Chapter 51

10.7K 686 286
                                    

Chapter 51:

Good Love

Monte Amor, Cebu

August 2023

"SANTINO, remember to behave. Always obey Daddy."

Mula sa pagtingin sa labas ng bintana ng van ay napalingon ang apat na taong gulang na anak sa kanya. Ngumiti nang may kislap sa mga matang namana nito sa mga Valleroso.

"Yes, Mommy! Daddy said we're going to have a lot of fun!"

Huminto ang service van sa mismong tapat ng bahay na pinagawa ni Jack para sa kanila, almost five years ago.

She smiled as the house looks more beautiful in person. The last time she personally saw the house was when it was still under construction. Then, she only saw it on pictures and videos when it was finished.

"Big house, Mommy!" Santino cutely exclaimed while pointing his little index finger outside the window. "Bigger than our house in America, Mommy. And bigger than sa house ni Daddy sa Manila."

"Yes, it is," nakangiti niyang tugon habang tinatanggal ang seatbelt nito sa booster seat.

"Mang Tony, wait for me here na lang. Hindi naman po siguro ako magtatagal," sabi ni Blair sa matandang driver nang pagbuksan sila nito ng pinto ng van.

"Yes, Madam. Ibababa ko po ba ang mga maleta?"

"I think my husband's helpers can do it na."

As if what she said was the sign for the pearly white gates to open, lumabas mula sa loob ang tatlong kasambahay at agad na nagpaalam na kukunin ang mga gamit ni Santino.

She nodded and instructed the three lady helpers to carefully handle her son's things. Pagkatapos ay binuhat niya ang anak palabas ng sasakyan. Agad naman itong nagpababa sa lupa.

And the moment Santino landed his feet on the ground, the little boy ran fast inside the gates.

"Daddy? Daddy? Daddy, I'm home, again!!!" malakas na sigaw nito habang tumatakbo na papasok sa bahay. "Where are you, Daddy?!"

"Santino!" saway niya sa anak pero narinig niyang nagtawanan ang mga kasambahay. Lumingon siya sa mga ito. "Sorry about that. He shouts when he's excited."

"Madam, huwag po kayong mag-aalala. Sinabihan naman po kami ni Sir Jacquin na makulit talaga ang anak niya. Hindi raw po nagmana sa kanya."

She pouted and then gently smiled. Well, Santino's energy level at four was like hers when she was a child. Jack was more of a gentle and quiet kid.

"Tuloy na po kayo, Madam. Wala pa po si Sir Jack pero pauwi na po iyon lalo na't alam niya pong tanghalian ang pagdating niyo."

Blair softly nodded. Kung ganoon ay magtatagal pa siya roon ng kaunti. Nilingon niya ulit driver. "Mang Tony, park the van in the garage pala muna. Take your lunch, too. Baka magtagal pa pala ako sa loob." Binalingan niya ang isang helper na bitbit na ang isang bag na puno ng laruan ng anak. "Please, serve him lunch. Or isabay niyo si Mang Tony kapag manananghalian na kayo."

"Yes, Madam."

"Madam, sigurado po ba kayong ngayong araw din po kayo aalis? Baka hindi naman po kayo pakawalan agad ni Sir Jacquin niyan."

Natawa si Blair. Naisip niyang posibleng maging ganoon ka-agresibo si Jack kung hindi na nagtatampo.

Their family set-up has been "not normal" for the last couple of years. Yet, their marriage is still legal and binding. Wala namang hiwalayang naganap--although, they've been living apart for five years with consistent communication. Umuuwi-uwi rin siya ng Pilipinas, habang pumupunta-punta rin naman si Jack sa Amerika.

Good Riddance (DS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon