Chapter 43

226 8 0
                                    

Chapter 43:

Matheo's POV:

"Buhay sya, Theo. Hindi totoong namatay ang mommy mo dahil.. dahil ang kapatid ko ang totoong namatay ng araw na iyon at dahil iyon sa mommy mo. Pinatay ng mommy mo ang kapatid ko."

Para akong nabingi dahil sa sinabi ni Katelynne. Hindi ako makapaniwalang buhay sya, na buhay si mommy. All these years na nagluksa ako, kami nina daddy dahil sa pagkawala nya ay malalaman kong buhay pala sya. Hindi ako makapaniwalang niloko nya kami.

Paano mo ito nagawa, mommy? Paano mo kami nagawang lokohin? Paano mo kami nagawang saktan?

"You heard me, Theo? Sya ang pumatay sa kakambal ko! Pinatay ng nanay mo ang asawa mo! Yan ang totoo!", sigaw ni Katelynne bago tumakbo paakyat.

Wala sa sariling napaupo ako sa sahig. Pinatay ng sarili kong ina ang asawa ko? Matagal ko syang sinisi. Matagal kong sinisi ang asawa ko sa kasalanang hindi naman pala nya ginawa.

"Ang t*nga-t*nga ko! Ang t*nga-t*nga ko!", sigaw ko habang umiiyak.

Nilapitan ako ni Mathew at niyakap bago ko narinig ang tinig nya, "Wala na tayong magagawa, Theo. Totoo ang sinabi nya.. Nandun ako. Nakita ko kung paano saksakin ni mommy si Kate."

Mabilis akong humiwalay sa kanya bago ako nagsalita, "Nandun ka?! Nandun ka! Hindi mo man lang sinabi sa akin!"

"I'm sorry.. The day will come na maiintindihan mo rin ang lahat.", mahinahong sabi nya bago sya naglakad paalis.

Galit ko syang tinignan habang naglalakad sya paalis. Napalingon ako sa daddy nina Kaylinne nang magsalita ito, "Theo, mabuti pa ay umalis ka na. Oo, may kasalanan kami sa anak ko pero may mga kasalanan ka rin sa kanya. Ang mabuti pa ay itama mo ang mga pagkakamali mo."

Napayuko naman ako bago nagsalita, "I'm sorry po sa gulong ginawa ko. Sorry po sa panloloko ko sa anak nyo. Sorry po."

Umiiyak na nagtanong sa akin ang mommy nila, "Bakit mo nagawang lokohin ang anak ko?"

"Sorry po pero katulad ni Kate ay pinilit lang po ako ni mommy. Alam nyo naman po na ayaw na ayaw nya kay Kay noon. Sorry po, hindi ako tumutol sa gusto nya noon. Sorry po.", pagsagot ko habang umiiyak.

Totoo ang sinabi ko. Noon na nagalit ako kay Kaylinne ay hindi rin naman tumagal ang galit na iyon. Gusto ko ngang humingi ng tawad sa kanya dahil alam kong nasaktan ko sya pero hindi ko nagawa dahil pinagbawalan ako ni mommy. Inutusan nya ako na saktan ang asawa ko emotionally and physically. Kung hindi ko gagawin ay sya raw ang gagawa at mas matindi pa roon ang gagawin nya.

Natakot lang ako kaya ginawa ko. Hindi ko naman nagawang ipaglaban ang asawa ko kay mommy noon dahil takot ako sa kanya. Pansin ko naman ang malaking pagbabago ni mommy noon pero di ko akalaing magagawa nya ang mga ginawa nya noon.

Ginawa ko naman ang pinag-uutos nya pero di ko akalaing magagawa nyang patayin ang asawa ko. Sobrang sakit na sarili mong ina ang pumatay sa asawa mo. Ang sakit-sakit.

"You're drinking.. again.", rinig kong sabi ng kakambal kong si Mathew.

Napatawa naman ako at nagpatuloy lang sa pag-inom ng alak. Hindi ko namalayang kumuha sya ng beer at uminom kagaya ko. Mukhang malaki ang problema ng kapatid ko dahil hindi naman sya palainom ng alak. Iinom lang yan kapag may problema sya.

"What's wrong?", pagtanong ko bago muling uminom ng beer.

Akala ko ay hindi sya sasagot pero maya-maya ay nagsalita sya, "Ang sakit palang makita na sarili mo pang ina ang pumatay sa anak mong walang kalaban-laban."

Naalala ko naman ang inamin ni Kate kanina. Si Mathew pala ang tatay ng pinagbubuntis nya noon. Inakala kong akin dahil alam ko namang may nangyari rin sa amin ni Kate noon.

"Walang nangyari sa inyo ni Kate noon. It's Kay. Hindi mo lang maalala dahil palagi kang lasing kapag nangyayari iyon. Pinapalabas lang ni Kate na sya iyon dahil inuutusan sya ni mommy.", sabi nya na nagpasakit sa akin.

"I thought I committed a crime, Mathew. Akala ko ay tuluyan kong niloko ang asawa ko.", umiiyak na sabi ko.

Muli akong nagsalita nang nanahimik sya, "Yung bata.. Namatay ba talaga sya?"

Lumingon sya sa akin bago sumagot, "Sinong bata? Yung anak ko o yung anak nyo ni Kay?"

Anak ko.. Muli akong tumungga ng beer nang maalala ang anak ko. Hindi ko naman akalaing magagawang saktan ni Kian si Kay noon dahilan ng pagkamatay ng anak namin ng asawa ko.

"Sa tingin mo ba.. narinig nya yung sinabi ko noon? Kasi kung narinig nya, sobra-sobrang sakit ang naramdaman nya bago sya.. bago sya..", naramdaman kong niyakap ako ni Mathew.

Iyak lang ako nang iyak hanggang sa makatulog ako. Bago ako tuluyang makatulog ay naramdaman ko pang inalalayan ako ni Mathew sa paghiga nang maayos sa kama ko.

Nagising ako sa isang magandang paraiso. Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon pero payapa ang nararamdaman ko at parang nawala ang sakit na nararamdaman ko dulot ng mga nalaman ko.

May nakita akong batang babae na tumatakbo palapit sa akin. Malapit na sana sya sa akin nang bigla naman syang nadapa. Mabilis akong lumapit sa kanya at pinatahan sya.

"It's okay, baby. Are you okay?", sabi ko bago ko sya tignan.

Nagulat ako nang makita ko nang malapitan ang mukha nya. Kamukhang-kamukha nya ang asawa kong si Kaylinne.

"Okay na po ako, daddy.", pagsagot nya.

Hindi ko alam pero iba ang naramdaman ko nang tinawag nya akong daddy. Parang ang sarap sa pakiramdam.

Naramdaman ko naman ang maliliit nyang mga kamay na humaplos sa mukha ko, "You're crying again, daddy. Stop crying na po. Sige po kayo, magagalit sa inyo si mommy."

Then the reality hit me. She's Angela, my daughter. Mabilis ko syang niyakap nang mahigpit bago ako nagsalita, "I miss you my baby. I'm sorry sa mga nagawa ni daddy. I'm sorry."

"Stop apologizing, it's not your fault.", natigilan ako nang marinig ang boses nya.

Mabilis akong lumingon sa kanya at nang makumpirma kong sya nga ang asawa ko ay mabilis akong lumapit sa kanya at niyakap sya nang mahigpit.

"I miss you, wife.", umiiyak kong pagsabi.

Humiwalay naman sya sa pagyakap bago nagsalita, "I miss you too, Theo. Don't be hard on yourself. Hindi mo kasalanan ang nangyari. Napilitan ka lang kaya mo nagawa lahat ng iyon and I understand that."

"I'm sorry. I'm sorry." paulit-ulit kong paghingi ng tawad habang nakaluhod sa harapan nya.

Muli kong nasilayan ang maganda nyang ngiti, "Hindi ka pa man humihingi ng tawad ay napatawad na kita. Basta mangako kang hinding-hindi mo na sasaktan ang mga kapatid ko."

"Pangako. I love you, my wife.", sabi ko sa kanya bago sya muling niyakap.

"I love you, too.", huling narinig ko bago ako magising.

Panaginip. Isang panaginip. Napanaginipan ko ang asawa ko at ang anak namin.

"I love you more, Kay.", bulong ko sa hangin.

--------

Angel's Revenge (Completed)Where stories live. Discover now