Chapter 35

230 5 1
                                    

Chapter 35:

AN: Paalala, ito ay nakaraan na. Ito ay flashback. Baka kasi may malito sa inyo.

-------------

Faith's POV:

Nasa isang bahay ako ngayon. Anong ginagawa ko sa bahay namin? Bakit ako nandito?

"Kaylinne!", napalingon ako sa taong nagsalita.

"Mommy?", pagtawag ko sa kanya ngunit hindi nya ako pinansin.

Tinignan ko ang batang kaharap nya. Sobra akong naguguluhan. Bakit nakikita ko ang sarili ko? Ang batang kaharap nya ay ang batang ako katabi ang kapatid ko.

"Are you ready babies?", pagtanong ni mommy.

"Opo mommy! I'm ready na po! Pupunta tayong beach!", masayang sabi ng batang ako.

Beach? Doon pumasok sa isipan ko kung nasaan ako at kung anong nangyayari? Nakikita ko ang nakaraan. Ang nakaraan na pilit kong kinalimutan. Bakit ako bumalik dito? Bakit ko nakikita ang nakaraan ko?

"Are my babies ready?", napalingon ako sa taong nagsalita.

"Ready na po, daddy!", masayang sabi ng batang ako.

Sumakay kami sa van. Naiiyak ako sa nakikita ko. Isang masayang pamilya. Walang problema. Walang awayan. Walang sakitan. Masaya lang dahil buo ang pamilya.

Dumating kami sa isang resort sa batangas. Doon namin napiling magbakasyon noon. Sa katunayan nga ay ako ang nagrekumenda nun dahil nakita ko sa internet ang magandang resort.

Nagpaunahan kami ng mga kapatid ko sa pagtakbo sa dagat. Masaya kaming naglalaro sa dalampasigan. Narinig ko pa ang sinabi nina mommy, "Kian! Bantayan mo ang mga kapatid mo, okay? Ipapasok lang namin ang mga gamit sa loob."

Naluluhang nakatingin ako sa aming tatlong magkakapatid. Masaya lang at walang problema. Hindi nag-aawayan. Hindi nagsisigawan. Hindi nagsasakitan. Ganyan kami noon. Hindi tulad ngayon na para bang hindi kami magkakapatid.

"Kuya, where are you going?", pagtanong ng batang ako.

"I need to pee. Kate, ikaw muna bahala kay Kaylinne. Babalik din kaagad si kuya.", sabi nya habang nagmamadaling tumakbo paalis sa dalampasigan.

Naglalaro kaming magkapatid nang maisipan kong maglakad-lakad. Agad akong sinundan ng kapatid ko. Nagtatawanan kami nang may biglang nagtakip ng bibig ko. Hindi ko na nakita kung anong nangyari sa kapatid ko dahil mabilis akong nahimatay.

Biglang nagbago ang paligid at napunta ako sa isang sirang bahay. Nakita ko ang batang ako habang nakatali ang mga kamay sa upuan. Ganun din ang batang kapatid ko.

Alam kong nakaraan ko na ito at hindi ko na kayang baguhin pa pero pilit kong ginising ang batang ako ngunit hindi ko sya mahawakan.

"Wake up! You need to wake up!", sigaw ko sa batang ako.

Dahil sa takot ko ay mabilis akong nagtago nang may biglang pumasok. Isang batang babae na kamukhang-kamukha namin ng kapatid ko.

Nagpalinga-linga sya bago lumapit sa batang ako na hindi pa rin nagigising. May nilagay syang papel sa bulsa ng shorts na suot ng batang ako. Nakita ko kung paano sya maawa sa amin.

Sino ba sya? Bakit kamukha namin sya ng kapatid ko? Kaano-ano namin sya?

Niyakap nya kami ng kapatid ko at may binulong pa sya na hindi ko naman narinig. Mabilis naman nyang pinunasan ang magkabilang pisngi nang may narinig na naglalakad palapit. Mabilis ding nagbago ang ekspresyon ng mukha nya.

"What are you doing here?", seryosong sabi ng isang ginang na malabo ang mukha kaya hindi ko makilala.

Sumakit ang ulo ko nang marinig ang boses nya. Parang kilala ko ang nagmamay-ari ng boses na iyon pero hindi ko maalala kung sino sya.

"Kaori, I'm asking you.", rinig kong pagtanong pa ng ginang.

"Kaori? Sino si Kaori? Bakit ka namin kamukha?", pagtanong ko sa sarili ko.

"I'm checking on them, mommy. Too bad, they are still breathing.", matapang na boses na sabi ng batang kamukha namin.

Hindi nagsalita ang ginang at lumabas lang ng kwarto. Mabilis namang sumunod ang batang babae na may pangalang Kaori.

Nakita ko namang nagmulat ng mga mata ang batang ako. Naaalala kong nagpanggap akong natutulog nang pumasok ang batang babae. Kung gising na ako mula nang pumasok ang batang babae, bakit hindi ko maalala kung anong binulong nya noon?

Muling nagbago ang paligid. Nandito pa rin ako sa lumang kwarto pero gising na ang batang ako habang tulog pa rin ang kapatid ko. Bumalik ang takot sa akin nang marinig at makita ang mukha ng taong naging dahilan kung bakit kami nakidnap noon.

Nanginginig ako sa takot nang makita ang mukha ng lalaki. Ang nakangisi at nakakatakot nyang mukha ang pinakaayaw kong makita sa lahat.

Hinawakan nya ang mukha ng batang ako. Nakita ko kung paano ako nasaktan noon nang diinan nya ang paghawak nya doon. Samantala, nilapitan naman nya ang kapatid ko at sinampal nang malakas dahilan ng pagkakagising nito. Umiiyak itong nagmulat ng mga mata.

"The princess has awaken.", nakakatakot na sabi ng lalaki.

Nakita kong nanginginig sa takot ang batang kapatid ko. Tumingin ito sa batang ako na para bang humihingi ng tulong pero wala rin akong magawa noon.

Muling lumapit sa akin ang lalaki at pwersahang hinalikan ako. Pilit kong nilalayo ang sarili ko sa kanya pero dahil malakas sya ay wala akong nagawa. Umiiyak ang batang kapatid ko habang tinatawag ang pangalan ko.

"Tama na!", sigaw ko sa lalaki pero dahil nakaraan ito ay wala akong magagawa para mabago ang nangyari.

Mas napaiyak ako nang makita ang isang lalaki na ginagawa rin sa batang kapatid ko kung anong ginagawa ng lalaki sa batang ako. Nagpatuloy ang mga lalaki sa kanilang ginagawa.

Habang ako ay muling nanumbalik ang sakit, takot, pangamba dahil sa nakikita ko. Bakit ako nandito? Bakit ko nakikita ang nakaraan ko? Para saktan ako ulit? Kinalimutan ko na ito bakit binabalik pa rin?

Iyak lang ako nang iyak habang sumisigaw na tama na kahit na alam kong hindi naman sila titigil dahil nga nakaraan na ito at nangyari na ito.

"Daddy, please stop!", rinig kong sigaw ng batang babae na kamukha namin.

Tumigil din naman sila at iniwan kami sa loob ng kwarto. Sobra akong nasaktan nang makita ang batang ako. Umiiyak ang batang ako habang inaayos ang damit na suot. Nang matapos ay lumapit ito sa batang kapatid na tahimik na umiiyak. Niyakap ito ng batang ako at magkaramay silang nagsiiyakan.

Gusto ko silang damayan at yakapin ngunit hindi ko magawa dahil hindi ko sila mahawakan man lang. Ang tanging nagawa ko lang ay umiyak nang umiyak.

Nagbago muli ang paligid. Nandito ako ngayon sa isang gubat. Nasaktan at natakot ako nang maalala ko kung anong nangyari sa akin dito. Nakita ko ang batang ako at ang batang kapatid ko na tumatakbo nang mabilis paalis sa lugar na iyon.

Nagulat ako nang marinig ang putok ng baril. Mas binilisan namin ang pagtakbo. Nadapa pa ang kapatid ko at kaagad syang tinulungang tumayo ng batang ako. Pagkatapos ay muli silang tumakbo habang magkahawak ang kamay.

Awang-awa ako sa magkapatid nang makita ang mga galos nila sa katawan. Nabalutan ng sugat ang makinis nilang mga balat na alaga pa ng kanilang ina.

Napasigaw ako nang muling makarinig ng pagputok ng baril. Alam kong natamaan ako ng baril noon pero mas pinili kong magpatuloy sa pagtakbo kasama ang kapatid ko.

Muli akong napaiyak nang makita ang ginawa ng batang ako. Hinawakan ng batang ako ang mga kamay ng batang kapatid at seryosong nagsalita, "Run! Run as fast as you can!"

Inutusan ko sya noon na tumakbo nang mabilis dahil hindi ko na kaya ang sakit na dulot ng pagkakabaril sa akin noon. Sa pagkakaalala ko ay sa likod ako natamaan noon.

"No! Hindi kita iiwan!", sabi ng batang kapatid ko.

"Run! You need to save yourself! Run now!", pag-utos pa ng batang ako.

"Hahanap ako ng tutulong sa atin. Wait for me.", sabi nya bago naglagay ng mga dahon upang matakpan ang batang ako.

Nang muling makarinig ng pagputok ng baril ay napilitan siyang umalis at iwan ako noon. Nakita kong umiiyak ang batang kapatid ko bago umalis.

---------

Angel's Revenge (Completed)Where stories live. Discover now