Chapter 14

224 6 0
                                    

Chapter 14:

Faith's POV:

Nasa byahe kami ngayon ni Marius. Ihahatid nya ako sa shooting site. Wala syang trabaho ngayon dahil ayon sa kanya ay tinapos nya na lahat kahapon para may kasama ako ngayon. May trabaho rin kasi sila ate Maureen kaya wala akong makakasama kung wala si Marius. Si manager Kim naman ay nasa sarili nitong kotse at nasa shooting site na.

Hawak ni Marius ang kaliwang kamay ko habang nagmamaneho sya. Medyo malayo pa kami dahil sa Tagaytay ang shoot ngayon. Alas siete pa lang ng umaga ngayon at hindi pa kami nag-aalmusal.

"What do you want for breakfast, love?", pagtanong ng boyfriend ko.

May nakita naman akong sign ng pulang bubuyog bago sumagot, "Jollibee please, love."

"Alright.", sabi nito bago namin tinungo ang malapit na Jollibee.

Habang bumabyahe ay kumakain kami. Dahil nagmamaneho si Marius ay sinusubuan ko na lang sya ng pagkain. Medyo malapit na kami sa Tagaytay nang tumunog ang cellphone ko.

"Yes mamu?", pagsagot ko.

"Faith, hija. Nasaan ka na?", pagtanong nito.

Nakita ko namang papasok na kami sa hotel kung saan kami mag-shooting bago ako sumagot, "Hotel na po kami, mamu."

"O sige hija. Hintayin ko kayo dito sa lobby.", huling sabi ng manager ko bago nya ibaba ang tawag.

Pinagbuksan ako ni Marius ng pinto ng kotse bago nya hawakan ang kamay ko papasok sa hotel. Pagkarating ay rinig agad namin ang sigawan. Mukhang may nag-aaway. Di na nahiya.

"I said stop, Katelynne!", sigaw ng boses na kilalang-kilala ko.

Naramdaman siguro ni Marius na nanginginig ako kaya hinigpitan nya ang pagkakahawak sa kamay ko bago sya nagtanong, "Are you okay, love? Doon muna tayo sa kotse habang nandito pa sya."

Naramdaman ko naman ang paggayak nya sa akin pabalik sa kotse nya. Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ako hindi dahil sa takot kundi dahil sa galit nang marinig kong muli ang boses nya. Bumalik tuloy ang mga alaala ko sa kanya.

*Flashback*

Nakangiti ako habang hinahanda ang hapag-kainan. Marunong naman akong magluto dahil tinuruan ako ni mommy. Bilang asawa ay marapat lang na pagsilbihan ko ang asawa ko.

Napangiti ako nang maalala ang mukha ng asawa ko. Halos tatlong taon na kaming kasal ni Theo. Oo, arranged marriage lang ito pero di ko napigilan ang sarili kong mahulog sa kanya. Mga bata pa lang kami ay pinagkasundo na kaming dalawa. Dalawampo ang edad ko nang ikasal kami. Sa ngayon ay malapit na akong maging dalawampu't-tatlo. Malapit na ang kaarawan ko.

Narinig ko naman ang pagbaba ni Theo sa hagdan. Nakangiti ko syang sinalubong. Inaayos nya ang neck tie nya. Dahil asawa nya ako ay ako na ang nag-ayos nito. Ngumiti ako nang matapos ngunit agad itong nawala nang marinig ang binulong nya.

"Tss. Katelynne can do this better.", bulong nya bago kinuha ang bag nya.

Masyado akong nasaktan dahil sa sinabi nya. Hindi ako tanga para di malamang may relasyon silang dalawa ng kakambal ko. Palaging bukam-bibig nya ang kapatid ko. Nahuli ko rin sila noon na naghahalikan ngunit nagbulag-bulagan ako at nagbingi-bingihan dahil mahal ko sya at ayaw kong maghiwalay kami.

Agad ko syang pinigilan nang akmang aalis na sya. Agad nya akong sinamaan ng tingin ngunit mas pinili kong ngumiti para iparating sa kanyang okay lang ako.

"Ahm.. Naghanda ako ng almusal. Lets eat---", hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang bigla syang nagsalita.

"How many times do I have to tell you not to cook anything for me?! My god, Kaylinne! Hindi na tayo tulad ng dati! Grow up!", malakas na sabi nya.

Angel's Revenge (Completed)Where stories live. Discover now