Chapter 58

356 20 8
                                    

Chapter 58:

Faith / Katelynne 's POV:

Nagkukwentuhan kami ni ate Kaori nang may kumatok sa pinto at pumasok si lolo. Kasama nya ang isang batang lalaki na sabi ni ate Kaori ay anak nila ni Mathew.

"Mama!", sabi ni Mikhael bago lumapit kay ate Kaori at yumakap dito.

Humarap sya sa akin maya-maya saka ngumiti, "Hi po, tita!"

Hindi na ako nagulat nang tawagin akong tita ni Mikhael. Nabanggit kasi ni ate Kaori na nakukwento nya kami ni Kaylinne sa anak nya kaya kilala nya ako.

"Hello, how old are you?", pagtanong ko naman.

Pinakita nya sa akin ang limang daliri nya sa mga kamay, "Five years old ka na. Mukhang magkakasundo kayo ng anak ko. She's four."

Gulat na napatingin sa akin si ate Kaori bago nagtanong, "May anak ka na?!"

Natawa naman ako bago sumagot, "Ate, I'm married. And this man here is my husband."

Naramdaman ko ang kamay ni Marius sa baywang ko bago ako nagsalita, "We have a daughter. She's Marthee Rhianne. Nasa France sya ngayon kasama ang mga kamag-anak namin."

Tumango-tango naman si ate Kaori bago nagsalita, "Okay. Wait. I heard he proposed to you!"

Si Marius naman ang sumagot, "Yes, I proposed to her. I want a grand church wedding. Last time kasi ay simple gathering lang at hindi alam ng publiko ang tungkol sa amin. You know her, she's popular. This time, we want the public to know and witness our wedding."

Masayang ngumiti sa amin si ate Kaori bago sya nagsalita, "Masaya ako at naging maganda ang buhay mo kasama ang mga Zaragoza. Palagi akong nagpapasalamat sa kanila sa lahat ng ginawa nila para sayo. Biniyayaan ka rin ng matinong asawa."

Hinawakan ko ang kamay nya bago ako sumagot, "Thank you, ate Kaori. Kung hindi dahil sayo ay wala ako ngayon dito. You saved me."

Masaya syang ngumiti sa akin, "That's what an older sister do."

Maya-maya ay nagtanong ako, "Ahm.. how did you know, lolo?"

Ngumiti si lolo bago nagsalita, "I talked to Kaori. Matapos kitang makita sa restaurant kasama ang mga Zaragoza at makilala kita, kinausap ko na si Kaori and she told me everything."

Muli akong tumingin kay ate Kaori, "Nga pala ate, I already talked to papa Zoren and mama Tiffany and they both agreed. We can sched your flight to France."

Tumingin sya sa akin at hinawakan ang kamay ko, "I'll stay. Nandito ka pa. I can't leave you."

Mabilis akong umangal, "But---"

"No more buts. Mag-iingat ako. Napag-usapan na rin natin ito ni Mathew and he agreed. Kasama ni Mikhael na babyahe ay si lolo.", sabi nya kaya naman tumingin ako kay lolo.

Tumango si lolo bago nagsalita, "Ayoko man ay wala akong magagawa. Isa sa ugali ko ang namana nyo. Matigas ang ulo."

Parehas kaming natawa ni ate Kaori bago ako nagsalita, "Tomorrow the plan will start. Magpapakilala ako kay Theo at babawiin ang kumpanya."

Tumingin ako kay Mathew at tinaasan sya ng kilay, "You can't stop me."

Natawa naman si Mathew bago nagsalita, "Hindi ka pa rin nagbabago, Kate. Palaban pa rin hanggang ngayon. Don't worry, hindi naman ako tututol sa lahat ng plano nyo. I'm here to support."

Inirapan ko sya bago nagsalita, "Mabuti na't nagkakaintindihan tayo. Anyway, you're safe here ate. My husband and his sister own this hospital. Nag-hire na rin sila mama ng mga tao para bantayan kayo."

Angel's Revenge (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon