Chapter 46

11.2K 667 152
                                    

Chapter 46:

Wishes and Prayers

BLAIR quietly sat on the sand and closed her eyes. Pinakinggan niya ang mahinang paghahampasan ng mga alon sa dagat. Then, she inhaled the salty and leafy scent of the wind.

       She would wish a couple of times to have a life as peaceful as this night was. Kung nabibili lang ang hiling niyang iyon, matagal niya na sanang natupad para sa sarili. At kung mahal man iyon ay uubusin niya ang namanang pera mula sa ama kung ganitong klaseng buhay naman ang kapalit niyon.

       "Akala ko susundan mo na 'ko sa kuwarto ko kagabi."

       Hindi siya dumilat. Hanggang sa naramdaman niya si Jack na umupo sa mismong tabi niya sa buhanginan. His body heat equalized the night's cool breeze.

       "Excited pa naman akong pagalitan mo," he humorously said.

       Ngumisi siya, nanatiling nakasara ang mga mata. "Nagbago ka na."

       She felt Jack's head leaning against her shoulder. "Don't we always strive for progress as an individual? I do hope I always grow and change into a better person every single day, babe."

       Sometimes, Blair wished Jack wasn't always full of sense.

       Blair kept her eyes shut. "Hindi pa bumabalik si Venice mula pa kagabi. Tumawag lang siya kanina to say na magkasama sila ni Kyle at huwag muna daw silang hahanapin. They're both safe and in a happy place."

       "I see. Good for them, then."

       "And you told me you don't have plans, huh?"

       "When you asked me, I really don't have anything in mind. Naisip ko lang noong isang araw. Why not pull some triggers? A friendly date won't hurt, right?"

       "Hmp!"

       He chuckled. "Isinabay ko na lang ang plano kong iyon tutal ay papunta rin pala ako rito. Dahil nandito ang ka-business meeting ko."

       Meeting with her ex-boyfriend, Levi? At kung hindi lang niya aksidenteng nakasalubong si Atty. Del Rio kagabi, hindi pa mako-konekta ni Blair ang mga ginagawa ni Jack sa mga nakalipas na buwan.

       Kaya pala, halos hindi na sila magkita!

       Naglilihim na ito sa kanya! Gustong-gusto niyang magtanong kung bakit kailangan nitong itago sa kanya ang pag-aasikaso nito ng kasong dapat ay hindi ito kasali. But she knew what he'd answer—asawa niya ito. Jacquin Valleroso has all the rights to stand for her.

       Pero, ayaw ni Blair... Ayaw ni Blair na ito ang gumagawa ng lahat ng paraan para tumigil na si Hank sa panghahamak sa kanya.

       Mas pinikit niya pa ng mariin ang mga mata. Kaya naman ngayon ay mas ramdam niya ang paggapang ng kamay ng asawa sa kanyang likuran hanggang hapitin siya sa nito baywang. Lumapat pa ang mga labi nito sa braso niya.

       "Nasabi mo na ba ang lahat kay Venice? O mas nauna pa silang magkabalikan ni Kyle?"

       "Hmp! Hindi ko naman alam na magtatanan silang dalawa!"

       "So, my hunch was right? Magkakabalikan na sila pero hindi ka pa rin nakapagsasabi ng totoo tungkol sa atin?"

       Inilayo niya ang pisngi nang maramdaman ang labi nito roon. "Dumagdag ka pa sa mga dapat kong ipaliwanag, Jacquin! You told Venice lies about your status and identity. You even lied about our relationship before. I panicked when she asked, kaya nakapagsinungaling na rin tuloy ako!"

Good Riddance (DS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon