Chapter 57

279 17 6
                                    

Chapter 57:

Faith's POV:

Nasa kwarto ko ako ngayon. Iniisip ko ang tungkol sa mga nalaman ko. Ang pagpapanggap ni Kaori bilang Katelynne, ang katotohanang kapatid namin sya. Ang totoo nyan ay masama ang loob ko dahil naghiganti ako sa kanya tapos malalaman kong inutusan lang pala sya ni Kierra.

Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko nang may kumatok doon. Maya-maya ay pumasok si mama, "Kumusta na ang bunso ko? May problema ba, anak?"

Nang makalapit sya sa akin ay niyakap ko sya sa baywang nya bago ako nagsalita, "Nalaman ko pong kapatid pala namin si Samantha at Kaori talaga ang totoong pangalan nya. She was kidnapped nung two years old pa lang kami sabi ni lolo. Ginamit sya ni Kierra para maghiganti sa pamilya. I feel guilty po mama. Nasaktan ko rin sya at sinira ko ang pangalan nya sa publiko noon. Wala naman pala syang kasalanan."

Naramdaman kong niyakap ako ni mama bago ko narinig ang boses nya, "You should apologize to her anak dahil nasaktan mo sya. Talk to her. Mag-usap kayo para magkaintindihan kayong dalawa."

Humiwalay sya sa yakap sa akin bago nagpatuloy, "She's also a victim here, anak. I know she did everything to protect your sister and to save you."

Nagtataka akong tumingin sa kanya bago magtanong, "Ano pong ibig nyong sabihin?"

Hinawakan nya ang kamay ko bago ngumiti at sumagot, "Do you remember what happened to you when you were 10 years old?"

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at hindi na sumagot. Masyadong masakit ang nangyari noon at ayaw ko nang maalala pa. Dahil sa nangyari ay nahiwalay ako kay Kaylinne noon at nagpanggap naman si Kaori bilang ako.

Hinaplos nya ang pisngi ko nang may tumulong luha roon, "I know masakit para sayo ang nangyari noon. But do you know who saved you?"

Dahil sa sinabi nya ay napatingin ako sa kanya at hinintay ang susunod nyang sasabihin, "It was her. It was Kaori. She asked for help and thankfully ay nandoon kami sa gubat ng papa mo."

"She talked to us nang makita ka nya sa coffee shop noon. Nagtanong sya kung bakit ka bumalik dito. And then she told us everything na nangyari ng gabing pinatakas nya kayo. She saved you. Sya ang batang babae na humingi ng tulong sa amin sa gubat.", sabi pa ni mama.

Saglit na lumayo si mama at pagbalik nya ay may hawak na syang plastic bag. Inabot nya iyon sa akin bago sya nagsalita, "That was your clothes nang iligtas ka namin. Tignan mo yan anak."

Tulad ng sinabi ni mama ay binuksan ko ang plastic bag at nakita ko ang damit na suot ko nang kidnapin kami ni Kaylinne noon. Bumalik naman ang mga alaala ko.

*Flashback*

Nagising ako sa isang kwarto na hindi pamilyar sa akin. Kinakabahan ako dahil baka nahuli ako ng mga taong kumidnap sa amin ng kapatid ko.

Nagpalinga-linga ako sa paligid upang hanapin ang kapatid ko, "Kay? Kaylinne? Baby?"

Tatayo na sana ako mula sa pagkakahiga ko nang makita kong may nakatusok sa isang braso ko. Doon ko napagtanto na nasa isang ospital ako. Kahit na alam ko ng nasa ospital ako ay hindi pa rin mawala ang takot ko dahil hindi ko makita si Kaylinne.

"Kay? Where are you? Kay?", pagtawag ko sa kapatid ko pero hindi ko siya makita sa kwarto kung nasaan ako.

Bigla namang bumukas ang pinto at may pumasok na isang ginang. Dahil sa takot na baka saktan nya ako ay nagsisigaw ako, "No! Leave me alone! Don't hurt me please!"

Mabilis syang lumapit sa akin para pakalmahin ako pero mas nagwala ako, "Lumayo ko! Leave me alone!"

Bigla namang may pumasok na mga taong nakaputi. Sa palagay ko ay mga doktor at nars sila kaya naging palagay ang loob ko. May pumasok ding isang ginoo kaya bumalik ang takot ko. Paano kung tauhan sila ng mga kumidnap at nanakit sa amin ng kapatid ko?

Angel's Revenge (Completed)Where stories live. Discover now