Chapter 48

223 9 0
                                    

Chapter 48:

Samantha's POV:

Pinipigilan kong maiyak habang hinihila ako ni daddy palabas ng mansyon nila. Sobrang sakit ng paghawak nya sa akin pero mas masakit ang makitang halos ipagtabuyan ako ng sarili kong pamilya.

Sa huling pagkakataon ay tumingin ako sa kanila. Pinatatag ko ang loob ko lalo na nang makita ang galit sa mga mukha nila. Nang makatalikod ako sa kanila ay doon bumagsak ang mga luhang pinigilan ko.

Pumara ako ng taxi nang makalabas ako sa village. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Kahit hindi sigurado ay doon muna ako sa condo ng tatay ng anak ko. Nang makapasok sa taxi ay sya namang pagtunog ng cellphone ko.

"House. Now.", seryosong sabi ni mama. Mapait naman akong napangiti. Mukhang alam na nya ang nangyari. Paanong hindi eh halos lahat ata ng katulong sa mansyon ng mga Hernandez ay mga tauhan nya.

Kahit ayaw ko ay napilitan akong pumunta sa bahay nila. Unti-unti namang bumalik ang masamang alaala ng kahapon.

*Flashback*

"This is Joshua Hernandez. He's your real dad.", sabi ni mama sa akin.

I'm ten years old now. Ang sabi sa akin nina mama ay nakidnap ako at hindi man lang ako hinanap ng mga magulang ko. Kaya nga galit na galit ako sa kanila eh.

"He looks like me. I hate it.", puno ng galit na sabi ko.

Nakita kong ngumisi si mama bago nagsalita, "Too bad, Samantha. You look exactly like him."

May pinakita pa si mama, "This is Steffi Ann, your real mom."

"The one who left me alone kaya ako nakidnap?", pagtanong ko kay mama.

"Yes, Sam. Kung hindi ka nya iniwan ay sana hindi ka nakidnap. Isa syang pabayang ina dahil pinabayaan ka nya.", sagot ni mama.

Lumapit naman si papa at may nilapag sa lamesa, "These are your twins. This one is Katelynne Marie and the other one is Kaylinne Maxine. The fortunate ones."

"They look so happy. They are so happy without me.", galit na sabi ko bago punitin ang mga larawan nila.

"They forgot about you, Sam. Kinalimutan ka nilang lahat! Ni hindi ka nga nila hinanap! Masaya silang wala ka! Yan ang itatak mo sa utak mo, Sam!", sabi naman ni papa sa akin.

Naramdaman ko namang yumakap sa akin si mama bago bumulong, "It's fine, anak. We have a plan."

Lumingon ako sa kanya bago nagtanong, "What is it, ma?"

Ngumisi sya bago bumalik sa pwesto nya kanina. Nagkatingin pa sila ni papa Kevin bago sya nagsalita, "We'll kidnap your twins. Hurt them. Possibly k*ll them. What do you think, Kaori?"

Nagsalubong ang dalawang kilay ko dahil sa tinawag nya sa akin, "Ma, it's Samantha. Please don't call me Kaori. I hate that name!"

Natawa naman sya bago nagsalita, "Yeah yeah. So, what do you think?"

Nag-isip naman ako. Kikidnapin nila ang mga kambal ko? Sasaktan sila? Why do I feel hurt? Erase, Sam! Bakit ka masasaktan? Sila nga ang nagpakasaya kahit na hindi ka nila kasama! They forgot about you!

Unti-unti akong tumango sa kanila sabay ngisi, "When will we start?"

Parehong ngumisi sina papa Kevin at mama Kierra. "Soon anak. Sa ngayon ay magpahinga ka na.", sagot ni mama.

Tumango ako sa kanya saka umalis sa opisina nila. Nang makalabas ay nanatili akong nakatayo sa nakasaradong pintuan. Rinig na rinig ko ang nakakairita nilang pagtawa.

"Ang dali talagang mauto ng batang iyon, Kevin! Hahahaha! Walang utak katulad ng ama nya.", rinig kong sabi ni Kierra.

Sunod ko namang narinig ang komento ni Kevin, "Sinong mag-aakala na magagamit natin ang anak nila para paghigantihan sila? Mabuti na lang at sumunod ako sa pinag-utos mong kidnapin ang batang yan!"

Angel's Revenge (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon