Chapter 14

11.8K 698 195
                                    

Chapter 14:

The Escape

PUNONG-puno ang puso at masayang umuwi si Blair pagkatapos. Nangako si Jack na babalik ulit sila doon kapag nakapag-ipon na ulit ito ng sapat. Siguro daw, bago magpasukan.

"My darling is here!" Si Ninong Aalto agad ang nakangiting sumalubong sa kanya pagkapasok niya pa lang ng pinto.

"Ninong!" Parang hindi nangangalay ang mga labi niya sa pagngiti mula pa kanina. Sinugod niya ng yakap si Ninong Aalto.

Hinalikan siya nito sa bumbunan. "Kumusta ka na? Hindi na kita naabutan kanina pag-uwi mo dahil maaga ang business meeting ko."

"I'm so fine, Ninong!"

"You look so happy. Saan ka nga pala galing?"

Mapaglaro na ngumiti si Blair. "I just went out to chill with my best friend."

Mataman siyang tinignan ng Ninong niya. Mapanukso ang mga ngiti. "I'm sensing that your best friend is not just a friend."

Natawa na lang siya. "I'll just freshen up, Ninong! Parating na si Mommy for dinner."

Napatingin ito sa relos. "Alright. Kuwentuhan mo pa 'ko mamaya."

"I'll think about it!" Umakyat na si Blair sa sariling kuwarto at nag-quick shower lang. Nagsuot siya ng mas komportableng pambahay, nagsuklay, at nang tignan ni Blair ang sarili sa salamin ay hindi pa rin mawala ang ngiti sa mga labi at kahit sa mga mata niya!

Pinalo-palo niya ang mga pisngi. Baka mapansin siya ng Mama niya. Baka biglang mag-usisa. Ilang beses siyang nag-inhale-exhale para kumalma naman ang kilig niya.

Nag-ring ang telepono. Agad niyang sinagot.

"Blair."

"Hi, Jack!" Ayan, bumalik na naman ang mga ngiti niya. "Nakauwi na pala ako. Kanina pa."

"I'm glad. Kauuwi ko lang din. I just called to check you. Have a healthy dinner. Bukas na lang ulit ako tatawag para makatulog tayo ng maaga."

"Okay... Thank you, again for this day. Hindi na 'ko nalulungkot. Wala nang masakit..."

She can imagine Jack smiling from the other line.

"I'm glad I made you happy today. If it's only possible, I want to make you happy every day."

Humagikgik siya. "You do, Jack. You do..." She sighed with contentment. "I got to hang-up. Hinihintay ako ni Ninong sa baba. At saka parating na din si Mama for dinner. Call me tomorrow, ah?"

"I will. Good night."

"Good night! I love you!" malambing niyang sabi, sabay hagikgik. Kinikilig talaga siya! Parang hanggang sa panaginip, lagi na niyang makikita ang sarili at si Jack na magkasama sa gitna ng daisy field!

"Okay..."

"Jack naman, eh," angal niya.

Bahagya itong natatawa. "I love you more..." pabulong nitong sabi. Nahihiya pa rin. He's so cute!

Pagkatapos ng tawag ay bumaba na si Blair at dumiretso ng dining room. Nakaupo na doon ang Ninong niya habang umiinom ng kape. May mga papeles itong binabasa.

"How's your weekend with Mama, Ninong?" usisa niya na agad dito bago pa ito ang mag-usisa sa kanya. Umupo siya sa puwesto niya sa kainan.

Napaangat ito sa kanya ng tingin. Napangisi. "You mother worked. At may trabaho din ako. So... it's like a usual day. Nothing new."

Good Riddance (DS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon