Chapter 45

12.8K 784 188
                                    

CHAPTER 45:

Gentle and Fierce

Three days ago...

"BUT... I can't remember anything yet..."

Hindi makapaniwala si Blair sa sinabi ni Dra. Alicante. Hindi niya na raw kailangan ng therapy twice a week. Kahit isang beses sa isang buwan na lang daw siya pumunta o kung kailan niya na lang kinakailangan.

Tumingin ng diretso sa kanya ang doktora. "Blair, do you really want to remember?"

Nakuyom niya ang mga palad at diniin sa kandungan.

"Well, that's the point why we're doing this, right? I need to remember the details so I can prove myself innocent."

Tumango ito. "I understand the need, hija. Ngunit mahirap gumaling kung mismong sarili mo ang kinakalaban mo."

Napakunot-noo siya. "What's that supposed to mean, Doktora? Na ako mismo ang nagpipigil sa sarili kong makaalala?" matalim niyang wika. "Kung totoo iyan, sana hindi ako nagtitiyayagang pumunta rito palagi at ulit-ulitin ang mga bagay na ayokong pinag-uusapan."

"Blair, this is exhausting for you so, I'm allowing you to take a break," mahinahon pa rin ang doktora.

"Doktora, the case is on-going, again. I need to remember fast!"

Inabot nito ang nakakuyom niyang mga kamay. She gave a motherly squeeze. "Be willing to remember. You got to want it first, Blair."

Gusto pang sumagot ni Blair pero alam niyang wala naman siyang masasabi pa. Tumayo na siya at malamig na nagpaalam dito.

Hindi alam ni Blair kung ano ang buong mararamdaman. Habang papalabas ng clinic ay tinawag ang kanyang pansin ng security guard.

"Ma'am, pa-pirma lang po sa logbook. Extra security protocol lang po."

"Okay..." Wala sa sariling sagot niya at saka kinuha ang ballpen at lumapit sa logbook. Maraming kailangang i-fill in doon.

"Pasensya na po sa hassle, Ma'am. Muntik na po kasing malooban itong clinic ni doktora noong umpisa ng buwan kaya't mas mahigpit lang po ang security..."

Tumango lang si Blair kahit hindi naiintidihan ang sinasabi ng guard. Naglalaro pa rin sa isip niya ang mga sinabi ng doktor.

Pagkatapos niyang magsulat sa logbook ay inabutan na naman siya ng bagong papel.

"Additional sign lang po para sa guests ng building..." parang nahihiyang sabi ng guard.

Blair rolled her eyes and just quietly wrote her full name and signed the paper. Katatapos niya lang sa pagpirma nang mahagip ng tingin niya ang isang pamilyar na pirma sa pinaka-itaas ng papel. Mabilis niyang tinignan ang pangalan.

Si Jack! The date was yesterday. Pumunta doon si Jack kahapon?

"Ma'am?"

Nag-angat siya ng tingin sa guard. Ngumiti na si Blair ngayon. "Manong, can I look at the logbook, again? Parang may mali akong nalagay na detail."

"Sige po, Ma'am!" Mabilis naman nitong kinuha ulit ang logbook.

"Ako nang magbubukas, Manong," malambing niyang sabi sabay kuha sa logbook.

She scanned the pages and found Jack's name, again. Kahapon nga ito pumunta. Hapon. Ang purpose ay kay Dra. Alicante. For what?

"Thank you, Manong. See you around," she sweetly said before exiting the building.

Good Riddance (DS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon