Chapter 2

15.6K 830 128
                                    

Chapter 2:

The Attraction

"CHRISTEENA Blair!"

Napangiwi si Blair nang marinig ang boses ng Mama niya. Malayo pa lang, nararamdaman niya na ang panggigigil nito.

Sinara niya ang binabasang libro at iniwan iyon sa ibabaw ng kama. Nagmamadaling binuksan niya ang pinto ng sariling silid.

She heard the sound of her mother's heels clicking against the stairs. Parang alam niya na kung bakit ito aburido na naman sa kanya.

Nasa harap niya na ang ina maya-maya. Nakahalukipkip habang nakatingin pababa sa kanya.

"Hi, Mama." Blair tried to smile.

Tumaas ang kilay nito. "Explain to me why you turned down Mr. Armedilla's son?"

Mula ulo hanggang paa, nakapostura ng parang sa isang modelo ang ina. The homeowners' president of the village said, Bridgette Salamanca's the most beautiful "Mama" in the neighborhood.

The aristocratic face of a fierce beauty, the pristine and elegant fashion preference, and the queenly charm are all Bridgette Fotia Salamanca in one.

Plus, Blair's mother is outstandingly smart in business and flawlessly good at socialization. In layman's term, magaling ito mag-"sales talk" kaya naman sobrang angat ng kompanya ng pamilya Salamanca na solong pinapatakbo ng Mama niya.

Sa kabila ng edad, walang maipipintas sa Mama ni Blair.

Ugali lang talaga kapag walang ibang nakatingin.

At ang open secret sa buong alta, na "nagpabuntis" ito sa may asawa na. Blair witnessed how other people judged and criticized her mother. Blair heard names thrown against her mother since she was a child.

Kaya naman minsan, nako-confuse din si Blair kung maiinis ng tuluyan sa ugali ng Mama niya o maaawa na lang dahil tinatawag pa rin itong "kabit" at "babaeng walang moral" ng ibang tao kahit wala naman na itong relasyon sa Papa niya.

"Christeena Blair, I'm talking to you!" tuluyan nang nagtaas ng boses ang Mama niya.

"Ma, I'm only fifteen. I don't want to have a boyfriend na pervert," she honestly answered. "Ayokong mabuntis ng maaga!"

"What the hell are you saying?" Pumasok ito sa kuwarto niya at parang modelo na naglakad hanggang sa gitna.

Sinara niya ang pinto at humarap dito. "Mama, Wade tried to kiss me on our date last week. And he cupped my boob!" Diring diri talaga si Blair! "Kahit sinabi kong 'ayoko', tuloy pa rin siya sa paghawak sa'kin without my consent. Tingin ko nga kung hindi ko siya sinampal, na-rape ako!"

"Shut up, Blair!" Humarap sa kanya ang Mama niya. "Alam mong napaka-importante sa'kin ng business deal with the Armedillas. The boy won't rape you! Guni-guni mo lang 'yon. And what's the matter with a single kiss? Sana pinagbigyan mo na lang. Hindi sana ay nakuha ko na ang multi-million-dollar deal ko nang mas madali at mabilis?"

Parang babaliktad ang sikmura ni Blair. So, okay lang sa Mama niya na magpahalik o magpa-tsansing siya sa Wade Armedilla na 'yon? Para lang matuwa sa kanya ang lalake? Para sabihan nito ang ama nito na pumayag sa mag-invest ng multi-million dollar sa kompanya ng Mama niya?

"Napaka-simple lang ng ipinapagawa ko sa'yo, Christeena Blair! You can dump the boy once the deal was closed! Iyon ang usapan!"

Napayuko si Blair. Now her heart is aching. Sa tingin niya, kaya lang siya binuhay ng Mama niya para maging isang "tool" na magagamit nito sa negosyo.

Good Riddance (DS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon