Chapter 4

281 10 0
                                    

Chapter 4:

Faith's POV:

Nandito na kami ng mga kapatid ko sa M&Z, isang sikat na bilihan ng mga damit, bags at shoes. Isa itong international store na galing pa sa France. Nagkaroon lang ng store dito sa Pinas at sa iba pang bansa sa asya.

"Okay. I'll wait for you two here." sabi ni kuya Kiel bago naupo sa couch at nagbasa ng magazine.

"Let's go, baby sis." sabi sakin ni ate Maureen bago kami umikot.

Nagkahiwalay pa kami ni ate Maureen. Nasa dresses sya at nasa sandals naman ako. Kailangan ko kasing palitan ang paborito kong stilleto na hindi na kasya sakin. Nanghihinayang nga ako dahil unang regalo yun sakin ni mama.

May isang pares naman ng stilleto ang nakaagaw ng pansin ko. Kukunin ko na sana nang may biglang humablot niyon. Nang tignan ko ang babaeng humablot niyon ay nakita ko ang nakangising mukha ni Katelynne.

"Well.. Well.. Well.. This is surely mine." nakangising sabi nya.

"Alright." simpleng sabi ko bago humanap ng iba.

Nang may mapili ulit ako ay muling hinablot iyon ni Katelynne. Naiinis man ay mas pinili ko na lang ang ngumiti dahil alam kong may cctv camera ang shop na ito. Magagamit ko rin ang footage na makukuha kung sakali mang saktan nya ulit ako.

"Its so pretty." sabi ko bago kunin ang isang black stilettos.

Nagulat pa ako nang muling hablutin iyon ni Katelynne. "Oopps. This is also mine."

Dahil sa wala na akong nagustuhang sapatos ay lumipat na lang ako sa bags section. Umikot lang ako at namili ng gusto ko.

Ramdam kong sinusundan ako ni Katelynne kaya naman may naisip akong kalokohan kung sakali mang hablutin nya ulit ang mapipili kong bag.

"Wow! So pretty!" manghang sabi ko nang may nakita akong magandang hand bag.

Kukunin ko na sana nang muling hablutin ni Katelynne. Pasimple ko namang hinila ang pearl design na nakakabit dito dahilan para mapigtas iyon. Kapwa kami nagulat ni Katelynne nang mahulog sa sahig ang pearls.

"Oh no! Katelynne, what did you do?" pag-arte ko naman bago lumapit samin ang store manager.

"What's happening here?!" sabi ng manager at nang tumingin sya sa sahig ay bigla itong nagalit, "Why did you ruin this store's most expensive bag?! Can you pay for that?!"

Lihim akong napangisi nang mamutla sa takot si Katelynne. Hindi nya alam na ang bag na napili ko ay ang best seller at pinakamahal na bag dito. Sinadya ko talaga iyon.

"Ahm.. I.. I.." hindi alam ni Katelynne kung anong sasabihin nya.

"What?! Can you pay for this?!" galit na sigaw ng manager.

I can't blame her. That bag only costs millions. Dahil bukod sa pearls na nakasabit dito, mayroon ding tunay na gold na design ng bag.

Sasagot na sana si Katelynne nang magsalita ulit ang store manager, "So Ms. Katelynne, how are you gonna pay for this bag? Cash? Credit card?"

Galit namang tumingin si Katelynne dito bago nagsalita, "I am not paying for this ruined bag!"

"But you're the one who ruined it!" giit naman ng manager.

Galit naman nyang hinagis ang mga sapatos na inagaw nya sakin kanina. At ganun na lang ang gulat nya nang masira lahat iyon. Lihim akong napangisi dahil sa katangahan nya. Mahal rin ang mga sapatos na iyon. Mas mahal nga lang yung bag.

"You have to pay for those also cause you ruined them." madiing sabi ng manager.

"What?! No way!" sigaw ni Katelynne.

"Yes way! Or else, I have to put you to jail." pagbabanta naman ng manager.

"No! I'll call my kuya at sisiguraduhin kong mawawalan ka ng trabaho!" pagbabanta ni Katelynne.

"Try me." mapang-asar na sagot naman ng manager.

"Kuya.. Come here.. I need you here." sabi ni Katelynne sa kuya nya.

Maya-maya pa ay binaba na ni Katelynne ang tawag at ngumisi sa manager, "Ready to get lost."

Ngumiti lang nang mapang-asar ang manager kay Katelynne. I like this manager. Why don't I promote her? I need to tell this to ate Maureen.

Aalis na sana ako nang dumating ang super hero ni Katelynne, "What is it again, Katelynne? Anong gulo na naman ang ginawa mo?"

Mukhang nagulat naman si Katelynne dahil sa sinabi ng kuya Kian nya, "K-kuya..."

Tumingin sakin si Kian bago muling bumaling ang tingin sa kapatid nya, "What did you do, Katelynne? Ano na namang ginawa mo sa kanya?!"

Dahil sa galit ni Katelynne ay bigla itong sumigaw, "Wala akong ginawa sa kanya! Can't you believe me kuya?!"

"Mr. Kian, I am the manager here." bigla namang nagsalita ang manager at kinausap si Mayor Kian.

Ako naman ay mas piniling umalis doon at kausapin si ate Maureen. Hindi na ako nakaalis nang lumapit na sakin si ate Maureen at nilayo ako kila Katelynne na sumisigaw.

"What happened here?" tanong ni ate Maureen sakin.

"She messed up, ate." sagot ko bago ituro si Katelynne na galit na sumisigaw.

"Hindi ko yan sinira!" giit nya.

"But that's not what the cctv told us." madiing sabi ng manager.

Napahilamos na lang sa mukha si Kian bago humingi ng pasensya sa manager dahil sa inasta ng kapatid nya.

"How much is it?" pagtanong ni Kian.

"5.3 million pesos." seryosong pagsagot ng manager.

"What?!" gulat na sabi ni Kian.

"We can pay that and you! Mawawalan ka ng trabaho!" sigaw ni Katelynne.

"Stop Katelynne! We don't have enough money to pay!" madiing sabi ni Kian na mukhang namomoblema na naman dahil sa kapatid.

"What did you say? We have millions of money kuya! Do something!" sigaw ni Katelynne.

"Dad cut your credit cards, Katelynne. And I need money for next election. Anong ipangbabayad mo?!" galit na sigaw ni Kian.

Nanlaki naman ang mga mata ni Katelynne dahil sa narinig. Palihim akong napangisi dahil sa narinig. Naghihirap na ba sila ngayon? Why did they cut Katelynne's credit cards? Kung noon nga ay halos ibigay na nila ang lahat sa babaeng yan kahit na ang para sakin ay binigay na nila sa kanya. Ngayon naman ay may limit na?

"Are you gonna pay? Or should I call the authorities now?" mukhang naiinip na sabi ng manager.

"No! Kuya please." pagmamakaawa ni Katelynne.

"Stop it, manager Santos." sabi ni ate Maureen.

"Oh! Good afternoon Ms. Maureen and Ms. Faith. Sorry for the trouble." pagbati samin ng manager.

"Oh please.. You don't have to apologize for someone else's mistakes and trouble." sabi ni ate Maureen bago pulutin ang isang black na stilletos na gusto ko kanina.

"Hmm. This one isn't ruined. I better give this to my sister." sabi nya bago ibigay sakin ang sandals.

Ngumiti ako sa kanya bago nagpasalamat. "We'll buy this." sabi ko bago ipabalot iyon.

Tumingin naman sya sa manager bago nagsalita, "Just let them pay for the bag, manager Santos."

Hinawakan na ni ate Maureen ang kamay ko at mahinhing hinila ako paalis doon. Bago pa man kami makaalis ay sumigaw pa si Katelynne, "Pinapalabas mo bang naghihirap na kami?! We'll pay for the whole price!"

Lumingon si ate sa kanya, "Really? If you say so. Advance thank you for paying at our shop."

----------

Angel's Revenge (Completed)Where stories live. Discover now