Chapter 42

10.8K 694 228
                                    

Content Warning: Some lines and/or scenes may bring discomfort. Please be guided. Thank you.

***

Chapter 42:

Friend and Fantasy

HINDI NA nakatiis si Blair sa paghihintay

Kinuha niya ang phone at nag-text na kay Jack. Nagdasal ng kaunti si Blair na sana bumalik naman ito. This is their first fight after they got back together. Baka nagpapakalma lang din.

Habang nakatitig sa pagkain ay naisip ni Blair kung gaanong hindi niya na kaya ngayon na hindi kasama si Jack. That she still felt undeserving, but she selfishly wanted him to stay by her side.

Hindi niya na kayang itulak ito katulad noon. Hindi niya naman talaga kaya mula noon na malayo kay Jack, pinipilit niya lang. She succumbed to revenge, darkness, and rebellion before, but Jack has always been that persistent tiny light...

Kinulong niya na ang sarili dati sa kadiliman pero sumisingit ng pilit ang liwanag nito.

Kilala lang ni Blair ang sarili kaya hindi niya pa rin talaga alam kung anong nakita ni Jack para mahalin pa rin siya ng ganito...

Nakipagtitigan si Blair sa pagkain hanggang sa bumigat ang talukap ng mga mata niya. Humiga muna siya sa sofa at hinintay na makauwi si Jack.

Naalimpungatan lang siya nang tumunog ang phone niya. Nag-reply na ito!

I'm sorry, Blair. Dito muna ako sa bahay matutulog. Babalik ako bukas ng umaga. I promise. I love you.

Agad siyang nag-reply rito. At least, he's safe.

Okay, babe. I will wait for you tomorrow. I love you, too. :(

Pinilit kumain si Blair kahit walang gana dahil baka magalit si Jack kapag nalaman nitong hindi nabawasan ang pagkain. Pagkatapos, sinubukan niyang makatulog pero, tila alam ng katawan niyang hindi makakatabi ang asawa ngayong gabi. Kaya naman hindi na siya nakatulog hanggang sa sumikat ang araw kinabukasan.

Nanonood lang si Blair ng TV sa sala nang marinig niyang bumukas ang pinto. Napatayo siya at nakita si Jack na halos kasinglalim niya ang mga mata! Mukhang hindi rin nakatulog!

Jack closed the door and gave her an apologetic smile.

Tinakbo niya ito at patalon na niyakap. Nasalo naman siya nito. Pinulupot niya ang mga bisig at binti rito.

He chuckled a little. Sinuportahan siya nito sa pang-upo para hindi siya malaglag.

Sinubsob niya ang mukha sa leeg nito. "Hindi ka na... galit?"

Marahan itong bumuga ng hangin. "I'm sorry for my outburst... Just please, never say you don't deserve anything from me just because of the past. Let me love you the way you should be loved, the way I know how... You know that, Blair. Alam na alam mo kung gaano ko kabisado kung paano ka mahalin."

Napalunok siya at napatango. "Yes, babe."

"And I never regretted the money I spent. But, yes, it was not a wise financial decision. I won't spend that much money, again..." bulong nito.

Tinignan niya ito. "Don't throw away your dreams, again, just because of me..."

Umiling ito. "I can dream again... I want to dream together with you. Hindi ba, pagkatapos ng kaso, we will have twins? Bray and Ian? Then a baby girl..."

Good Riddance (DS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon