Chapter 34

215 6 0
                                    

Chapter 34:

Third Person's POV:

Galit na galit si Zoren Zaragoza nang makarating sa police station kung nasaan ang babaeng nanakit sa kanyang anak na si Faith. Hindi sya nananakit ng babae ngunit nang makita nya ito ay agad nya itong hinawakan sa leeg.

"How dare you hurt my daughter?!", galit nyang sigaw dito.

Ngumisi ang babae bago nahihirapang sumagot, "Anak mo nga ba o ampon?"

Dahil sa sobrang galit ay patulak nyang binitawan ang babae. Naghahabol naman ng hininga ang babae bago tumayo.

"Sinong nag-utos sayo para saktan ang anak ko?", pagtanong ni Zoren.

Muling ngumisi ang babae bago sumagot, "Secret hindi ko sasabihin."

Ngumisi rin si Zoren bago nagsalita, "Really?", humarap sya sa hepe bago nagpatuloy, "Find her whole family. I want to meet the devil's family."

Tumango ang hepe kay Zoren bago sumagot, "Masusunod ho Mr. Zaragoza."

"Zaragoza? Teka.. Anong gagawin mo sa pamilya ko?", pagtanong ng babae.

Humarap si Zoren sa kanya, "Hindi mo kilala kung sinong binangga mo."

Naglakad na paalis si Zoren. Agad namang sumunod sa kanya sina Kiel at Marius. Hindi pa man sila nakakalayo nang magwala ang babae at magsalita, "Magsasalita na ako! Parang awa mo na Mr. Zaragoza, wag mo saktan ang pamilya ko."

Nakangising humarap si Zoren, "Sino? Sinong nag-utos sayo para saktan ang anak ko?!"

Huminga nang malalim ang babae bago nagsalita, "Si K----"

Samantala, umiiyak naman si Katelynne dahil hindi sya makapaniwalang nagawa syang saktan ng kanyang pamilya. Bigla naman nyang naalala si Kaylinne noon. Ganito rin ba ang naramdaman nya nang saktan din sya ng kanilang pamilya?

"Stop crying, Kate.", sabi ni Mathew sa kaibigan.

Mas lalong napaiyak si Katelynne. Ngayon ay alam na nya kung anong pakiramdam nang sinaktan ng pamilya. Masakit pala. Paano natiis iyon ni Kaylinne? Paano nya nagagawang ngumiti kahit na masakit?

Pinilit ni Katelynne na tumigil sa pag-iyak, "Pasensya na. Naalala ko lang ang kapatid ko."

"I understand. Lets eat.", sabi ni Mathew.

Habang kumakain ay naiilang si Katelynne dahil kanina pa nakatitig si Matthew sa kanya, "Why?"

Umiling-iling ito bago nagsalita, "How dare them hurt you. Look at your cheeks, they are so red."

Nagulat si Katelynne nang hawakan ni Mathew ang magkabila nyang pisngi. Tumayo naman ito at nagsalita, "Wait me here."

Pagbalik ni Mathew ay may dala na itong cold compress. Dahan-dahang dinampi ni Mathew iyon sa makabilang pisngi ni Katelynne. Wala sa sariling napatitig si Katelynne sa gwapong mukha ni Mathew.

Kambal sila ni Matheo ngunit hindi sila magkamukha. Magkahawig, oo, pero may pagkakaiba pa rin sa mukha nila. Tulad ng may berdeng mga mata si Mathew habang si Matheo naman ay may mala-tsokolateng mga mata.

Mabilis na inalis ni Katelynne ang cold compress sa pisngi nya nang may napansin syang nakatingin sa kanila ni Mathew na para bang inaalam kung anong ginagawa nila. Ningitian na lang ni Katelynne nang alinlangin si Mathew bago nagpatuloy sa pagkain.

Nang matapos silang kumain ay pumunta muna sila sa hardin ng ospital para magpahangin. Sunod lang nang sunod si Mathew kay Katelynne kung saan man ito pumunta. Nang naupo ang dalaga ay naupo rin sya sa tabi nito.

Mabilis na tumulo ang mga luha ni Katelynne nang muli nyang maalala ang mga nangyari kanina. Buong buhay nya ay ngayon lamang sya nasaktan ng pisikal ng kanyang pamilya.

Awang-awa naman si Mathew kay Katelynne dahil alam nyang lubos itong nasaktan nang pagbuhatan sya ng kamay ng kanyang pamilya. Bata pa lamang ay kilala na nya si Katelynne at alam nyang ni minsan ay hindi pa ito nasaktan ng pamilya bukod sa nangyari kanina.

Naalala naman ni Mathew ang nangyari noon kay Katelynne at ang pananaksak umano ni Kaylinne dito. Alam nyang hindi iyon totoo dahil nandoon sya ng mga oras na iyon. Alam din nya kung sino talaga ang sumaksak dito noon. Hindi nya alam kung bakit nya tinago ang totoo sa pamilya nila. Alam din ni Katelynne na may alam sya sa nangyari noon pero walang sinabi ito sa kanya.

"Kate, I think its over.", biglang sabi ni Mathew.

Napatingin naman sa kanya si Katelynne na nagtataka, "Anong ibig mong sabihin?"

"I think kailangan mo nang sabihin sa kanila ang totoo. Ayokong dumating ang oras na saktan ka nila ng higit sa ginawa nila sayo kanina. Kaya please, umamin ka na.", pakiusap ni Mathew.

Mabilis na umiling si Katelynne bago sumagot, "I can't. Hindi pwede. Alam mo ang mangyayari kung sasabihin ko na ang lahat ngayon. Hindi pa ito ang tamang oras para sabihin sa kanila ang totoo."

"Si Faith, kamukha sya ni Kaylinne. Paano kung dumating sya para maitama mo ang nakaraan?", seryosong sagot ni Mathew.

Nakatitig lang si Katelynne kay Mathew at malalim ang iniisip. Panahon na ba para itama ang pagkakamali ng nakaraan?

"What do you mean, Mathew?", rinig nilang pagtanong ng kung sino.

Nang makita ni Katelynne ang pamilya nya ay agad syang kinabahan. Mas lalo syang kinabahan nang muling magtanong ang kapatid nya, "Anong ibig mong sabihin, Mathew? Itama ang pagkakamali?"

Seryosong tumingin si Mathew kay Katelynne at tumango. Umiling-iling naman si Katelynne para iparating na hindi pa ito ang tamang oras para sabihin ang totoo.

Napatayo naman si Katelynne nang muling magtanong ang kuya nya. Kapansin-pansin din ang panginginig ng mga kamay ni Katelynne senyales na kinakabahan sya.

"Kate.. Ano na naman ba iyon? Sabihin mo na kay kuya.", sabi ni Kian sa kapatid.

"Ano bang dapat namin malaman, hijo.", pagtanong ni Joshua kay Matthew.

Tumingin si Mathew kay Katelynne bago sumagot, "I'm sorry Kate pero kailangan na nilang malaman."

Tumingin naman sya kay Joshua bago sumagot, "Hindi si Kaylinne ang sumaksak sa kanya noon."

Nagulat ang mag-amang Joshua at Kian habang si Steffi Ann naman ay napahagulgol sa iyak. Nasaktan nya ang anak na si Kaylinne dahil nagpaniwala sya sa kasinungalingan ni Katelynne noon.

Unti-unting umatras si Katelynne sa kanila lalo na nang makita nito ang galit sa mga mata ng kanyang ama at kapatid. Umiling-iling si Katelynne habang galit na nakatingin kay Mathew. Hanggang sa tumakbo ang dalaga palayo sa kanila.

Sa kakatakbo ni Katelynne ay hindi nya napansing may nabunggo sya. Kapwa sila natumbang at napaupo sa sahig.

Hihingi na sana ng paumanhin si Katelynne nang makilala nya ang ginang na nabangga nya, "Tita Shey?"

--------

Angel's Revenge (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon