Chapter 63:

207 8 0
                                    

Chapter 63:

Third Person's POV:

Ilang buwan ding ginawa ang pelikula at malapit na itong ipalabas sa mga sinehan. Kabilang ito sa MMFF at ipapalabas sa araw ng pasko. Marami ang naghihintay na mapapanood ang pelikula dahil na rin kasama sa cast at bida ng pelikula ang model turned actress na si Zyanna Faith Zaragoza.

Ito ang araw ng press con para sa pelikula. May mga media na kasama sa event at naroon din ang mga fan ni Faith at ng iba pang artistang kasama sa pelikula.

Nasa backstage si Faith kasama si Marius na todo bantay sa asawa. Kasama rin nila sa backstage si Kaori na kasama ang nobyong si Mathew. Tulad ni Marius ay ingat na ingat si Mathew kay Kaori dahil na rin nagdadalang-tao ito sa kanilang pangatlong anak. Hindi pa naman halata ang tyan nito kaya hindi mahahalatang buntis ito.

Ang unang anak ng magkasintahan ay namatay dahil kay Kierra. Sa kasamaang palad ay namatay ito dahil sa pananaksak ni Kierra noon. Ang pangalawa naman nilang anak ay si Mikhael na nasa France na ngayon kasama ang lolo nitong si Fernando Hernandez.

"Mama!", pagtawag ni Mikhael sa ina. Kasalukuyang kausap nila ito gamit ang Messenger.

Agad na ngumiti si Kaori bago nagsalita, "Kumusta na ang pogi kong anak? Kumain ka na ba?"

Agad na ngumiti ang batang si Mikhael bago sumagot sa ina, "Opo mama. Pagkadating po namin ay pinakain na po kami ni lola."

Agad na nangunot ang noo ni Kaori dahil sa sinabi ng anak ngunit hindi na ito nagtanong pa.

"Baka kamag-anak ni Faith.", Sabi ni Kaori sa kanya isipan.

"Hello po tita! You're so pretty po like my mommy!", agad na napangiti si Kaori nang makita ang batang babae na sa hula nito ay anak ng kanyang kapatid.

"Hello din sayo, baby! What's your name?", pagtanong ni Kaori dahil hindi nabanggit ni Faith ang pangalan ng anak nito.

Ngumiti naman ang batang babae dahilan upang lumabas ang magkabilang dimples nito. "Marthee Rhianne Zaragoza Flores po ang name ko, tita. Mar from my daddy's name Marius, Thee from my mommy's name Katelynne, Rhi from mommy's second name Marie and Anne from daddy's second name Xane. Zaragoza is mommy's surname and Flores is daddy's surname."

Napangiti si Kaori nang makitang hiningal si Marthee sa pagpapaliwanag ng buong pangalan nito. Ang cute ng kanyang pamangkin at ang sarap kurutin ng magkabilang pisngi nito.

"She's always like that when she introduces herself.", napalingon naman si Kaori sa kapatid nang magsalita ito.

"She's so cute! Oh my! Mukhang pinaglilihian ko ang anak mo, Faith.", sabi naman ni Kaori.

Napangiti naman si Faith bago muling nagsalita, "Maybe it's a girl, ate."

"Sana. I want a princess this time, babe.", sabi naman ni Matthew.

Sasagot pa sana si Kaori nang may kumatok sa pinto. Nang magbukas iyon ay sumilip ang isang staff, "Magsisimula na po tayo."

Nakangiting nagpaalam ang magkapatid sa dalawang bata bago nagsilapit sa kanilang mga karelasyon.

Yumakap nang mahigpit si Marius sa asawa nitong si Faith bago halikan ang noo nito, "Take care, love."

Pinakita naman ni Faith dito ang mga nakakabit sa katawan nito bago humalik sa mga labi nito, "Yes love, I'll take care of myself. I promised our princess a vacation."

Tumango si Marius bago humalik at yumakap nang mahigpit sa asawa. Katulad ng dalawa ay ganun din ang ginawa nina Kaori at Mathew.

Nakangiting lumabas sa stage sina Faith at Kaori nang tawagin ng host ang kanilang mga pangalan. Naiwan naman sa backstage sina Marius at Mathew.

Kapwa sila may kausap sa cellphone. Si Marius ay seryosong nakikinig sa kausap sa cellphone nito habang si Matthew naman ay may binibilin sa kausap nito sa cellphone.

Nagsimula naman na ang tanungan. Marami ang nagtatanong kay Faith tungkol sa nangyari sa kanya sa set.

"Ms. Faith, kumusta na ho kayo? Nakakulong na po ba ang may kagagawan ng nangyaring aksidente sa inyo noon?"

"Not yet. Ang tauhan nya pa lang ang nahuhuli ngunit ang mastermind ay nasa paligid lang. We are doing our very best to catch her and her accomplices.", seryosong sagot ni Faith.

"Ms. Katelynne, ano ho ang masasabi nyo sa mga taong nangba-bash sayo at pinagbibintangan ka na may kagagawan sa nangyari kay Ms. Faith?"

"I'm sorry to disappoint you pero hindi ako ang nanakit kay Faith. Hindi ako ang mastermind at hindi ako ang kalaban dito.", seryosong sagot ni Kaori.

Marami pang mga tinanong ang media bago natapos ang press con. Kapansin-pansin naman ang pagdami ng mga tao kahit natapos na ang press con. Puro mga lalaki ang mga iyon at puro nakasuot ng facemask. Nang mawala ang taga media at ang ibang mga tao ay mabilis na pinalibutan ng mga lalaki sina Faith at Kaori.

"Anong kailangan nyo?", pagtanong ni Kaori bago hawakan ang kamay ng kapatid.

"Ma'am Kaori naman. Mukhang nakalimutan mo na kami at ang atraso mo kay boss. Damputin sila! Ang humarang ay paputukan agad ng bala!", sigaw ng isang lalaki.

Nagsisunod naman ang mga tauhan nito at agad na hinawakan ang dalawa. Hindi naman nakasigaw ang dalawa dahil may pinaamoy sila dito dahilan ng pagkakawalan nila ng malay.

Akmang bubuhatin ng iba ang dalawa ngunit naunahan na sila ng dalawang makisig na lalaki. Agad na sumakay sila sa van na nakapara sa labas bago pinaharurot paalis doon.

Samantala, nagkakagulo naman ang mga tao sa venue nang mapansing nawawala sila Faith at Katelynne. Galit na galit ang managers ng dalawa bago may tinawagan.

"Ma'am Tiffany, nawawala ho ang alaga ko! Hindi ko alam kung nasaan sya! Wag po kayong mag-alala, may mga natawagan na rin po kami para hanapin sila.", pagkausap ni mamu Kim sa ina ni Faith.

"What's happening here? Manager Kim, where's my wife? Hindi ba't tapos na ang press con?", pagtanong ni Marius sa manager ni Faith.

"Wait. Where's Katelynne?", pagtanong naman ni Mathew.

Kapwa kinakabahan ang dalawang manager nina Faith at Katelynne dahil hindi nila alam kung paano nila sasabihin na nawawala ang dalawa.

"Ahm.. Marius hijo. Hindi.. Hindi ko alam kung nasaan si Faith. Bigla na lang syang nawala. I'm sorry.", natatakot na sabi ni manager Kim.

Agad na napalitan ng galit ang mga mata ni Marius dahil sa narinig, "D*mn it! Find my wife!"

Natataranta naman ang mga tao doon bago hinanap ang dalawa. May mga tinawagan sina Marius at Mathew na makakatulong sa paghahanap sa dalawa.

Samantala, kapwa nagising sina Faith at Katelynne nang may nagbuhos sa kanila ng tubig. Napatingin sa paligid ang dalawa at napagtanto nilang nasa isang lumang kwarto sila.

"Kumusta ang tulog ng dalawang prinsesa? Nabitin ba ang tulog nyo? Huwag kayong mag-alala, maya-maya ay matutulog din kayo.. panghabambuhay.", sabi ng isang babaeng kilalang-kilala ni Kaori.

"Kierra.."

---------
AN: Sorry for super late update.

Angel's Revenge (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon