Chapter 41

8.9K 704 268
                                    

Chapter 41:

Protection and Frustration

TUMUNOG ang microwave, hudyat na tapos nang mainit ang spaghetti.

Tinitigan muna ni Blair si Raqi ng ilang segundo, naghihintay kung may idudugtong pa ito sa sinabi. Nang nakipaglabanan na lang ito ng titig sa kanya ay saka siya tumalikod saglit para kunin ang ininit na pagkain.

Inilapag niya ang platito ng spaghetti sa marbled counter at humila ng wooden high stool para makaupo. Nasa counter na rin ang ilang cutleries, kaya nakakuha agad siya ng tinidor.

"Won't you say anything?" matalim na tanong ni Raqi, nagpapalipat-lipat ang tingin sa kanya at sa spaghetti.

"Do you want me to comment about it?" Blair asked back. Inikot-ikot niya ang spaghetti noodles sa tinidor. "I mean, thank you for telling me, if that's what you want to hear."

Napataas ito ng kilay. Marahil ay nagtataka sa kung paanong mahinahon siya pagkatapos ng mga sinabi nito.

Napabuntonghininga si Blair. Titig na titig pa rin ito sa kanya kaya nahihirapan siyang sumubo ng pagkain. Sinalubong niya ang mga mata nito.

"Kung ano mang ginawa ni Jacquin sa mga nakalipas na taon at kung ano mang ginawa niya para sa akin ngayon, I think, it was all upon him. Hindi ko inutos, hindi ko sinabi. His decisions and choices were solely made by him alone."

"He was driven to act poorly because of you!"

"Raqi, I lived my whole life being blamed of other's people's bad decisions. When in fact, I never told those people to do what they did. Marunong akong tumanggap ng consequences ng mga kasalanan ko. Pero iyong ginagawa ng ibang tao, wala na dapat akong participation doon.

"Maybe you're just disappointed with your brother, but you don't have to blame it on me. Sisihin mo 'ko sa mga past actions kong nakasakit sa kanya, sa inyo. Sumbatan mo ako sa pang-iiwan ko nang ilang beses sa kanya....

"Pero hindi pwedeng pati mga past actions ng kuya mo, ibabato mo rin sa akin. His feelings for me might influenced him to do those things, pero nang ginawa niya ang mga bagay na iyon, siya lang ang nagdesisyong mag-isa niyon. Hinayaan niya ang sarili niya roon. It was his own choice. He did it with his own accord, Raqi. His alone."

Napakurap ito. Unti-unting bumababa ang galit sa mga mata.

Blair sighed, again, and contained all her emotions. Sa ilang taon niyang pabalik-balik kay Dra. Alicante, may natutunan naman siya sa sarili niya.

All her life, hinayaan niyang masisisi siya sa mga ginawa ng mga taong nakapaligid sa kanya kahit wala naman talaga siyang kasalanan.

Santino never gave Blair attention and affection growing up. Dahil anak siya ni Bridgette, anak siya sa labas. Pero tama ba iyon? Tama bang siya ang masisisi kung bakit na-neglect siya ni Santino?

Kung hindi pa namatay ang Papa niya, hindi pa nito aaminin na ito ang may kasalanan. That it was his own choice. Nadamay lang siya. Therefore, nobody can't blame Blair for being Santino's bastard. It was Santino's choice to act like he never cared for her.

Bridgette blamed her for not doing enough as a daughter, kaya hindi nila nakuha ang atensyon ni Santino nang nabubuhay pa ito. When in fact, it was Bridgette's pride and sins that drove her father away from them.

Dahil iyon ang natanim sa kanya mula pagkabata, iyong laging kasalanan niya bakit ayaw sa kanya ni Santino at kung bakit dapat lagi niyang ma-impress si Bridgette, nadala niya iyon hanggang sa paglaki.

Good Riddance (DS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon