Chapter 40

272 7 0
                                    

AN: Paalala, ito ay nakaraan na. Ito ay flashback. Sana'y wag kayong malito.

---------

Chapter 40:

Faith's POV:

Akala ko ay tapos na pero nagkamali ako. Muling nagbago ang paligid. Nasa loob ako ng isang kotse ngayon at kitang-kita ko ang sarili ko sa loob ng sasakyan at umiiyak habang nakatingin sa kung saan. Nang tignan ko ito ay tila bumalik ang sakit sa akin nang makita ko ang dahilan ng pag-iyak ko noon.

Kitang-kita ko ang asawa kong nakikipaghalikan kay Katelynne habang pinapalakpakan ng mga tao sa paligid. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang magandang disenyo ng park. Alam na alam ko ang nangyari dito noon. Nag-propose kasi si Theo kay Katelynne noon kahit na kasal na kami noon.

Lubos akong nasaktan nang makita ang buo kong pamilya na masayang-masaya para sa dalawa. Nakikita ko ang saya sa mga mukha ni daddy, mommy at kuya Kian. Yes, kahit si Kian ay pinagtaksilan ako noon.

Sobrang sakit na makitang masaya sila na niloloko ako. Sobrang sakit na pati pamilya ko na akala ko ay kakampi ko ay pinagtaksilan ako.

Muling nagbago ang paligid. Nasa isang restaurant ako ngayon. Nakikita ko ang buong pamilya ko na nagkakasiyahan. Pinagdiriwang nila ang engagement ni Katelynne sa asawa ko na hindi naman nila nagawa noon sa akin.

"Congrats, my daughter! Sana ay maging masaya kayong dalawa at bigyan nyo kami ng apo!", sabi ni mommy noon.

Si Steffi na akala ko ay magiging kakampi ko noon dahil sa sya ang ina namin pero nagkamali ako. Noon pa man ay di na nya ako pinagtanggol laban kay Katelynne.

"Congrats anak! Kung alam ko lang na kayo pala ang nagmamahalan, sana ay kayo na lang ang pinakasal ko noon pa. Well, ikakasal naman na kayo kaya masaya ang daddy para sayo!", sabi ni daddy noon.

Si Joshua na pilit akong pinakasal kay Theo noon. Pilit kong sinabi sa kanya na hindi ko na itutuloy pa ang kasal pero sino ba ang nagpumilit? Diba sya rin naman? Kung naniwala ba sya sa sinabi ko noon na may tagong relasyon ang asawa ko kay Katelynne, hahantong kaya kami sa ganito?

"Hindi ko man gusto ang nangyayari, Kate. Nandito na ito at nangyari na. Wala na akong magagawa pa. Sana'y wag lang dumating ang araw na malaman ni Kay ito dahil hindi ko sya pipigilan sa kung anuman ang magawa nya sa inyo.", sabi ni Kian.

Nakita ko naman ang dating ako na nakatingin sa kanila habang umiiyak, "Well, you're late. Alam ko na ang lahat."

Hindi nila ako nakita noon kaya wala silang kaalam-alam na may nalalaman na ako tungkol sa relasyon nila.

Muling nagbago ang paligid at dinamba ako ng takot nang malaman ang nangyari rito. Nasa mansyon ako ngayon at nakikita ko ang sarili kong umiiyak.

"Ate! Please naman kausapin mo ako!", pagsigaw ko rito.

Naaalala kong ito ang araw na isa sa pinakaayaw kong balikan dahil masyadong masakit ito. Ito ang araw na nag-away kami ni Katelynne dahil kay Theo. Ito ang araw na lubos akong nasaktan ng mga taong mahal ko.

"Ate! Bakit?! Bakit mo inagaw sa akin ang asawa ko?! Binigay ko sayo ang lahat pero pati asawa ko ay kukunin mo rin sa akin!", sigaw ko noon.

Nakita kong bumaba si Katelynne at mabilis na lumapit sa akin. Pinakalma nya ang nagwawalang ako noon.

"Mang-aagaw ka! Kakambal kita pero nagawa mo ito sa akin!", sigaw pa ng dating ako.

"Kay stop! Listen to ate, okay? Dadating ang araw na maiintindihan mo rin ang lahat. Just please, go with the flow. Promise, ipapaliwanag ko sayo ang lahat pero hindi pa ngayon.", sabi ni Katelynne.

"No! Ipaliwanag mo sa akin ngayon! Ano?! Anong sasabihin mo?", sabi ng dating ako.

Nakita kong huminga ako nang malalim noon bago nagpatuloy sa sasabihin, "Hindi kasi ikaw ang ate ko. Hindi ito magagawa ni ate Kate sa akin."

Nakita kong nagulat si Katelynne dahil sa narinig. Magsasalita na sana sya nang may babaeng sumigaw. Nakita kong nagmadali si Katelynne na paalisin ako noon.

"Kay, leave now! Hindi ka nya pwedeng makita. Please magtago ka!", natatarantang pag-uutos nya sa akin noon.

Bakit ko ba nakikita ito? Akala ko tapos na ang paghihirap ko pero bakit pilit binabalik sa akin ang nakaraan ko? Hindi ba pwedeng hindi na lang ipakita ulit sa akin dahil matagal ko nang binaon sa limot ang lahat ng masasakit na nangyari sa buhay ko noon.

Muling nagbago ang paligid at nakita ko ang sarili kong nagtatago sa stock room. Doon kasi ako pinagtulakan ni Katelynne noon para magtago.

Hindi mapakali ang dating ako kaya lumabas ito at pumunta sa kung nasaan si Katelynne. Nakita kong nagulat ako noon nang makita ang nangyari.

"Ate!", sigaw ko noon.

Nagulat ako nang muling makita ang taong kaaway ni Katelynne noon. Sya ay ina ni Theo, si Mariel Aragon.

Nakita kong ngumisi ito sa dating ako bago nagsalita, "Hello there, Kaylinne. Good thing you're here para naman may audience ako. Right, Kate?"

Kita ko ang takot sa mukha ni Katelynne noon, "Anong gagawin mo? Huwag ang kapatid ko ma!"

Mabilis na lumapit sa akin noon si Mariel at hinawakan ang kamay ko. Mabilis nya rin akong nahatak noon at sobra akong nagulat nang masaksak ko noon si Katelynne. Sobra-sobra ang takot ko noon nang makita ang maraming dugong lumabas mula sa katawan nya kung saan ko sya hindi sinasadyang nasaksak.

"Ate!", nakita kong sigaw ko noon bago ako lumapit kay Katelynne noon.

Nahihirapan na syang huminga noon pero nagawa pa nyang magsalita noon, "Run! Save yourself! Run!"

Nakarinig ako nang pagbusina noon at alam kong si Theo yun. Nakita kong hawak ni Katelynne ang kamay ko bago sya nagsalita, "Run! Tumakbo ka na! Leave me!"

Nakita ko kung paano ngumisi si Mariel noon sa akin. Isang klase ng ngisi na parang nakita ko noon. Sumakit naman ang ulo ko sa kakaisip kung kanino ko nakita ang ngising iyon noon.

Nakita ko namang marahas akong hinawakan ni Mariel noon at muling pinahawak ang kutsilyo sa akin. Mabilis nya ring sinaksak ang sarili nya kasabay nun ay ang pagdating ni Theo.

"Mommy!", pagsigaw ni Theo noon at galit na tumingin sa akin noon.

Muling nagbago ang paligid. Nasa ospital kami ngayon. Bakit ko nakikita ang nakaraan kong ito? Hindi ba sapat lahat ng sakit na naranasan ko noon at pilit akong sinasaktan ngayon?

Nakikita ko ang sarili kong umiiyak habang hawak ang tyan. Ito ang panahon na namatay ang anak ko. Namatay sya dahil kay Kian. Kung hindi nya ako sinuntok noon sa tyan ay hindi mawawala ang anak ko. Sana'y buhay pa sya ngayon.

Nakita kong may pumasok sa loob ng kwarto ko noon sa ospital. Nakita ko kung paano ako nagulat noon nang makita ang dalawang taong pumasok noon. Si Mariel at ang lalaking kinatatakutan ko noon.

"Buhay ka..", rinig kong sabi ko noon.

--------

Angel's Revenge (Completed)Where stories live. Discover now