Chapter 39

223 6 0
                                    

Chapter 39:

Kian Andrew 's POV:

Iyak lang ako nang iyak habang yakap-yakap si mommy. Naiintindihan ko na ngayon kung bakit hindi namin kasama ang tunay kong ama. Naiintindihan ko na ang lahat. Hindi ko rin masisisi si mommy dahil pinili nya lang ang sa tingin nya ay tama nung panahong iyon.

"I'm sorry anak. Patawarin mo si mommy dahil matagal kong tinago sayo ang totoo.", umiiyak na sabi ni mommy.

Humiwalay ako sa pagkakayakap ko sa kanya at tinignan sya bago nagsalita, "Naiintindihan ko po, ma. Ginawa mo lang yun para sa akin. Hindi naman po ako magtatanim ng sama ng loob sa inyo."

Yumakap sya sa akin habang umiiyak, "Thank you anak."

Kusang humiwalay sa yakap si mommy nang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Nang pumasok ang taong iyon ay nalaman kong si daddy pala. Hindi ko alam kung dapat ko ba syang tawaging daddy dahil hindi naman sya ang tunay kong ama.

Lumapit sya sa akin at niyakap ako bago ko narinig ang boses nya, "Hindi man ako ang tunay mong ama, sana'y itatak mo sa isipan mong tinuring kitang parang tunay kong anak, Kian. Mahal kita bilang anak ko at sana'y wag magbago ang pakikitungo mo sa akin."

Naiiyak akong gumanti ng yakap sa kanya. Anuman ang sabihin ng iba. Anuman ang mangyari, isang katotohanan pa rin ang mananatili. Isa akong Hernandez at mananatili akong anak ni Joshua Hernandez.

Ilang araw na ang lumipas mula nang malaman ko ang totoo. Masakit pa rin na malaman ang katotohanan pero nangyari na at wala na akong magagawa para mabago iyon.

Nasa kwarto ako ngayon at naghahanda. Hindi ko pa sinasabi kina mommy ang desisyon kong ito at sana'y maintindihan nila ang gusto ko. Hindi ko naman talaga nais ang tumakbo sa pulitika. Ginawa ko lang iyon dahil kay lolo. Ang gusto ko talaga ay maging negosyante.

Dahil sa pagtakbo ko sa pulitika ay nawalan na ako ng oras para magtayo ng sarili kong negosyo. Ang kumpanya nina daddy ay alam kong hindi ipapamana sa akin dahil nais nilang si Kaylinne ang mamahala nito noon. Ngayon ay hindi ko alam kung ipapamana na lang ba nila ito kay Katelynne.

Speaking of Katelynne. Ilang araw na syang hindi umuuwi dito sa bahay. Hindi ko alam kung nasaan sya at kung anong ginagawa nya habang wala sya rito. May malaki syang kasalanan sa amin lalo na kay Kaylinne. Sumama na naman ang loob ko sa kanya dahil sa nalaman.

Muli kong naalala ang kapatid kong si Kaylinne. Naalala ko ang pananakit ko sa kanya dahil mas pinaniwalaan ko ang sinabi ni Katelynne na sinaksak sya ni Kaylinne. Lubos akong nagsisisi lalo na nang malaman kong namatay ang anak nya dahil sa ginawa ko noon. Mas lalo akong nagsisisi nang malaman kong nagsinungaling si Katelynne.

Lumapit ako sa kama ko at naupo roon. Kinuha ko naman ang isang picture frame na nasa side table ko. Isang larawan na nagpapakita ng masayang samahan ng magkakapatid. Ako, si Katelynne at si Kaylinne. Kuha ang litratong ito bago pa man makidnap ang mga kapatid ko noon.

Hinaplos ko ang bahagi kung nasaan si Kaylinne, "I'm sorry Kay. Patawarin mo si kuya. Hindi ko alam. Hindi ako naniwala sa mga paliwanag mo. I'm sorry at ako ang naging dahilan ng pagkamatay ng anak mo. I'm sorry at hindi ko natupad ang pinangako ko sayo na ako ang magiging kakampi mo sa lahat ng oras."

Binalik ko ang picture frame sa side table nang may kumatok. Pagbukas niyon ay pumasok si mommy. Agad syang lumapit sa akin bago nagsalita, "You want to talk to me, anak?"

Huminga ako nang malalim bago nagsalita, "I will no longer run in any government position, ma. I hope you understand."

Akala ko ay magagalit si mommy pero nagkamali ako. Isang nakangiting ina ang nakita ko. Hinawakan nya ang kamay ko at nagsalita, "If that's what you want, Kian. Hindi ako tututol sa kung anuman ang naisin mo. Alam ko naman na napilitan ka lang noon and I'm sorry for that."

Mabilis akong yumakap sa kanya at nagpasalamat, "Thank you, ma."

Sabay kaming pumunta ni mommy sa sala nang sabihin ng isang kasambahay na nandito si lolo. Kinakabahan man ay nilakasan ko ang loob ko. Gusto ko rin kasing sabihin sa kanya ang naging desisyon ko. Bumalik naman sa isipan ko ang panahon na nagdesisyon akong tumakbo sa pulitika.

*Flashback*

Ilang araw na mula nang sabihin ni lolo na nais nyang kumuha ako ng kurso na may kinalaman sa pulitika. Ang gusto pa nya ay tumakbo ako bilang kagawad sa lugar namin. Ang balak nya ay maging mayor ako pagdating ng araw bago tumakbo sa national elections.

Hindi ko sinabi sa kanila na gusto kong kumuha ng kurso sa pagnenegosyo. Alam ko naman na hindi rin masusunod ang gusto ko dahil sa pamilyang ito ay si lolo ang tanging nasusunod sa lahat. Ngayong araw ay alam kong dadalaw si lolo upang malaman ang desisyon ko.

"Maybe after this, I can pursue business. Pagbibigyan muna natin sila, Kian.", sabi ko sa sarili ko bago ako nakarinig ng pagkatok sa pinto.

"Nandyan na ang lolo mo hijo at gusto ka nyang makausap.", sabi ng mayordoma namin.

Huminga ako nang malalim bago nagsalita, "Susunod na ho ako, salamat."

Pinakalma ko muna ang sarili ko bago lumabas sa kwarto ko. Nakita ko sa sala si lolo kasama ang mga magulang ko. Wala sina Katelynne at Kaylinne dahil nasa eskwelahan sila ngayon.

Naupo ako sa katabing sofa nina mommy. Tumikhim naman si lolo bago nagsalita, "What's your decision, Kian?"

Hinawakan ni mommy ang kamay ko at ngumiti sa akin. Tumingin ako kay lolo bago sumagot, "I'll run po, lolo. Susundin ko po ang kagustuhan nyo."

Ngumiti si lolo bago nagsalita, "I knew it. Ihahanda ko na ang lahat, hijo."

*End of Flashback*

Katulad ng nangyari noon ay naghihintay sa sala si lolo. Paglapit ko ay agad akong niyakap ni lolo bago ko narinig ang boses nya, "I'm still your lolo, Kian. Kahit hindi kita tunay na apo ay apo pa rin kita. Tatandaan mo yan, Kian."

Yumakap din ako sa kanya at nagsalita, "Thank you po, lolo."

Nang makaupo kami sa sofa ay pinaalam ko na ang naging desisyon ko, "Hindi na po ako tatakbo sa pulitika, lolo. Sana po ay maintindihan nyo at sana po ay pumayag kayo."

Akala ko ay magagalit sya dahil una pa lang ay sya na ang may gusto na tumakbo ako sa pulitika. Sya ang nagdesisyon noon na tumakbo ako. Akala ko ay sisigawan at tututol sya sa kagustuhan ko pero nagkamali ako.

Nakangiti si lolo bago nagsalita, "I'm proud of you, apo. Alam kong hindi mo ito kagustuhan pero ginawa mo pa rin dahil sumunod ka sa kagustuhan ko noon. Kahit hindi mo ito kagustuhan ay ginawa mo pa rin nang maayos ang trabaho mo bilang kagawad at mayor sa loob ng maraming taon. Ngayon naman ay gusto kong tahakin mo ang daan patungo sa pangarap mo, hijo. Nandito lang si lolo para sumuporta sayo."

Naiiyak akong lumapit at yumakap sa kanya, "Thank you po, lolo. Hindi nyo po alam kung gaano nyo ako napasaya ngayon. Thank you po."

Nagpasalamat naman si mommy kay lolo dahil pumayag ito sa gusto kong mangyari. Ang sabi ni lolo ay sya na raw ang bahalang kumausap sa partido pero nagpumilit akong sumama sa kanya kapag nag-usap na ang lahat.

Aalis na sana si lolo nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang taong di namin inaasahang uuwi. Mas nagulat kami nang makita ang itsura nya. Puno ng sugat at pasa ang mga braso nya. Kita rin ang sugat sa labi nya.

Mabilis na lumapit si mommy sa kanya, "Oh my! Anak anong nangyari sayo?!"

"I'm.. I'm okay.", tanging sagot nya bago tumingin kay lolo.

Bigla namang nagsalita si lolo, "Ang mabuti pa ay magpahinga ka na Kate at gamutin ang mga sugat mo. I'll talk to you later, apo."

Tumango si Katelynne at sumunod sa pinag-uutos ni lolo. Inalalayan naman sya ni mommy papunta sa kwarto nya.

-----------

Angel's Revenge (Completed)Where stories live. Discover now