Chapter 7

12K 747 215
                                    

Chapter 7:

The Favorite

"I'M DONE!!!" malakas na deklara ni Blair at saka ipinasa ang ginawang reviewer sa tutor niya.

"Can I go to the school fair na?" she asked, her lips pouting.

Miss Celestia—or Celest frowned. Second cousin niya ito. Pinsan ng Mama niya ang Papa nito. Celest is only two years older than her pero graduate na ng college dahil gifted child daw ito. Since grade school, ito na ang personal tutor niya sa tuwing darating ang final quarter exams.

Napabuga ito ng hangin at sinuri mabuti ang ginawa niyang reviewer. "Did you understand everything you wrote here, Christeena Blair?" she strictly asked.

"Of course! Gusto mo, i-recite ko pa sa'yo?"

Tumingin ito sa kanya. "Hindi ka naman mahilig pumunta sa school fair noon pa. Bakit ngayon ay gustong-gusto mo na?"

Tatlong araw na niyang hindi nakikita si Jack! Gustong-gusto niya na itong makita dahil kulang ang midnight phone calls nila para kay Blair.

Hindi nagpa-require ang adviser nila na magpa-attendance kaya kahit hindi na siya pumunta araw-araw ay walang problema. Nalaman iyon ng Mama niya kaya tatlong buong araw siyang pinag-review nito kasama si Celest. Bawal siyang lumabas hanggang sa hindi tapos ang pagre-review.

"Celest--"

Hinampas nito ang mahabang stick sa lamesa. "What did I tell you to call me when we're studying?"

"Miss Celestia, please. I want to attend the school fair. I want to see my friend!"

Tumaas ang kilay nito. "You mean boyfriend? I'm going to tell Aunt Bridge," pagbabanta nito.

Umirap siya. "Basta ang sabi ni Mama, kapag may natirang oras pagkatapos ng tutor, I can attend the school fair." She crossed her arms and stood straight. "I followed all the rules!"

"Go back to your seat and let me decide," mahigpit na utos nito.

Nakasimangot na umupo siya. "You know what, you just turned eighteen, right? Pero mukha ka ng old maid!"

Mahigpit kasing naka-bun ang buhok nito sa likod. Malinis na malinis ang pagkaka-pusod. Walang nakatakas ni isang hibla. Hindi pa ito palangiti at laging nakasimangot. Ang damit pa nito, bestidang hanggang talampakan ang haba at naka-butones hanggang leeg.

"Magma-madre ka ba, Miss Celestia?" Blair sarcastically tease every day she's seeing her cousin.

Lalong sumungit ang itsura nito. "I want to dress this way until the arranged marriage was final. Sa tradisyon ng pamilya natin, tayong mga Salamanca ay ikakasal sa—"

"Blah, blah, blah! I'm not a Salamanca. I'm a Delos Santos! So that tradition of arrange marriage will not follow me!"

Napailing-iling ito. "Fine. Umalis ka na lang. Go to your school fair," sumusukong sabi nito.

Napasinghap si Blair at nagningning ang mga mata. "Thank you, Celest!!!"

Hinalikan niya ito sa pisngi at saka tumakbong lumabas ng study room. Kinuha niya lang ang baguette bag sa kuwarto niya at saka mabilis na nakalabas ng bahay.

Kanina pa siya nakabihis ng pang-alis para anytime ay handa na siyang lumabas. Pagkasakay niya ng sasakyan ay alam na ni Mang Tony ang gagawin.

Wala pang thirty minutes ay nasa school na sila. Bumaba siya, nagpakita ng school ID sa school guard, at saka pumunta ng school grounds.

Ang daming estudyante ang naka-civilian at halos puno lahat ng booths! Ngunit, tanaw niya agad ang platform stage kung saan naka-toka ang klase nina Jack.

Good Riddance (DS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon