaki ang posibilidad na magising sya.", rinig kong sabi naman ni mama.

Lihim akong nagpasalamat sa nasa itaas dahil buhay pa rin ang kapatid ko maging ang baby nya ay healthy. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay nya.

"Fight ate Kaori. Nandito lang kami, hihintayin ka namin.", sabi ko sa kanya bago nagpaalam na tatawagan si lolo.

Lumabas ako sa kwarto at tinawagan si lolo. Ilang ring din ang lumipas at sinagot na ni lolo, "Lo, I have good news. She's alive! Ate Kaori is alive!"

"Is it true apo? Buhay ang ate Kaori mo?", hindi makapaniwalang sabi ni lolo.

Tumango ako kahit hindi nya ako nakikita bago sumagot, "Opo lolo. Lumaban si ate Kaori pero po.."

"Pero ano apo? May problema ba?", nag-aalalang pagtanong ni lolo.

"She's in coma lolo pero malaki po ang posibilidad na magigising din sya.", sagot ko naman.

"Mabuti apo. About Kierra, hindi mo nasagot kanina, nasaan na sya? Nakakulong na ba ang babaeng iyon?", seryosong pagtanong ni lolo.

Huminga ako nang malalim bago seryosong sumagot, "Not yet lolo. Nandito rin sya sa ospital dahil nabaril sya ng pulis nang hulihin sya. I'll ask papa Zoren about her case."

"Good. I want to see her in jail. Nga pala apo, you didn't tell me na narito si Mariel. Why is she here?", sabi pa nya.

Napabuntong-hininga naman ako. Isa ito sa mga sikreto ko. Tinago ko sa France ang tunay na Mariel Aragon. Hindi ko sya binalik kahit na ilang beses syang nangungulit sa akin.

"I saved her lolo. Bago kami bumalik ng asawa ko sa France ay nakita namin syang walang malay hindi kalayuan sa sementeryo kung saan nakalibing si Kaylinne. I recognized her kaya dinala namin sya sa ospital. She was 50-50 at that time po. Masyadong malala ang head injury nya kaya dinala namin sya sa France. She had amnesia at halos dalawang taon din syang walang maalala."

"I planned to tell tito Adrian pero nalaman kong may nagpapanggap na bilang sya. Kaylinne told me na nagpapanggap si Kierra bilang sya kaya hindi ko sya binalik nang bumalik lahat ng alaala nya."

"Ibabalik ko naman po sya after all of this. Gusto ko lang masiguradong nakakulong na si Kierra bago sya bumalik sa pamilya nya.", mahabang pagpapaliwanag ko.

Matagal bago sumagot si lolo, "Apo, galit ka ba kay lolo?"

Nagulat naman ako dahil sa tanong nya. Bakit naman nya iisipin iyon? Pumasok naman sa isipan ko ang katotohanang nalaman ko kahapon.

"I'm not lolo.", maikling sagot ko.

"I'm sorry apo tinago ko sayo, sa inyo ng mga kapatid mo ang katotohanan. Nadala rin siguro ako ng galit ko sa kanya dahil sa lahat ng ginawa nya sa inyong magkakapatid kaya hindi ko na sinabi pa. Patawarin mo ang lolo, apo.", sinserong sabi nya.

"It's all in the past lolo. Ang importante sa akin ngayon ay ang magising si ate Kaori. Yun po muna ang iisipin ko pati na rin po ang pagbubuntis ko.", sagot ko bago nagpaalam sa kanya.

Papasok na sana ulit ako sa kwarto ni ate Kaori nang makasalubong ko si Mathew, "Kanina ka pa ba dyan?"

Hindi sya sumagot kundi niyakap nya ako. Hihiwalay na sana ako sa pagyakap nya, dahil baka makita kami ni Marius, nang bigla syang nagsalita, "Thank you. Thank you for saving mommy Mariel."

Sasagot na sana ako nang marinig ko ang boses ng seloso kong asawa, "Kung hindi ka mapapangasawa ng kapatid ng asawa ko ay baka pinaglalamayan ka na ngayon."

Mabilis akong humiwalay kay Mathew at lumapit sa asawa kong masama ang tingin kay Mathew. Agad kong hinawakan ang kamay ng asawa ko bago tumingin kay Mathew, "Say something Mathew. Hindi mo kilala ang asawa ko."

Agad na tinaas ni Mathew ang dalawang kamay nya bago nagsalita, "Nakakatakot ka na nga, mas nakakatakot pala ang asawa mo."

Tinignan lang sya nang masama ni Marius bago ako inayang kumain muna sa canteen ng ospital. Bago kami makaalis ay narinig ko pa ang sinabi ni Mathew, "Salamat Katelynne!"

Nang makarating kami sa canteen ay agad na humanap ng pwesto ang asawa ko, "What do you want love?"

Napangiti ako dahil bumalik na ang Marius ko. Kanina kasi ay talagang nakakatakot sya dahil selos na selos talaga sya. Ayaw na ayaw kasi nyang may ibang lalaki ang hahawak o yayakap sa akin.

"What's with the smile?", nakangiting sabi nya.

"Are you still jealous, love?", pagtanong ko naman.

"Yes I am. Do something love.", sabi nito.

Mabilis akong naupo sa tabi nya bago may binulong, "Let's do it later. What do you think?"

Mabilis syang tumango kaya naman napatawa ako, "Buy me food first. I want something sweet."

"Sweet like me?", tanong nya naman.

Tumango-tango naman ako. Maya-maya ay tumayo na sya at bumili ng pagkain. Ilang minuto lang ang hinintay ko nang makabalik na sya sa pwesto ko bitbit ang mga pagkain. Nagningning naman ang mga mata ko nang makita ang dark chocolate na paborito ko.

Matapos kaming kumain ay agad na rin kaming bumalik sa kwarto. Naabutan namin doon si Mathew at si Margaux.

"Nasaan si mama?", pagtanong ko.

Tumingin sa akin si Margaux at sumagot, "Umuwi muna sila saglit para magpalit ng damit at para na rin makapagpahinga saglit. Babalik din daw sila mamaya."

Tumingin naman sa akin si Mathew, "Kate, about mommy Mariel. Kailan sya pwedeng bumalik dito?"

Hindi ko sigurado ang sagot pero nagsalita pa rin ako, "Soon."

---------

Angel's Revenge (Completed)Where stories live. Discover now