Chapter 29

218 4 0
                                    

Chapter 29:

Someone's POV:

"Kaori.. Kaori Leigh Hernandez.", rinig kong sabi ng ginang na si Steffi Ann.

Agad akong nakaramdam ng kaba. Bakit nya binanggit ang pangalan ko? Anong plano nila sa akin? Ipapahanap ba nila ako? After all these years?

"Kaori? Nasaan sya? Bakit hindi namin sya nakasama? Mom, anong nangyari sa kanya?", sunod-sunod na tanong ni Kian.

Nakita ko namang mas napaiyak ang ginang. Ang asawa naman nito ay lumapit sa kanya pero lumayo sya rito. Ang matandang Hernandez naman ay naupo sa sofa at nagpakuha ng tubig para sa ginang.

"She.. She was kidnapped.. Sa airport. We did everything.. Pero wala pa din.. Hindi namin sya nahanap. Hindi namin sya nakita..", lumuluhang sambit ng ginang.

Yes, I was kidnapped when I was two years old. Paano ko nalaman? I did some research. At ngayong nakikita ko na sila, I am afraid of telling them the truth.

Mabilis akong umalis doon nang biglang tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko ay sya pala ang tumatawag. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba dahil ayaw ko naman talaga syang makausap o makita. Napalingon ako sa paligid bago sagutin ang tawag nya.

"Kaori.", hindi ko maiwasang kabahan dahil sa pagtawag nya sa tunay kong pangalan. Kapag ganito kasi ang tawag nya sa akin ay alam kong galit sya.

"Why aren't you answering my calls?", pagtanong pa nya.

Huminga ako nang malalim bago sumagot, "Dad.. Ahm.. I am always around them. They won't leave my side. I'm sorry."

"Tsk. Anyway, you need to come here. He needs you that's why I always call you.", sabi nya dahilan ng kaba ko.

"What happened to him, dad?", natataranta kong tanong.

"He's sick. Your son needs you, Kaori.", huling sabi nya bago tapusin ang tawag.

Mabilis akong umalis doon at pumunta sa bahay kung nasaan ang anak ko. Yes, anak ko. He's five years old at kasalukuyang nasa pangangalaga nina daddy.

Habang nagmamaneho ay biglang tumunog ang cellphone ko. Mabilis ko iyong sinagot kahit hindi ko nakita kung sinong tumatawag.

"Babe.", pagtawag nya.

Hindi ako nakasagot agad dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya kapag nagtanong sya tungkol sa anak namin.

"Babe, where are you?", pagtanong nya.

"Ahm.. Driving..", walang pag-iisip na sagot ko.

Natawa naman sya ng kaunti bago muling nagsalita, "Driving to? Babe.. I know what's going on. Kilala kita."

Doon ko lang natandaan na nakabukas palagi ang gps ng cellphone ko. May tracking device ding nakakabit sa akin. Sinadya namin iyon for some reason.

"Babe.. He's sick.. I.. He needs me.", mahinang sabi ko.

"What? Susundan kita.", sabi naman nya.

"No!", mabilis kong sagot bago muling nagsalita, "No need babe. You know the consequences if you do that."

"But..", tanging nasabi nya.

"Don't worry babe. I'll call you later, okay?", sabi ko sa kanya.

Nang makarating ako sa bahay ay pinatay ko na ang tawag. Hindi pwedeng malaman nina daddy na katawagan ko pa rin ang ama ng anak ko.

Mabilis akong pumasok sa loob. Wala sina daddy sa sala. Siguro ay nasa kwarto nila o nasa opisina nila. Dumiretso ako sa kwarto ng anak ko. Nakita kong nagbabantay si mommy.

Lumapit ako sa anak kong natutulog. Hinalikan ko ang noo nya at bigla naman syang nagising, "Mama.."

"Yes, baby ko? Nandito na si mama.", malambing kong sabi.

Agad syang ngumuso bago sumagot, "Hindi na po ako baby, mama."

Natawa naman ako bago sumagot, "Para kay mama, ikaw pa rin ang baby ko."

Tumikhim si mommy bago nagsalita, "Labas muna ako."

Tumingin sya sa anak ko bago nagpaalam, "Apo, lalabas muna si lola."

Tumango naman ang anak ko sa kanya bago naglambing sa akin. Yakap-yakap ko ang anak ko nang kalabitin ako ni mommy at tinuro ang labas. Nakuha ko naman ang ibig nyang sabihin. She wants to talk to me sa labas. Siguro sa opisina nila ni daddy kami mag-uusap.

Pinapatulog ko na ang anak ko at nang masigurado kong tulog na sya ay dahan-dahan akong lumabas sa kwarto nya. Kapag nagising kasi sya ay paniguradong hahanapin nya ako.

Kumatok muna ako sa pintuan ng opisina nila bago ako pumasok. Nakita kong naghihintay na doon sina daddy kasama si mommy. Pinaupo ako ni daddy sa katapat nilang sofa.

"Kumusta ang pinapagawa ko sayo, Kaori?", pagtanong ni mommy.

Napangisi ako bago sumagot, "They told Kian about me. Tsk, they even told him a lie. Ginawa daw nila ang lahat para mahanap ako na hindi naman totoo, right mom?"

"Y-yes. I told you, they are liars.", sagot ni mommy.

"And about their company. I heard unti-unti nang umaalis ang investors nila because of their family issues. One of which is Fernando's criminal case.", sabi ko pa.

Natawa naman si daddy, "Sa wakas ay mararanasan din ng matandang iyon kung paano mabuhay sa loob ng kulungan."

"Keep spying them, Kaori. Sya nga pala, you should come to this party.", sabi naman ni mommy bago iabot ang isang magandang invitation.

Binuksan ko iyon at binasa, "You are invited to Zyanna Faith Zaragoza's birthday."

"Pumunta ka since we can't come and you know the reason why.", sabi ni daddy.

"Make friends with her. Magagamit natin ang kayamanan ng pamilya nya.", nakangising sabi ni mommy.

Wala akong nagawa kundi tumango bago nagpaalam na babalik na ako sa kwarto ng anak ko. Pagpasok ko sa kwarto nya ay doon ko tinanggal ang imaginary maskara ko. Gone the b*tchy Kaori.

Muli kong tinignan ang invitation. What makes them think na susundin ko ang pinag-uutos nila? Hindi ako papayag na gamitin din nila ang kapatid ko. Yes, alam kong kapatid ko si Faith. Hindi ako papayag na matulad sya sa akin.

Hindi ko naman gagawin lahat ng pinag-uutos nila kung wala silang alas sa akin. Hawak nila ang anak ko and I can't risk his life. Kapag nakaalis na kami ng anak ko, dun lang ako titigil sa pagiging robot nila. Sa ngayon ay kailangan kong maging sunod-sunuran sa kanila.

Lumapit ako sa anak ko at hinalikan ang noo nya. How I wish na normal lang ang lahat. How I wish hindi nila ako ninakaw at nilayo sa pamilya ko. How I wish hindi sila ang kinikilalang lola at lolo ng anak ko dahil masama sila. Hindi nila ako nanakawin kung hindi sila masama.

Yes, they are my kidnappers. Ang mga kinikilalang lola at lolo ng anak ko ay ang mga nagnakaw sa akin mula sa tunay kong pamilya.

--------

Angel's Revenge (Completed)Where stories live. Discover now