Chapter 42

239 13 2
                                    

Chapter 42:

Katelynne's POV:

Nagpapahinga ako ngayon dito sa kwarto ko nang makarinig ako ng sigawan sa labas ng kwarto ko. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko sa kama ko bago lumapit sa salamin at tinignan ang repleksyon ko rito. Napaluha ako nang makita ang itsura ko. Puno ng sugat at pasa ang katawan ko. Mayroon pang sugat sa gilid ng labi ko.

Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang hapdi dulot ng mga sugat at pasa ko. Huminga ako nang malalim bago punasan ang magkabila kong pisngi.

Nakaramdam ako ng gutom kaya naman napagpasyahan kong lumabas sa kwarto ko. Hindi ko pa man naisasara ang pinto ay rinig na rinig ko na ang galit na boses ni Theo sa baba.

Gusto kong malaman kung anong kinagagalit nya kaya naman bumaba ako sa sala. Nang makalapit sa kanila ay mabilis akong nakaramdam ng hapdi sa kanang pisngi ko.

"Theo! How dare you hurt my daughter?!", rinig kong galit na sigaw ni mommy bago ko naramdaman ang pagyakap nya sa akin.

Hawak-hawak ko ang nasaktang pisngi nang tumingin ako sa kanya. Bakit ba ako nahulog sa ganyang klase ng lalaki? Kapag galit ay mananakit ng babae. Bakit ba sa maling lalaki pa tumibok ang puso ko.

"Tell me.. Totoo ba?!", pasigaw na pagtanong nya.

Naguluhan naman ako kaya inulit nya ang tanong nya, "Totoo ba, Kate? Hindi si Kaylinne ang sumaksak sayo?! Tell me the truth!"

Mabilis akong dinamba ng takot at kaba dahil sa sinabi nya. Alam ko namang dadating ang araw na malalaman nya rin, na malalaman din nila ang totoo. Inaasahan ko naman ang galit nila pero di ko lang inaasahan ang pananakit sa akin ni Theo.

"Tama na, Theo! Leave now!", sigaw ni mommy sa kanya.

Sinabunutan ni Theo ang sarili nya habang nakatingala. Kitang-kita ko ang mabilis na pagtulo ng mga luha nya. Rinig na rinig sa apat na sulok ng sala ang pag-iyak nya.

Muli syang tumingin sa akin at nagsalita, "Sinisi ko sya dahil naniwala ako sa sinabi mo, Kate! Naniwala ako sa sinabi nyo ni mommy! All these years, inakala kong nagawa kang saksakin ng asawa ko! All these years, Kate!"

Mabilis akong napaiyak nang maalala ang nangyari. Ang pagpapalayo ko sa kanya. Ang pag-iyak nya. Lahat-lahat.

"Bakit? Bakit ka nagsinungaling?!", sigaw nya.

Lalapit na sana ako sa kanya nang pigilan nya ako, "Huwag kang lumapit sa akin!"

Napaupo naman sya sa sahig habang hawak ang mukha at umiiyak. Masakit na nakikita kong umiiyak sya dahil sa akin, dahil sa kasinungalingan ko.

"Ang t*nga-t*nga ko! Nasaktan ko ang asawa ko nang dahil sayo! Nagpauto ako sayo! Sobra-sobra ko syang nasaktan dahil sa kasinungalingan mo!", sigaw pa ni Theo.

Lumapit si kuya Kian sa kanya bago nagsalita, "Theo hindi lang naman ikaw. Lahat tayo rito ay may kasalanan sa kanya lalo na ako."

Tumingin nang masama si Theo kay kuya Kian bago ito sinuntok. Hindi naman nakaganti si kuya dahil nabigla sya. Mabilis na pinigilan ni daddy si Theo, "Stop it! Theo tumigil ka na!"

Kita ko ang mga sugat sa mukha ni kuya Kian habang umiiyak ito. Bigla namang dumating si Mathew at lumapit kay Theo, "Theo let's go."

Mabilis na bumitaw si Theo kay Mathew nang hawakan sya nito. Dinuro-duro naman ni Theo si Mathew bago sumigaw, "You slept with my wife, m*ron! Akala mo nakakalimutan ko na ang kasalanan mo sa akin?"

Mahinahong sumagot si Mathew, "It's not true. Tama na, Theo. Umuwi na tayo."

Natawa naman si Theo bago tumingin sa akin at nagsalita, "So it's you? Pati ba naman kamalian mo, binintang mo sa asawa ko? Para ano?"

Mabilis na tumulo ang mga luha ko lalo na sa sumunod nyang sinabi, "M*kati ka! M*landi kang babae! Kung sino-sinong lalaki ang gumamit sayo---"

Mabilis akong lumapit sa kanya at malakas syang sinampal, "Wala kang karapatang sabihan ako ng ganyan, Theo! Hindi mo alam ang buong kwento! Wala kang alam sa lahat ng pinagdaanan ko kaya huwag mo akong husgahan!"

Masama nya akong tinignan at bigla akong sinakal, "Marumi kang babae! Ang dami mong kasalanan sa akin!"

Hinabol ko ang hininga ko nang makawala ako mula sa pagkakasakal sa akin ni Theo. Nakita ko namang paulit-ulit syang sinuntok ni Mathew.

"Kung magkakagulo kayong lahat wag dito sa pamamahay ko! Di na kayo nahiya!", malakas at galit na sigaw ni daddy.

Tumigil naman sa pagsuntok si Mathew at mabilis na lumapit sa akin. Malakas na umiyak si Theo bago naupo at nagsalita, "Nawala sya sa akin dahil sa kasinungalingan mo, Kate."

Napangisi ako bago nagsalita, "Bakit ako ang sinisisi mo? Bakit? Wala ka bang maling ginawa sa kanya? Hindi pa man ako lumalapit sayo noon ay marami ka ng babae, Theo!"

Gulat naman syang tumingin sa akin kaya nagpatuloy ako, "Yes, alam ko lahat ng kalokohan mo, Theo. May anak ka nga sa kaibigan ko diba? Kay Angela."

Mabilis na lumapit si kuya Kian kay Theo at sinuntok ito bago sya nagsalita, "Walang h*ya ka, Theo! Niloko mo ang kapatid ko!"

"Tama na!", muling sigaw ni daddy bago nailayo si kuya kay Theo.

Umiiyak namang nagsalita si mommy, "Mas pinaburan ko ang relasyon nyo ni Theo, anak. Mas pinili kita dahil nakikita kong mahal mo sya. Pero bakit? Alam mong nagloloko sya pero bakit di mo sinabi sa amin? Bakit nilihim mo? Bakit nakipagrelasyon ka pa rin sa kanya?!"

Umiiyak akong sumagot, "Ayaw kong malaman ni Kay, ma. Masasaktan sya kapag nalaman nyang may ibang anak si Theo."

"Bakit? Sa tingin mo ba ay di mo sya nasaktan nang makipagrelasyon ka sa asawa nya Kate?", pagtanong pa nya.

Nang hindi ako sumagot ay muling nagtanong si mommy, "Bakit?! Bakit nagpabuntis ka pa kay Theo noon kung alam mo lahat ng kalokohan nya?!"

"Napilitan lang ako! Napilitan lang ako ma.. Pinilit lang ako ng nanay nyang m*mamatay-tao!", sigaw ko.

"Hindi m*mamatay-tao si mommy!", galit na sigaw ni Theo.

"Sya ang sumaksak sa akin! Sya ang pumatay sa anak ko!", galit kong sigaw.

Natigilan naman si Theo at hindi makapaniwala sa narinig. Muli akong nagsalita, "Sinaksak nya ako, Theo! Namatay ang anak ko dahil sa kanya! At sya rin ang sumaksak sa sarili nya, hindi ang kapatid ko!"

Napasabunot naman si Theo habang umiiyak nang malakas. Hindi nya inaasahang magagawa iyon ng sarili nyang ina.

"Yung bata, anak ko ba yun?", pagtanong nya.

Unti-unti akong umiling na mas nagpaiyak sa kanya, "Hindi mo iyon anak Theo dahil anak namin iyon ni Mathew."

"Nagalit ako sa kanya dahil inakala kong sinaktan ka nya. Nagalit ako sa kanya dahil inakala kong anak ko ang nawala. Nagalit ako sa kanya dahil inakala kong napatay nya si mommy. Ano pang hindi ko alam, Kate? Sabihin mo naman oh! Ano pa?!", umiiyak nyang sabi.

Huminga ako nang malalim bago nagsalita, "Buhay sya, Theo. Hindi totoong namatay ang mommy mo dahil.. dahil ang kapatid ko ang totoong namatay ng araw na iyon at dahil iyon sa mommy mo. Pinatay ng mommy mo ang kapatid ko."

--------

Angel's Revenge (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon