Chapter 20

235 8 0
                                    

Chapter 20:

Faith's POV:

Katulad ng inaasahan ay sinundo ako ni Marius. Agad akong yumakap sa kanya at humalik sa pisngi nya nang makita ko sya. Parang may narinig naman akong click ng camera pero di ko na lang iyon pinansin pa.

"Ready?", pagtanong nya bago kinuha ang bag ko.

Humawak ako sa braso nya bago sumagot, "Where are we going, love?"

Agad syang ngumiti bago sumagot, "Secret. Its a surprise, love."

"Love.. I'm gonna pee po.", sabi ko bago naglakad papunta sa isang comfort room dito.

Pagkatapos ko ay humarap ako sa salamin dito sa loob ng comfort room at tinignan ang sarili ko. Napangiti naman ako dahil sa itsura ko. Ang galing ng make up artist at hair stylist ha. Bagay na bagay sa akin ang ginawa nilang pag-ayos kanina.

Lalabas na sana ako nang may biglang pumasok sa loob. Agad akong kinabahan nang marinig ang pag-lock ng pintuan. Nang humarap ang lalaking pumasok ay agad na napalitan ng galit ang kabang naramdaman ko.

"What are you doing here, Mr? This is ladies' comfort room. Naliligaw ka yata.", sabi ko kay Theo.

Oo si Theo. Ano naman kaya ang nakain nito at pumasok dito sa pambabaeng comfort room?

"Hindi ako naliligaw dahil nandito ang sadya ko. And its Theo, not Mr.", sabi nito bago lumapit sa akin.

Medyo hindi ako komportable dahil sa paraan nya ng pagtingin sa akin. Isang tingin na binigay nya sa akin noong nalasing sya isang gabi at may nangyari sa amin noong kasal pa kami.

"Get out!", matigas kong sabi bago naglakad papunta sa labas pero hindi pa ako nakakalapit sa pintuan ay hinawakan ako nito sa braso ko at nilapit sa kanya.

"Ano ba Theo?! Let me go!", sigaw ko rito.

Hindi ito sumagot at mas hinigpitan pa ang pagyakap sa akin. Naramdaman ko naman ang paghawi nya sa buhok ko at parang may tinignan sa batok ko. Ano naman kayang titignan nya dyan?

Parang natigilan naman sya bago may binulong sa sarili nya na narinig ko naman, "Wala? Walang nunal?"

'Anong nunal? Pinagsasabi mo Theo?', pagtanong ko sa sarili ko.

Mayamaya naman ay narinig ko ang pagkatok ng kung sino at nang makilala ko ang boses nito ay agad akong sumigaw, "Help!"

"Love? Are you okay?", sabi ni Marius mula sa labas ng pintuan ng cr.

Naramdaman kong lumuwag ang pagkakayakap sa akin ni Theo kaya agad akong kumawala at tumakbo papalapit sa pintuan. Agad ko itong binuksan at bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ng boyfriend ko.

Agad nya akong niyakap nang mahigpit, "Are you okay, love? May nangyari ba sayo?"

Mas pinili kong ibaon ang mukha ko sa dibdib nya kaysa sa sumagot. Naramdaman kong mas hinigpitan nya ang pagyakap sa akin. Agad akong kinabahan nang magsalita sya, "What did you do to her?!"

Mas lalo akong yumakap sa kanya bago nilingon si Theo na masama ang tingin kay Marius na yakap-yakap ako.

Nakita kong ngumisi si Theo bago sumagot, "Things you can only imagine."

Tinignan nang masama ni Marius si Theo bago sumagot, "I doubt it. She loves me and she only wants to do it with me not with some random man. Besides, she's not Katelynne, your fiancé. I heard she slept with different men."

Agad na sumama ang timpla ng mukha ni Theo dahil sa sinabi ni Marius. Mas lalo pang hindi maipinta ang mukha nya nang magsalitang muli si Marius, "Huwag mong igaya ang asawa ko sa babae mo. Magkamukha man sila, sobrang laki naman ng pinagkaibahan nila."

Angel's Revenge (Completed)Where stories live. Discover now