Chapter 15

11.3K 670 279
                                    

Chapter 15:

The Move

"NA-CONTACT na ang mga magulang. Papunta na daw dito."

Lihim lang na nakuyom ni Blair ang mga kamay nang marinig ang sinabi ng pulis.

"Okay, chief!" sabi ni Ate Kate—isang DSWD representative na kumakausap sa kanya mula pa kanina.

Hindi alam ni Blair kung nasaang lugar na siya. Basta nang mawalan ng gasolina ang kotse ng Ninong Aalto niya, bumaba siya at iniwan lang 'yon sa kung saan. Tumakbo si Blair na parang may humahabol sa kanya hanggang sa nawalan siya ng malay. Dahil siguro sa matinding uhaw, gutom, at pagod sa walang katapusang pagtakbo.

Paggising niya, nasa isang police station na siya at kahit anong tanong sa kanya ay hindi siya nagsasalita.

Ano daw pangalan niya? Ilang taon na siya? Saan siya galing? Sino ang mga magulang niya? Saan siya puwedeng ihatid pauwi?

Blair remained silent until the police called a DSWD representative. Ate Kate had a way to talk with children. Kaya nakapagsalita na siya. Doon lang mas napagtanto ni Blair na bata pa siguro talaga siya. She's just fifteen.

Fifteen... but how come it felt like she's been living with her unloving parents longer than that?

"Padating na daw ang mga magulang mo..." ulit ni Ate Kate at pinisil ang kamay niya. Ngumiti ito. "Kung may kailangan ka pang sabihin sa'kin, puwede mong sabihin sa'kin, ha?"

"Ahm... c-can I use the telephone? I just want to... call someone."

"Ah, sige. Kaibigan ba?" Sumenyas ito sa isang pulis na ilapit ang telepono sa kanila.

"Yes..."

Inilapag ng isang pulis ang telepono sa lamesa sa harap nila at umalis na din agad.

Mabilis na nag-dial si Blair. Umalis muna si Ate Kate para daw asikasuhin ang report sa kanya.

Pagkasagot ng telepono, eksaktong si Jack agad ang nasa kabilang linya.

"Blair?"

"Hello, babe..."

Para itong nabunutan ng tinik. Napabuga ito ng hangin. "I've been waiting for your call! Ang sabi mo sa'kin kahapon ay tatawag ka kapag nakauwi na kayo..."

"Sorry, Jack... I..." Napabuntong-hininga siya. "I'll tell you what happened next time. Right now, I just want to tell you that I'm... o-okay. Sorry my call was a little bit late."

Napabuga din ito ng hangin mula sa kabilang linya. "Nakauwi ka na ba?"

Inilibot niya ang tingin sa maliit at mainit na police station. Napunasan niya ang pawis sa noo. "Ahm, y-yeah... I overslept. K-Kaya ngayong hapon na'ko nakatawag. S-Sorry..."

It felt wrong. Lying continuously to Jack. But Blair can't just tell him the truth now. Gusto niya lang marinig ang boses nito ngayon.

"I see. I understand. I was relieved that you called now," ani Jack, tuloy-tuloy ang pagsasalita. "Hindi ako makakain mula pa kaninang umaga. Nag-aalala ako sa'yo..."

Napalunok siya. "Sorry for worrying you. N-Nothing bad happened to me naman. I think, ahm... I just need more rest. More sleep."

"Ahm..." Tumikhim ito. "A-Are you p-preparing for your d-date tomorrow with the tycoon's son?"

Good Riddance (DS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon