Chapter 37

223 5 0
                                    

Chapter 37:

Kian Andrew's POV:

Nasa kwarto ako ngayon. Hanggang ngayon ay hindi mawala-wala sa isipan ko ang mga sinabi ni Sebastian kanina.

"Hindi sya ang tunay mong tatay! Hindi ka isang Hernandez!", sigaw pa nya kanina.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman at kung anong iisipin ko. Totoo kaya? Ni minsan naman ay hindi pumasok sa isipan ko na ampon ako dahil pinaramdam sa akin ang pagmamahal ng magulang.

Ni minsan naman ay di ko naramdaman na iba ako sa kanila maliban na lang kay lolo. Hindi naman ganito ang trato ni lolo sa akin noon. Nagsimula ang malamig nyang pakikitungo sa akin mula nang makidnap ang mga kapatid ko noon. Ako kasi ang huli nilang kasama bago sila mawala.

Napalingon ako sa pintuan ng kwarto ko nang may kumatok roon. Pumasok si mommy at agad akong nilapitan. Mabilis nya akong niyakap at paulit-ulit siyang humingi ng tawad.

"Mom, why are you apologizing?", kinakabahan kong tanong dahil may pakiramdam akong may dapat akong malaman.

Pinunasan nya ang magkabila nyang pisngi bago sumagot, "Kung anuman ang malaman mo, palagi mong tatandaan na ginawa ko lang ang ginawa ko dahil iyon ang mas nakakabuti para sa ating dalawa."

Hinaplos nya ang ulo ko bago ako dampian ng halik doon. Tumayo na sya at lumabas sa kwarto ko nang wala ng iba pang sinabi. Napaisip naman ako. May kutob na ako na may nililihim sa akin sina mommy at kailangan kong alamin iyon.

Kinabukasan ay pumunta ako sa presinto para kausapin ang taong makakapagbigay ng sagot sa mga katanungan ko. Kinakabahan ako habang hinihintay si Sebastian na lumabas.

"Sabi ko na nga ba at pupuntahan mo ako, hijo.", napalingon ako sa taong nagsalita.

Pagkaupo nya ay naging seryoso ang mukha nya, "Anong gusto mong malaman, Kian?"

Huminga ako nang malalim bago sumagot, "Sino ba talaga ako? Ano pong nalalaman nyo tungkol sa pagkatao ko?"

Tumingin sya sa malayo na para bang may malalim na iniisip. Muli syang tumingin sa akin bago sumagot, "Ikaw ay aking apo, Kian. Anak ka ng unico hijo ko."

Napatulala ako sa sinabi nya. Kung titignan ay mukha pa syang bata. Mukhang niloloko nya lang ata ako eh. Tatayo na sana ako nang muli syang nagsalita, "Siguro ay iniisip mo kung totoo ba ang sinabi ko."

Napatingin ako sa kanya bago nagsalita, "Mukha pa po kayong bata. Hindi po kayo mukhang lolo."

Napangiti sya dahil sa sinabi ko. Muli naman syang nagsalita, "Hindi ko alam kung compliment bang maituturing ang sinabi mo, hijo. Ako ay limangpu't-walong taong gulang na. Maagang nagkaanak ang anak ko."

"Alam ko hindi ka maniniwala pero nagbabakasali akong papakinggan mo ang sasabihin ko.", sabi pa nya.

Tumango ako sa kanya dahil narito naman na ako at ano namang mawawala kung papakinggan ko ang sasabihin nya?

"Matagal na kaming magkakilala ni Fernando. Tinuring nya akong parang anak. Naging mabuti ang samahan namin pero nagbago iyon nang ipapatay nila ang anak ko.", sabi nya.

Agad na nangunot ang noo ko, "Nila? Sino hong tinutukoy nyo?"

"Mga magulang ng iyong ina na si Steffi Ann. Makapangyarihan ang pamilya nila dahil marami silang pera. Nagkaroon ng isang tagong relasyon ang anak ko sa kanilang anak na si Steffi Ann.", panimula nya.

"Ayos lang naman sa akin noon pero siyempre ay may pag-aalinlangan ako dahil kilala ang pamilya ni Steffi. Tumagal ng dalawang taon ang relasyon nila hanggang sa ipakasal ni Fernando ang anak nya sa nobya ng anak ko.", pagpapatuloy nya.

"Hindi ako nagalit sa kanya dahil wala naman syang kaalam-alam na may relasyon si Steffi sa anak ko. Nagalit ako sa kanya nang ipapatay nila ang anak ko.", sabi nya bago tumingin sa akin.

"Kaya pinasunog nyo ang ospital dahil sa tingin nyo ay nakaganti na kayo.", pagpapatuloy ko sa sasabihin nya.

Unti-unti syang tumango bago nagsalita, "Hindi ko kagustuhan ang nangyari. Oo, inaamin ko. Hindi ako makapag-isip ng tama dahil nagluluksa ako sa anak ko noon pero nangyari na at hindi ko na mababago pa iyon."

"May ebidensya ba kayong kasabwat nila si lolo?", napatahimik naman sya dahil sa tanong ko.

Unti-unting tumulo ang mga luha nya dahil sa reyalisasyon. Doon ko napatunayang wala syang ebidensiya na kasabwat si lolo. Pero hindi ko pa rin matanggap na kaya namatay ang tunay kong ama ay dahil sa mga magulang ni mommy.

Magtatanong pa sana ako nang lumapit na sa amin ang isang pulis, "Tapos na ho ang oras ng pagbisita."

Tumayo na si lolo Sebastian pero bago pa sya tuluyang makaalis ay nagtanong ako, "Ano hong pangalan nya?"

Napangiti sya bago sumagot, "Akala ko ay hindi mo itatanong iyan. Sya si Kevin. Kevin Andrei Gomez."

Nagmamaneho ako ngayon papunta sa isang sementeryo. Pagkarating ko roon ay agad akong pumunta sa kanila. Agad akong nagsindi ng kandila nang makarating ako sa puntod nila.

Tinitigan ko ang mga lapida nila bago unti-unting tumulo ang mga luha ko. "Ang daya nyo po."

"Ang daya-daya nyo po, lo, la.", sabi ko pa at tuluyan na akong napaiyak.

Sa totoo lang ay hindi ako makapaniwalang nagawa nila iyon dahil puro kabutihan lang naman ang pinakita nila sa akin noong nabubuhay pa sila.

"Paano nyo po nagawa iyon sa kanya? Paano  po nakaya ng konsensya nyo na tanggalan ako ng ama?", pagpapatuloy ko pa.

"Pinasok nyo sa isipan ko na isa akong Hernandez. Na si daddy Joshua ang tatay ko. Paano nyo po nagawa iyon sa akin?", pagtanong ko pa.

Patuloy ako sa pag-iyak at pagtanong sa kanila ng bakit? Alam kong hindi nila ako masasagot pero patuloy pa rin ako sa pagtanong. Bigla namang bumuhos ang malakas na ulan. Mukhang nakikipagdalamhati sa akin ang panahon.

Kasabay ng pag-iyak ko ay pagbuhos ng malakas na ulan pero nagtaka ako nang hindi ko na maramdaman ang pagbuhos ng ulan sa akin.

"Magkakasakit ka sa ginagawa mo.", napahinto ako dahil sa narinig.

Lumipat sa harapan ko ang taong nagsalita. Pagtingala ko sa kanya ay nalaman kong pinayungan nya ako para hindi ako maulanan. Isa syang lalaki at nakakapagtaka dahil nakasuot sya ng sun glasses eh hindi naman maaraw.

"Mawalang-galang na ho. Pwede nyo po bang tanggalin ang payong nyo sa akin?", pagtanong ko.

"Bakit? May balak ka bang magkaroon ng sakit?", sabi naman nya.

Agad akong umiwas ng tingin sa kanya nang tignan nya ako. Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa kanya. Sino ba sya? Bakit ba nya ako pinapakialaman? Wala naman akong sinabing payungan nya ako.

"Umuwi ka na, hijo. Maggagabi na. Baka nag-aalala na ang mga magulang mo sayo.", bigla nyang sabi.

Pumasok naman sa isipan ko si mommy. Sa tingin ko nga ay baka nag-aalala na iyon lalo na't hindi naman ako nagpaalam sa kanya kanina.

Tumayo na ako at walang pasabing umalis. Habang nagmamaneho ay nakikita ko sa side mirror na nandoon pa rin ang lalaki at mukhang tinatanaw ako. Hindi ko na lang iyon pinansin at nagmaneho na ako pauwi.

Nang makarating sa amin ay bumusina ako para makapasok. Pagpasok ko pa lang sa bahay ay mabilis na lumapit sa akin si mommy at niyakap ako, "Pinag-alala mo ako anak."

"Basa po ako, ma.", sabi ko naman dahilan ng paglayo nya sa akin.

"Magpalit ka na anak at baka magkasakit ka pa.", sabi nya naman.

Imbes na sundin ang pinag-uutos nya ay tumitig lang ako sa kanya at nagtanong, "Sino si Kevin Andrei Gomez, ma?"

----------

Angel's Revenge (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon