Chapter 23

225 4 0
                                    

Chapter 23:

Faith's POV:

Katatapos pa lang ng shooting namin ngayon. Kasama ko si Marius, sinundo nya ako. Didiretso na kami sa restaurant dahil may family dinner kami at may ka-meeting sina mama doon. Hindi ko alam kung sino basta tungkol iyon sa negosyo.

Nang makarating ay magkahawak kamay kaming pumasok sa loob. Dumiretso ako sa comfort room bago pumunta kina mama. Naghuhugas na ako ng kamay ko nang may narinig akong boses. Hindi ko sana papansinin pero narinig ko ang pangalan ko.

"Yes, Zyanna Faith Zaragoza. Investigate her. Magkita tayo later.", rinig kong sabi nito.

Hindi ko na hinintay pang lumabas sa cubicle ang taong iyon. Lumabas na ako roon at pumunta kina mama. Hindi pa man ako nakakalapit ay nakita kong may kausap sila. Isang matandang lalaki na kilalang-kilala ko. Aatras na sana ako ngunit nakita na ako ni ate Maureen at tinawag ako kaya wala akong nagawa kundi lumapit sa kanila.

"Mr. Fernando, I would like to introduce to you our youngest daughter.", sabi ni papa.

Nakatitig lang sya sa akin at hindi nagsasalita. Lumapit naman ako sa kanya at nagmano bago nagpakilala, "Good evening po sir. I'm Zyanna Faith po, please to meet you."

Tumayo sya at niyakap ako nang mahigpit. Miss ko na ang yakap ni lolo kaya niyakap ko rin sya. Mayamaya ay hinarap nya ako sa kanya at naluluhang tumingin sa akin, "I miss you, apo."

Tumingin ako kina mama bago tumingin kay lolo. Kahit ayaw kong magsinungaling sa kanya ay ginawa ko pa rin, "I'm sorry po pero hindi po ako ang apo nyo."

Napayuko naman ako dahil alam kong malalaman nyang nagsisinungaling ako kapag tumingin pa ako sa kanya. Magaling magbasa ng tao ang lolo ko at isang tingin nya pa lang ay alam na nya ang ugali ng isang tao.

"Hanggang ngayon ay hindi ka pa rin marunong magsinungaling. You can't fool me, apo. Kilalang-kilala kita.", sabi ni lolo at bigla akong napatingin sa kanya nang tinawag nya ako sa tunay kong pangalan.

Unti-unting tumulo ang mga luha ko at muling yumakap kay lolo. Miss ko na sya. Ang tagal-tagal na mula nang makita ko sya. Ang tagal-tagal na mula nang mayakap ko sya ng ganito.

KUMAKAIN kami kasama si lolo. Nakilala na rin sya nina mama at nalaman nila ang ugnayan naming dalawa ni lolo. Hindi agad sila naniwala na lolo ko sya pero pinaliwanag ko naman sa kanila ang lahat. Hindi ko kasi naikwento sa kanila noon ang tungkol kay lolo kaya hindi nila ito kilala.

"Thank you for saving my apo, Mr. and Mrs. Zaragoza.", sabi ni lolo bago tumingin sa akin.

"I miss you, apo.", sabi nito sa akin.

Ngumiti ako sa kanya bago sumagot, "I miss you too, lolo."

Muli syang tumingin sa mga magulang ko matapos nya akong yakapin, "Regarding my offer. Hindi ko na itutuloy."

Nangunot ang noo ni papa, "What do you mean, Mr. Hernandez?"

Ngumiti sa kanila si lolo bago ito sumagot, "Sapat na sa akin ang pagliligtas at pagkupkop nyo sa aking apo. Masyadong malaking pabor na kung tutulong pa kayo para sa kumpanya ng pamilya namin."

"Bakit po, lolo? May nangyari po ba?", pagtanong ko naman.

Bumuntong-hininga sya bago sumagot, "Nalulugi na ang kompanya, apo. Dahil iyon kina Kian at Katelynne. Marami na ring umaalis na investors dahil nabalitaan nila ang ginawa ng dalawa sayo. Bumaba rin ang sales natin at lumilipat sila sa iba."

Tumingin ako kina mama. Gusto kong tulungan si lolo. Ang kumpanya ng pamilya ay pamana pa sa kanya ng kanyang mga magulang noon. Alam kong importante iyon sa kanya dahil iyon na lang ang natitirang alaala ng mga magulang nya sa kanya.

"I'll help you, lolo. I'll be your investor.", sabi ko sa kanya at ngumiti.

Nagpasalamat si lolo bago yumakap sa akin. Mabait ang lolo ko at deserve nya ang tulong ko. Tsaka pambawi na rin dahil alam kong lubos siyang nasaktan nang mabalitaan ang nangyari sa akin noon.

Someone's POV:

"Investigate Zyanna Faith Zaragoza. Yes, magkita tayo later.", huling sabi ko sa kausap ko sa cellphone ko bago ako lumabas sa cubicle ng comfort room.

Pagkalabas ay wala naman akong nakitang tao. Mabuti na iyon at baka may makaalam pa ng mga plano ko. Napangiti naman ako nang maalala ang pinagawa ko sa tauhan ko. Unti-unti nang lumulubog ang kumpanyang pinagmamayabang mo sa akin noon, Fernando Hernandez.

Ako lang naman ang nag-utos na pabagsakin sila. Inuto ko lang ng kaunti ang investors, ayun nagsialisan na sila. Alam kong hindi sila aalis nang dahil lang sa issues ng magkapatid na Kian at Katelynne. Malaki ang tiwala nila sa pamilya Hernandez kaya lang ay nagbago iyon dahil sa ginawa ko.

Tinawagan ko ang isa sa mga tauhan ko, "Send that envelope to attorney Flores. Yes, wag kang maglagay ng pangalan kung kanino galing."

Ngumisi ako bago nagsalita, "Ito ang simula ng pagbagsak ng pamilya Hernandez at sisiguraduhin kong hindi na kayo makakaahon pa."

Naghugas lang ako ng kamay at balak ko na sanang umalis nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nakita ko naman na may bagong email akong natanggap. Binuksan ko iyon at nagulat ako sa nilalaman niyon.

"Buhay ka?!", sabi ko sa sarili ko.

Paanong mabubuhay ka? Sinong tumulong sayo? Bakit ka bumalik?

Muli kong tinignan ang pictures na pinadala sa akin ng tauhan ko. Pinaimbestigahan ko kasi si Zyanna Faith Zaragoza at iyon ang binigay ng tauhan ko.

"Kamukhang-kamukha mo si Ka----"

-----------

Angel's Revenge (Completed)Where stories live. Discover now