Chapter 49

227 8 0
                                    

Chapter 49:

Samantha/Kaori's POV:

*Flashback Continuation*

Kinabukasan nang magising ako ay galit na galit na sigaw ang narinig ko. Galit na sigaw ni Kierra.

"Where is she? Nasaan ang kakambal mo? Tell me!", rinig kong sigaw ni Kierra.

Kakambal? Ano bang nangyayari? Agad akong kinabahan nang maisip na baka hindi nakatakas ang isa sa kanila.

Mabilis akong lumabas sa kwarto ko at halos manlaki ang mga mata ko nang makita ang isa sa mga kambal ko. So tama ako. Hindi nakatakas ang isa sa kanila. Kung ganun, nasaan yung isa? Anong nangyari sa kanila?

Lumapit ako sa kanila at yumakap kay Kierra, "What's wrong, ma? It's still early. Why are you shouting?"

Gulat namang nakatingin sa akin ang kakambal ko. Magsasalita na sana sya nang pasimple ko syang pinanlakihan ng mata at nakahinga ako nang maluwag nang makuha nya ang ibig kong sabihin.

"Ate?", pagtawag nya sa akin.

Rinig ko naman ang pagtawa ni Kierra, "This is not your sister! This is my daughter. Hindi sya ang tumakas mong kapatid."

Humiwalay ako kay Kierra at umarteng nagulat, "Tumakas? What do you mean, ma?"

"Tanungin mo yang anak ni Joshua! Hatinggabi na nang makatakas! Ni hindi ko alam kung sinong nagpatakas! Kung sino man ang nagpatakas, magsalita na bago ko kayo p*tayin!", galit na sigaw ni Kierra.

Pasimple akong napalunok at tumingin sa kakambal ko. Naiiyak na nakatingin sya sa akin. Mas naiyak sya nang pwersahan syang hilahin ng isang tauhan at sa tingin ko ay ibabalik na sya sa kwarto kung saan sila dinala nung nakaraan.

"What happened, ma? I thought we will k*ll them today?", naiinis kong pagtanong.

Huminga sya nang malalim bago hawakan ang pisngi ko, "I know, anak. Don't worry, I have a plan."

"What is it, ma?", nagtataka kong pagtanong.

Ngumisi sya sa akin bago sumagot, "You'll pretend as her sister. Ibabalik namin sya sa pamilyang iyon at ikaw, magpapanggap kang anak nila. Sasaktan mo ang batang iyon. What do you think?"

Mukhang nahalata nyang ayaw ko sa plano nya kaya naman nagtanong sya, "Looks like ayaw mo. Why?"

"Hindi naman sa ganun ma. Kaya lang, I have to pretend na mabait sa pamilyang iyon. I don't want that ma.", pagrereklamo ko kunwari.

Seryoso syang tumingin sa akin bago nagsalita, "You'll hurt her. Ayaw mo ba nun? Unti-unti kang makakapaghiganti sa kanila?"

Huminga ako nang malalim bago nagsalita, "Of course I want that ma. Kaya lang ayaw kong mawalay sa inyo ni papa. Paano kayo rito? Pwede ko po bang pag-isipan ma?"

Mukhang naiintindihan nya ako kaya naman unti-unti syang tumango, "Alright. I'll let you think until today. I'll talk to your dad about this. Alam mo naman iyon, ayaw nyang nawawalay ka sa amin."

Nang makaalis sa harapan nya at muling makapasok sa kwarto ko ay unti-unti akong napangiti. So kailangan kong magpanggap bilang kakambal ko? Ibig sabihin ay makakasama ko na rin ang tunay kong pamilya.

Kaya lang ay kailangan kong saktan ang kapatid ko. "I can't. I can't hurt her. Oh my! Anong gagawin ko?"

Maya-maya ay napagpasyahan kong puntahan ang kakambal ko. Nagising sya nang makapasok ako, "Please help her!"

Sinigurado ko munang walang nakikinig sa amin bago ako bumulong sa kanya, "What happened? Hindi ba't pinatakas ko na kayo? Where is she?"

Mukhang nagdadalawang-isip sya kaya ayaw nyang magsalita, "I can't tell you. Anak ka nya."

Angel's Revenge (Completed)Where stories live. Discover now