Chapter 16

208 4 0
                                    

Chapter 16:

Faith's POV:

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Napaluha ako nang mabasa ang buong script ng pelikula. Hindi ko alam pero kuhang-kuha nito ang estorya ng buhay ko.

*Flashback*

Naglalaro ako ng dolls ko. Mag-isa lang ako ngayon dahil iniwan ako nina mommy at daddy kina yaya. Umalis sila at pinasyal si ate Katelynne sa mall. Gusto ko sanang sumama kaya lang ay biglang umiyak si ate at pinilit na wag na akong sumama.

"Umiiyak na naman ang prinsesa ko.", rinig kong sabi ni kuya Kian na kararating lang galing sa eskwelahan.

Agad akong tumakbo palapit sa kanya at niyakap sya, "Kuya!"

Naramdaman kong hinaplos ni kuya ang buhok ko bago ako dampian ng halik doon, "Don't cry, my princess. Nandito na si kuya."

Kahit alam kong pagod sa eskwelahan si kuya Kian ay pinili pa rin nyang makipaglaro sa akin. Mabait si kuya Kian sa akin. Sa totoo lang kapwa sila mabait ni ate Katelynne sa akin noon. Ngayon, parang naging ibang tao na si ate at palagi na akong inaaway at sinasaktan.

Ilang oras din ang lumipas ay nakauwi na sila daddy. Agad akong sumalubong sa kanila at niyakap sila. Tanging si ate Katelynne lang ang umiwas sa akin at inirapan pa ako.

Tumingin naman ako kay mommy nang magsalita sya, "Pagpasensyahan mo na Kay. Alam mo naman ang nangyari sa kanya noon, diba?"

Tumango naman ako bago yumuko. Siguro kaya galit sa akin si ate Katelynne dahil sa nangyari sa kanya noon dahil sa akin. Kailan kaya nya ako mapapatawad?

Nasa pool area ako ngayon. Nakababad ang mga hita at paa ko sa pool. Nasa trabaho ngayon sila mommy at daddy. Si kuya Kian naman ay nasa bahay ng kaklase nya at may ginagawang project.

Tumabi naman bigla sa akin si ate Katelynne at nagsalita, "I really hate you, Kaylinne. Kung hindi dahil sayo ay hindi ako magkakaganito kaya dapat sayo ay mawala na sa mundo!"

Nagulat ako nang bigla nya akong itulak sa pool. Alam ni ate Katelynne na hindi ako marunong lumangoy kaya hindi ko alam kung bakit nya ginawa sa akin ito.

"Ate!", pagtawag ko sa kanya pero parang wala syang narinig at bigla syang tumakbo papasok ng mansyon.

Nahihirapan na akong makahinga nang marinig ko ang sigaw ni kuya Kian, "Kaylinne!"

Nagising ako nang marinig ang pag-aaway nina kuya Kian at mommy. Hindi ko muna binuksan ang mga mata ko dahil sa inaantok pa ako.

"Its her fault, mom! I saw it with my two eyes!", sabi ni kuya.

"No! Maybe kaya nya nagawang itulak si Kay ay dahil sa traumang dinaranas nya dahil sa batang yan!", sagot naman ni mommy.

"Dad please. Muntikan nang mamatay ang kapatid ko dahil sa ginawa ni Kate at wala man lang kayong gagawin?", sabi pa ni kuya.

Mayamaya pa ay narinig ko ang boses ni daddy, "Enough! Walang kasalanan si Kate, Kian. And its final."

Nakaramdam ako ng sakit dahil sa sinabi ng mga magulang ko. Muntik na akong mamatay tapos sasabihin nilang walang kasalanan si ate Katelynne? Paano naman ako? Anak din naman nila ako ah.

"Why? Bakit nyo ginawa ito? Hindi nyo ba alam na nasasaktan si Kay dahil sa ginagawa nyo? Hindi nya kasalanan ang nangyari sa kanila noon!", sabi pa ni kuya.

"Yes, it is. Kasalanan nya kung bakit sila nakidnap noon, Kian! Kung hindi matigas ang ulo ng batang iyan ay sana hindi tayo nagkakaganito ngayon! Kung hindi sana sya nagpumilit na lumayo sa beach resort edi sana hindi sya niligtas ni Kate at wala sanang trauma ang kapatid mo!", sigaw ni mommy.

Angel's Revenge (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt