Special Chapter

232 8 0
                                    

Special Chapter:

Kaori's POV:

Nandito ako ngayon sa kwarto ko at pinag-iisipan ang boses na narinig ko kanina. May pagkakahawig sa boses namin ni Kaylinne.

Sa totoo lang ay nagulat ako kanina dahil nakita ko sya. Hindi lang ako sigurado kung sya nga yun dahil medyo malayo sya sa akin kanina kaya hindi ko namukhaan nang maigi.

"Anong ginagawa mo dito, Katelynne?", pagtanong ko sa sarili ko.

Bigla namang tumunog ang cellphone ko at nangunot ang noo ko nang makatanggap ako text message galing sa isang hindi kilalang numero.

"Hi babe! How are you?", pagbasa ko sa text.

Dahil hindi ko ugaling magtext sa hindi ko kilala ay hindi ko na iyon pinansin pa. Matutulog na sana ako nang muling tumunog ang cellphone ko.

"Nakita ko ang ginawa mo kanina babe. That's bad. That's not my babe.", pagbasa ko sa text.

Nakita? Ibig sabihin ay estudyante sya sa university na pinapasukan namin ni Kaylinne. Sino naman kaya?

Hindi ko naman pinagmamayabang pero marami na ring nagtangkang manligaw sa akin pero sinusungitan ko lang dahil hindi yan kasama sa mga plano ko. Tsaka highschool pa lang kami kaya hindi ko rin gustong pumasok sa isang relasyon. Baka malaman din ni Kierra at parusahan ako.

Kinabukasan ay may natanggap na naman akong text. Medyo naiinis na ako dahil ilang beses syang text nang text. Hindi ko naman pwedeng i-silent ang cellphone ko dahil baka tumawag sina Kierra at baka pagalitan ako kapag hindi ko nasagot agad.

"Good morning, babe! Curious about me? Anyway, listen to your teacher.", text nya.

Nagpalinga-linga naman ako at tinignan ang mga kaklase ko. Wala namang kahina-hinala sa kanila kaya naman lumingon ako sa labas ng bintana pero wala namang tao doon.

"Looking for me, babe? Let's meet up later. I want to see you.", text nya ulit.

Pasimple akong tumingin sa teacher na nagsusulat sa black board at nag-reply, "Where?"

Hindi naman nagtagal ay nagtext muli sya, "Nababakla na ata ako. You took my breath away, babe. Isang salita lang iyon pero ganun na ang epekto sa akin. About the place, I'll text you later babe. I love you."

Hindi ko alam pero kusa akong ngumiti nang mabasa ang huling pangungusap na tinext nya. Hindi ko alam kung maniniwala ako dun dahil hindi ko naman sya kilala.

"You smiled. I made you smile, babe.", huling text nya bago ako nakinig sa teacher.

Mabilis na lumipas ang mga oras at hapon na. Kanina ko pa hinihintay ang text ng taong iyon kung saan kami magkikita pero di pa sya nagtetext sa akin. Nagpalipas pa ako ng ilang minuto pero wala pa rin kaya napagpasyahan kong umalis na sa garden.

"Niloloko lang ata nun.", sabi ko sarili ko at tumayo na.

"Hindi kita niloloko. Hinding-hindi ko gagawin sayo yun. Masyado kitang mahal para lokohin ko lang.", rinig kong sabi ng lalaking kilala ko.

Lumingon ako sa kanya, "Ikaw?"

Ngumiti sya bago nagsalita, "Yes, it's me babe. Come on."

Bago pa ako maka-react ay hinawakan na nya ang kamay ko at hinila paalis doon. Pagkadating sa parking ay mabilis nya akong pinasakay sa kotse nya.

"Mathew---"

"Babe. You should call me babe.", sabi nito habang nagmamaneho.

Tumaas naman ang kilay ko bago nagtanong, "Bakit naman kita susundin? Sino ka ba?"

Angel's Revenge (Completed)Where stories live. Discover now