Chapter 4

12.9K 825 196
                                    

Chapter 4:

Jack and Daisies

JACQUIN and Blair were the closest friends in a span of two weeks!

Tuwing lunch sa school ay lagi silang magkasama at sa tuwing hatinggabi ay lagi itong nakaabang sa pagtawag niya.

Kapag weekends (at walang pasok), inaabot sila ng apat na oras sa pag-uusap lang sa phone!

Hindi sila naubusan nang pag-uusapan. At mas napapansin ni Blair na iba ang saya niya sa tuwing nakikipag-usap sa kaibigan.

Jacquin is always kind and understanding of her. Mas komportable na ito sa pakikipag-usap sa kanya sa telepono. Pero sa personal, lagi pa ring nakayuko o nakatingin sa ibang direksyon.

Nevertheless, Blair enjoys Jacquin's presence and attention so much.

"Umamin ka nga, Blair," corner sa kanya ni Faye nang nasa changing room sila dahil katatapos lang ng P.E. class.

"Anong aaminin ko?" tanong niya habang kinakabit ang butones ng uniform blouse.

"Dalawang linggo na kayong nakikitang magkasama 'nung taga-star section. Lagi kayong sabay mag-lunch at naghahawakan daw kayo ng kamay!"

Napangisi siya. The instances na nahawakan niya ang kamay ni Jacquin ay sa tuwing pinipigil niya itong umalis agad o di kaya 'yung time na muntik na ito matapilok at pinigilan lang niyang bumagsak ito.

Holding hands na agad iyon?

"Gosh, Blair! Kaya pala ayaw mong sumabay sa'min tuwing lunch break," Chanel reacted. "You have a boyfriend na!!!"

"We're good friends. Mas masarap kasama si Jacquin kaysa sa inyo. He's not a gossip."

Sabay-sabay na napasinghap ang tatlo.

"How could you say that to us, Blair? We're friends!" parang nasasaktang sabi ni Summer.

"Kung ayaw mo naman sa'min, bakit naman ipinagpalit mo kami sa pangit—"

Napahinto si Faye nang tignan niya ito nang masama.

"He's not ugly!" she defended Jacquin. "He's a smart and nice guy. Sobrang matulungin din! He has a very good heart!"

Napansin ni Blair na laging handang tumulong si Jacquin kahit kanino. Last week, she saw him help two old ladies cross the street. He also gave the school's security guard a snack and drink sometime when they noticed the guard hadn't took a lunch break yet because of a school event.

At ang palagi niyang nakikita, halos araw-araw—Jacquin tutors his classmates during afternoon breaks instead of eating his snacks.

Humingi man ng tulong dito o hindi, Jacquin is always ready to lend a hand!

"Can you name other boys here in school na kasing pure ni Jacquin?" Nameywang siya. "Kaya walang puwedeng mang-insulto sa kanya."

"Girl, magpaka-totoo lang tayo. You can't even categorize him as 'guwapo'. Sure, he's super smart and super nice. Walang aangal diyan. Pero, pangit pa rin," prankang sabi ni Chanel. "Sa dami ng nanligaw sa'yo na boys dito sa school, siya talaga ang gusto mo?"

"Well, I'm not like you kasi." Tinaasan niya ito ng kilay. "I don't get attracted with guwapo na walang substance."

"What do you mean by that?" Napahukipkip si Chanel at napataas na rin ng kilay.

Good Riddance (DS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon