Last Chapter

270 8 0
                                    

Last Chapter:

Faith's POV:

Dalawang linggo na mula nang magising si ate Kaori. Natakot pa nga si Mathew dahil baka raw nakalimutan na sya ni ate Kaori. Akala nya ay magkaka-amnesia ang kapatid ko. Mabuti na lang ay hindi iyon nangyari.

"Here's your apple, babe. Eat it please.", sabi ni Mathew pero walang sinabi si ate Kaori.

Nanatiling nakatingin ang kapatid ko kay Mikhael na kausap gamit ang Messenger. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nakakabalik dito dahil hindi pumayag si ate Kaori. Gusto nya ay nakakulong na talaga si Kierra bago pa man sila bumalik dito.

Dahil hindi pinapansin ni ate Kaori si Mathew ay nagtanong ako sa kanila ng asawa ko, "Give us an update about Kierra's case. Kailan ba sya mahahatulang guilty? Gusto ko nang makasama ang prinsesa ko."

Tulad ni ate Kaori ay miss na miss ko na ang anak kong si Marthee. Matagal na nga itong nangungulit na umuwi na dito sa Pinas pero hindi pa pwede dahil gusto ko rin na nakakulong na talaga si Kierra bago sila bumalik dito.

"Love, tomorrow is the last trial. Bukas ay mahahatulan na syang guilty sa kasong murder at marami pang iba. Pagkatapos nito ay makakauwi na sila rito sa Pilipinas.", sabi ng asawa ko kaya naman napatangu-tango ako.

Napatingin ako kay ate Kaori nang matawa ito dahil sa mga kwento sa kanya ni Mikhael. Balita ko ay namasyal sila sa Paris noong bumisita si ate Maureen doon. Doon ko rin nalaman ang tungkol kay Steven na nanliligaw na pala kay ate Maureen.

Si Steven Xyrus Paraiso ay isang Filipino - French na matagal na palang nangungulit kay ate Maureen. Hindi pa nga sinasagot ng kapatid ko. Ewan ko ba dun, bakit pinapatagal pa eh halata namang may pagtingin din sya kay Steven.

"Babe...", pagtawag ni Mathew sa kapatid ko ngunit hindi pa rin sya pinapansin ni ate Kaori.

Hindi nga nagka-amnesia si ate Kaori ngunit hindi naman nito pinapansin si Mathew. Hindi ko alam kung nag-away ba sila noon at ngayon lang naalala ko ate Kaori.

Lalabas na sana sa kwarto si Mathew pero napatigil nang tawagin sya ni ate Kaori, "Babe, eat with me."

Mabilis na lumapit si Mathew sa kapatid ko bago subuan ng mansanas si ate Kaori. Tuwang-tuwa naman si ate Kaori nang pagdiskitahan nito ang nakaayos na buhok ng boyfriend nito.

Napapalakpak pa si ate Kaori habang masayang nakatingin kay Mathew na walang nagawa kundi ngumiti. May ideya na ako kung bakit nagkakaganyan si ate Kaori. Siguro ay pinaglilihian nya ang mapapangasawa nya kaya ganun.

Napatingin ako sa asawa kong yumakap sa akin, "Ganyan ka din noon love. Nagtampo pa ako sayo nun yun pala ay pinaglilihian mo na ako. Tignan mo ang anak natin, manang-mana sa akin."

Natawa naman ako dahil sa sinabi nya. Tama naman sya. Kamukha nya tuloy si Marthee at pareho din silang matalino. Manang-mana sa kanya.

Hanggang ngayon ay nandito pa rin kami sa ospital. Ang sabi naman ng doktor ay maayos na ang kalagayan ni ate Kaori. Pwede na syang lumabas bukas. Napagkasunduan naman na sa amin muna tutuloy sina ate Kaori at Mathew. Pumayag naman sina papa Zoren kaya ayos lang.

Mas mapapalagay ako kung nasa malapit lang sakin si ate Kaori lalo na ngayong buntis sya. Ayos na rin na makakasama nya si Mathew para may magbabantay sa kanya at maghahanap ng mga pagkaing paglilihian nya.

KINABUKASAN ay nakauwi na kami sa mansyon kasama sina ate Kaori. Masayang sinalubong sa amin ang pamilya ko na tinuring na ring pamilya si ate Kaori.

"Welcome home!", sabay-sabay na sabi nila nang makita kami.

"Thank you po!", masayang sabi ni ate Kaori.

Dumiretso kami sa dinig area para kumain ng pananghalian. Hindi namin kasama sina Marius at Mathew na umuwi dahil maaga ang last hearing nila para sa kasong sinampa namin laban kay Kierra maging kay Kevin.

Masaya kaming kumakain nang may dumating na bisita. Ang sabi ng mga kasambahay ay mga Hernandez at Aragon daw. Ano naman kayang gagawin nila rito?

Lumabas kami papunta sa living room at doon ko nakita ang dati kong pamilya maging ang dating pamilya ni Kaylinne. Agad silang tumayo nang makita kami.

"Faith.. Kaori...", sabi ni Steffi Ann.

Hindi ko sila pinansin at naupo lang ako sa sofa sa tabi ni ate Kaori na nakatingin lang din sa kanila.

"What do you need?", pagtanong ni ate Kaori.

Huminga nang malalim si Joshua bago sumagot, "We're leaving. For good."

Napansin ko naman ang pagtingin sa akin ni Kian, "I'll miss you both."

Umiwas ako ng tingin kay Kian. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa mga alaala ko lahat ng ginawa nila kay Kaylinne. Nandito pa rin ang sakit ng ginawa nila sa kapatid ko.

"Nandito kami para humingi ng tawad sa inyong dalawa. Alam kong hindi nyo kami mapapatawad pero nais pa rin naming hingin ang patawad nyo. I'm sorry, mga anak. Wala na siguro akong karapatang sabihin na mga anak ko kayo dahil sa dami ng mga nagawa kong pagkakamali sa inyong magkakapatid.", sabi ni Joshua.

"I'm sorry. Patawad sa lahat ng maling ginawa namin. Galing na kami kay Kaylinne na humingi na rin kami ng tawad sa kanya at sa anak nya.", sabi naman ni Steffi Ann.

"Sana dumating ang araw na mapatawad nyo kami. Huwag kayong mag-alala dahil hindi na namin kayo guguluhin. Kahit na malayo na kami sana'y pakatatandaan nyong nandito lang kami kapag kailangan nyo kami.", sabi naman ni Kian.

"Maraming salamat Mr. and Mrs. Zaragoza sa lahat ng ginawa at gagawin nyo pa para sa mga anak ko. Salamat sa pagliligtas at pagbibigay ng magandang buhay kay Katelynne. Salamat sa lahat at tatanawin kong utang na loob ang lahat.", sabi ni Joshua.

Nakaramdam ako ng kung ano sa dibdib ko pero hindi ko alam kung ano yun. Tama bang patawarin na sila? Kailangan bang patawarin kaagad kapag humingi ng tawad?

Napunta naman ang atensyon ko kay tita Shey nang magsalita sya, "I'm sorry Faith. Oo, naduwag ako noon. I'm sorry hindi ko natulungan ang kapatid mo noon. Kahit na ang laki ng kasalanan ko sayo ay nagawa mo pa ring iligtas at tulungan ang kapatid kong si Mariel. Nasabi na sa amin ni Mathew lahat ng ginawa mong tulong sa kapatid ko kaya nagpapasalamat ako sayo, Faith."

"Alam kong malaki ang kasalanan ko dito, Faith. Kahit na humingi na ako ng tawad sayo noon ay gagawin ko pa rin at hindi ako magsasawang humingi ng tawad sayo dahil sa ginawa ko kay Kaylinne noon. I'm sorry Faith. Kahit na ganun sana'y maniwala kang mahal ko ang kapatid mo. Itutuon ko ang buong buhay ko sa pagtulong sa mga babaeng nakaranas ng domestic abuse. I hope sa pamamagitan nun ay mapatawad ako ng kapatid mo, Faith. Papanindigan ko rin ang anak ko kay Angela. Susuportahan ko sya pero sisiguraduhin ko sayong hinding-hindi mapapalitan sa puso ko si Kaylinne at ang anak namin.", mahabang sinabi ni Matheo.

"Kaori, kahit na maraming nangyari sa mga pamilya natin sana'y ituring mo kaming pamilya lalo na't ikakasal na kayo ni Mathew at may apo na rin ako sa inyo. You're always welcome to our family, Kaori.", sabi naman ni tita Adrian.

GABI na ngayon at kanina pa nakaalis ang mga bisita kanina. Hindi ko alam ang mararamdaman ko pagkatapos ng lahat ng mga sinabi nila kanina. Dapat bang patawarin ang mga tao kapag humingi na sila ng tawad?

"Love?", rinig kong pagtawag sa akin ng asawa ko.

Mabilis syang yumakap sa akin nang makita ako, "Are you okay? May masakit ba sayo? May gusto ka bang kainin? Tell me."

Humarap ako sa kanya at yumakap din sa kanya bago sumagot, "Kailangan bang patawarin kaagad kapag humingi sila ng tawad?"

"No. Hintayin mong maghilom ang sugat na dinulot nila sayo at mararamdaman mo na lang sa sarili mo na wala ng sakit. Dadating din ang araw na mapapatawad mo rin sila love. Don't force yourself. They say time heals all wounds, right?", sagot nya.

Humigpit ang yakap ko sa kanya bago tumango, "I love you."

"I love you too. I'm always here for you, my Zya. Sobra-sobrang mahal kita.", malambing nyang sagot.

---------

Angel's Revenge (Completed)Where stories live. Discover now