Habang nasa loob ng silver grey Lexus nito ay hindi niya mapigilang mapalinga-linga. True to his claim, heavily-tinted nga ang kotse at imposibleng makita ng kahit sino sa labas ang mga nakasakay sa loob.

    "Don't you feel safe?" marahang tanong ni Jack habang nagmamaneho ito.

    She inhaled. "Don't mind me. I'm just double-checking..." Tumingin ulit siya sa labas ng bintana bago nagpakawala ng hininga. "Ahm, you'll just take a right turn in the second corner. Tapos, nandoon na ang condo ko. That yellow building, right there." Turo niya sa isa sa pinakamataas na high-rise condominium building sa lungsod.

    "Malapit nga lang."

    "I told you. Nilalakad ko lang every morning papasok and afternoon kapag uwian..."

    "Exercise?"

    Tumango siya. "And para tipid sa gas."

    Jack smiled, amused. "What do you usually do during weekends?" he asked casually.

    "I have pole dancing class every Saturday morning. Sunday, I rest the whole day," sagot naman niya. Kaswal lang din.

    Lumiko na ito sa kalye kung nasaan nakahilera ang condo niya.

    "Pole dancing? That's interesting." Jack sounded very enthusiastic. "Matagal na?"

    "Just this year..."

    Pumasok na ang Lexus ni Jack sa entrada ng condo building. But it didn't stop there. Ibinaba nito ng bahagya ang car window, kumaway sa security guards at nagtuloy-tuloy sa basement parking!

    "Hey..."

    Mabilis na sumulyap ito sa kanya. "I'll just park here. Ihahatid kita hanggang sa unit mo."

    "You don't have to."

    Pero mabilis itong naka-park sa space para sa mga guest! How did Jack know that? At bakit parang pamilyar na ang security rito?

    Pinatay nito ang makina ng kotse at bumaling sa kanya. "What floor is your unit?" he asked while reaching for Blair's laptop bag and shoulder bag.

    "Twenty-fourth floor..." Sinundan lang ng tingin ni Blair ang mga bag niyang nakuha na nito.

    "Unit number?" Jack gripped the bags in one hand, strongly.

    "Eight."

    Tumango-tango si Jack at lumabas ng sasakyan. Lumabas na rin si Blair. She exhaled and walked towards the elevator. Tahimik na sumunod lang sa kanya si Jack. Pagkabukas ng elevator ay pinauna siya nitong pumasok at ito pa ang pumindot ng "24" button. Pagkatapos ay iniligay nito sa bulsa ang kamay, habang ang isa ay bitbit pa rin ang mga bag niya na parang sobrang gaan lang niyon. Gusto sanang bawiin ni Blair ang mga bag pero... She pouted to hide her smile.

    Pagdating sa ground floor ay maraming tao ang sumakay. Blair was pushed away to the other side--malayo kay Jack.

    "Excuse me, Ma'am," narinig niyang magalang na sambit ni Jack. "Excuse me, excuse me..."

    Napakurap-kurap siya nang nakatabi na ito sa kanya! Napatingala siya rito, totoong nagulat dahil sumingit-singit talaga ito para makatabi lang sa kanya?!

    Jack softly smiled. "Medyo masikip. Tell me if you're uncomfortable and I'll make a space for you, babe."

    Muntik nang mapasinghap si Blair katulad ng ibang kasabay nila sa elevator na nakarinig sa malambing na sinabi nito!

Good Riddance (DS #2)Where stories live. Discover now