Chapter 67

214 9 1
                                    

Chapter 67:

Third Person's POV:

"Si Kierra ang tunay nyong ina, anak.", rinig ni Faith na sabi ni Joshua.

Natawa naman si Faith bago nagsalita, "Yan? Yan ang tunay naming ina? Pinapatawa mo naman ako Joshua. Tama na ang pagbibiro."

Mukhang nasaktan naman si Joshua dahil sa sinabi nito at pagbanggit sa pangalan nito. Hindi man sabihin ni Joshua ay namimiss na nyang tawagin syang daddy ng anak ngunit hindi na siguro iyon mangyayari pa dahil sa mga nangyari.

"Totoo ang sinasabi ko, Kate. Please maniwala ka.", sabi pa ni Joshua.

Galit namang nagsalita si Faith, "Hindi sya ang ina namin ng mga kapatid ko! Wala akong ina na sinaktan ang sarili nyang mga anak! Wala akong ina na pinatay ang sarili nyang mga anak! Hindi si Kierra ang nanay ko! Si mama Tiffany ang mama ko! Sya lang ang kikilalanin kong ina! Hindi si Steffi at mas lalong hindi si Kierra!"

Mabilis na lumabas ng kwarto si Faith. Sinundan naman ito ng asawang si Marius. Mabilis na tumakbo si Faith palabas ng ospital at mabilis ding sumakay sa kotse. Iisang lugar lang ang pupuntahan nito.

Hindi na nahabol ni Marius si Faith pero alam nya kung saan iyon pupunta. Mabilis syang sumakay sa kotse at sinundan si Faith.

Nakarating din si Faith sa sementeryo at mabilis na lumapit sa puntod ng kanyang kapatid na si Kaylinne. Lumuhod si Faith at iyak nang iyak habang tila nagsusumbong sa kapatid.

"Baby, wala na din si ate Kaori. Pinatay din sya ni Kierra tulad ng ginawa nya sayo. Ang sakit-sakit baby. Pati sya ay nawala nang dahil sa babaeng iyon."

"Gusto ko syang saktan hanggang sa mapagod ako. Hindi ko sya mapapatawad, baby. Hinding-hindi ko sya papatawarin kahit na sabihin nilang sya ang tunay nating ina."

"Sabi ni Joshua, sya daw ang tunay nating ina. Naniniwala ka ba dun, baby? Kasi ako hindi. Hindi sya ang ina natin baby. Hindi sya. Kahit na mapatunayan man nila yun ay hinding-hindi ko sya ituturing na ina. Pinatay ka nya. Pinatay nya rin si ate Kaori kaya hindi ko sya tatanggapin bilang ina natin."

Naramdaman namin ni Faith ang unti-unting pagbuhos ng ulan kasabay niyon ay ang pagyakap sa kanya ni Marius, "Love please. Hindi ka pwedeng maulanan baka magkasakit ka. Makakasama iyon sa baby natin. Please love."

"Dinadamayan mo ba ako baby? Huwag kang mag-alala, magiging okay din ako", sabi ni Faith bago tumayo.

Kaagad na inalalayan ni Marius si Faith papasok sa loob ng kotse. Doon ay niyakap nito si Faith at hinayaang umiiyak hanggang sa makatulog ito sa kanyang mga bisig.

Samantala, hindi naman makapaniwala si Kierra sa narinig. Napailing-iling ito bago sumagot, "No! Hindi sila ang anak ko! Sinasabi nyo lang yan para makunsensiya ako at mawala ang galit ko sa inyo!"

"Tama na Kierra! Naririnig mo ba yang sinasabi mo?! Nagawa mong pumatay para ano? Para maghiganti ka?! Sa sobrang galit at dahil dyan sa paghihiganti mo ay nawala ang dalawa sa mga anak mo!", sigaw ni Ethel sa anak na si Kierra.

"No! Hindi yan totoo! Hindi ko sila anak!", sigaw ni Kierra.

"Ang tagal kitang hinanap, Kierra! Halos tatlong dekada akong naghahanap sayo tapos makikita kitang ganito?! Nasaan na ang anak kong si Kierra? Ibalik mo sya sakin! Ibalik mo sakin ang anak ko!", umiiyak na sabi ni ginang Ethel.

"Tama na Kierra! Totoo ang sinasabi namin. Anak mo sila!", sabi naman ni Joshua.

Tumalim ang tingin ni Kierra kay Joshua bago ito galit na nagsalita, "Hindi yan totoo Joshua! Hindi ko sila anak!"

"Kung ayaw mong maniwala, bahala ka!", sigaw naman ni Joshua.

"Paano ako maniniwala sa mga sinasabi nyo kung kitang-kita ko kung paano namatay ang anak ko?!", sigaw ni Kierra.

"Ligtas sila nung araw na yun Kierra! Niligtas sila ng ama ko mula sa sunog!", sagot ni Joshua bago nya kinuwento ang buong nangyari.

*Flashback*

"Ibigay kay Mr. Hernandez ang mga bata.", sabi ng doktor na nagpaanak kay Kierra.

Mabilis namang inasikaso si Kierra. Nawalan ito ng malay dahil hindi nito nakaya ang panganganak sa tatlong bata. Triplets ang mga anak nito at natural birth ang nangyari. Hindi nito alam na triplets ang mga anak dahil hindi ito nagpa-ultrasound at mas piniling masorpresa maging sa gender ng mga anak. Gusto rin kasi ni Kierra na sorpresahin si Joshua kapag nagkita na sila.

Kahit hindi pa man naisasagawa ang dna test ay alam na ni ginoong Fernando Hernandez na apo nya ang tatlo dahil lahat sila ay kamukha ng ama nilang si Joshua. Pero kahit na ganun ay mas pinili nitong ituloy ang test para maipakita na rin sa anak maging sa mga magulang ni Steffi para mas pumayag ang mga ito na hindi na ituloy ang kasal.

"Ilang araw bago ko malaman ang resulta?", pagtanong nito sa doktor.

"Two to three days sir. I'll send the results personally sa mansyon nyo.", sagot ng doktor.

Tumango ang matandang Hernandez bago pinakuha ang mga apo. Pupunta na sana sila sa kwarto ni Kierra para makita ang mga anak nito ngunit hinarang sila ng mga nars.

"What's happening?", pagtanong ng matandang Hernandez.

"Sir, you need to evacuate. May parte po ng ospital ang kasalukuyang nasusunog.", sagot ng nars bago sila alalayang makababa at makaalis sa ospital.

Nang makalabas sa ospital ay kinausap nito ang ibang staff ng ospital na kunin si Kierra dahil hindi sya pinapayagan na bumalik sa loob. Habang naghihintay kay Kierra ay inutusan nya ang mga yaya ng triplets na mauna na sa mansyon dahil kailangan pa nyang hintayin si Kierra na makalabas. Sumunod naman ang mga ito at nagpaalam na sa kanya.

Bigla namang lumapit sa kanya ang mga magulang ni Steffi Ann. Hindi nito pinahalatang nagulat nang makita ang mga ito.

"What are you doing here?", pagtanong ng matandang Hernandez.

"We have our regular check-up. What are you doing here?", sagot ng ama ni Steffi.

Hindi pa man nakakasagot si Fernando ay narinig nila ang malakas na pagsabog. Mabilis silang pinaalis doon. Ayaw man ni Fernando ay umalis na lang sya doon para na rin sa sariling kaligtasan.

Pagdating sa mansyon ay tinawagan agad nito ang mga nakausap na syang kukuha kay Kierra ngunit isang masamang balita ang nakarating sa kanya.

"I'm sorry po. Hindi na ho namin nakita si ma'am Kierra. Masyado na ring malaki ang sunog sir at hindi na kami pinapayagang pumasok sa loob."

*End of Flashback*

Sunod-sunod ang pagtulo ng mga luha ni Kierra nang marinig ang pagkwento ni Joshua. Sobrang sakit ang nararamdaman nya ngayon nang maalala ang mga ginawa sa triplets.

"We got married at pinalabas naming anak naming tunay sina Kian maging ang triplets. Tinuring ko silang parang tunay kong anak, Kierra. Kaya sobrang sakit sakin na nangyari lahat ng ito nang dahil sayo.", sabi ni Steffi Ann habang umiiyak.

"Mga anak ko! Ang mga anak ko!", sabi ni Kierra habang nagwawala.

"Kailangan ko silang makita! Kailangan kong makita ang mga anak ko!", sigaw ni Kierra ngunit tinurukan sya ng pampatulog dahil sa pagwawala nya.

Bago tuluyang makatulog ay may sinabi pa ito, "I'm sorry.. mga anak ko.."

---------

Angel's Revenge (Completed)Where stories live. Discover now