Chapter 50

294 17 2
                                    

Chapter 50:

Samantha/Kaori's POV:

*Flashback Continuation*

"Kaori, what did I tell you? Hindi ba't sinabi ko na sa'yong saktan mo sya? Bakit hindi mo ginagawa?", may gigil na sabi ni Kierra habang katawagan ko sya sa cellphone.

Ilang araw na ako rito sa mansyon pero hindi ko pa rin ginagawa ang pinag-uutos nya. Ang plano nya ay saktan ko ng pisikalan si Kaylinne. Akala naman nya ay susundin ko sya.

"Kaori, baka nakakalimutan mong halos lahat ng katulong sa bahay na yan ay mga tauhan ko. Sundin mo man o hindi ang pinag-uutos ko, malalaman at malalaman ko pa rin. Kaya kung ako sayo ay sundin mo ang gusto ko kung ayaw mong dagdagan ko yang mga sugat at pasa mo! Naiintindihan mo ba?!", galit na sabi nya.

Kahit wala sya sa harapan ko ay tumango pa rin ako bago sumagot, "Yes ma. I'm actually planning how to hurt her ma. Please be patient."

"Alright. Palagi mong tatandaan ang mga sinasabi ko sayo, Kaori.", huling sabi nya bago patayin ang tawag.

Napabuntonghininga naman ako. So may mga tauhan sya rito sa loob ng mansyon. Paano ko sila makikilala? Paano ko malalaman kung sino ang kakampi at kung sino ang kalaban?

Pababa na ako sa sala nang makita ako ni mommy Steffi. These past few days ay nakita ko ang panlalamig ni mommy Steffi kay Kaylinne. Naramdaman ko rin ang sakit na dulot niyon.

I tried to talk to her pati na rin kay daddy Joshua pero tila wala silang naring. Patuloy pa rin sila - lalo na si mommy Steffi - sa pananakit ng damdamin ni Kaylinne. Tanging si kuya Kian lamang ang kakampi nya sa ngayon.

"Hi sweetie, let's go shopping!", pang-aaya ni mommy Steffi.

Masaya akong tumango sa kanya dahil makakalabas na ako sa mansyon. Mula nang mangyari ang pagkidnap ay hindi na kami pinalabas sa mansyon lalo na ako. Noong nasa puder pa ako nina Kierra at Kevin ay hindi nila ako pinalabas sa bahay at sa gubat. Ang pagpunta ko sa puder ng totoo kong pamilya ang unang beses kong makalabas.

"Mommy, can I come with you? Please?", sabi ni Kaylinne.

Gusto ko sana syang isama kaya lang ay nakita ko ang isang katulong na masamang nakatingin sa akin. Bumalik naman sa isipan ko ang sinabi ni Kierra.

Napabuntonghininga naman ako bago umarte, "No! I don't want to come with you! Mommy please! Wag natin syang isama!"

Nasaktan ako nang makita ang pagtulo ng mga luha ni Kaylinne. I'm sorry, Kay. I'm sorry.

Walang nagawa si mommy Steffi kundi pagbigyan ako. Nang nasa mall na kami ay gusto ko sanang bilhan ng manika si Kaylinne. Alam kong hindi papayag si mommy Steffi kaya naman sinabi kong akin iyon pero hindi nya alam ay iiwan ko iyon sa kwarto ni Kaylinne mamaya.

Kinabukasan ay wala akong nagawa kundi gawin ang plano. Ang planong saktan ang kapatid kong si Kaylinne. Kahit ayaw ko ay tinulak ko sya sa pool nang makita ko sya roon.

Nakatago ako sa likod ng bintana at kinakabahan habang nakatingin kay Kaylinne na nahihirapang lumangoy. Hindi ko alam na hindi pala sya marunong lumangoy.

Napagpasyahan kong iligtas sya nang may tumalon na doon. Si kuya Kian. Niligtas nya si Kaylinne na walang malay.

Nasa loob na ako ng kwarto ko at pabalik-balik ang lakad. Iniisip ko kasi ang kalagayan ni Kaylinne. Alam kong nasaktan ko sya. Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ko nang bumukas iyon at pumasok si kuya Kian na galit na galit.

"Why did you do that, Kate? Alam mong hindi sya marunong lumangoy! Kate naman.. Kapatid natin yun! Hindi ko alam na kaya mo palang saktan ang bunso natin! Please naman Kate! Tama na.. Hindi pa ba sapat sa'yong gabi-gabi syang nananaginip at patuloy na nasasaktan kapag naaalala nya ang nangyari sa inyo?", sabi nya bago lumabas ng kwarto ko at malakas na sinara ang pinto.

Angel's Revenge (Completed)Where stories live. Discover now