Chapter 33

11.1K 760 316
                                    

Chapter 33:

The Proposal

"THREE months na sina JJ at Blair. Ang pusta mo ay isang linggo lang silang magtatagal, Raqi. You lose!" Nakangising inilahad ni Kuya Izaak ang palad nito sa tapat ni Raqi. "Give me your twenty pesos!"

Umirap ang huli. "Hindi mo pa rin naman sure kung aabot sila ng five months. Paano kung iwan na ni Blair si Kuya JJ bukas?"

"Grabe naman kung bukas agad!" Bumaling sa kanya ang panganay na kapatid. "Payag ka don, baby bro?"

Inayos ni Jack ang pagtali ng necktie sa harap ng salamin. "Bakit iyan ang pinag-uusapan natin ngayong kasal mo, Kuya?"

Inakbayan siya nito at tinignan ang repleksyon nila sa salamin. "Nakakatuwa lang, talo si Raqi sa pustahan."

"Hmp! Basta hindi rin sila magtatagal naman talaga. It's just December now! Malamig ang panahon kaya gusto lang siguro ni Blair ng may inuuto para hindi siya lonely alone this holiday season!"

"Raquel Hellaine," unang saway ni Jack sa kapatid. Mababa ang tono, kalmado ang boses. "Please, be nicer to Blair. I already explained her side..."

"Hindi pa rin ako naniniwalang hindi ka na sasaktan ng babaeng iyon." Humalukipkip ito at nagtaas ng kilay. "Kung makapagbigay ka naman agad ng tiwala mo, Kuya, parang second chance lang 'tong ibibigay mo sa kanya! This is already the fifth time she's manipulating you!"

"Gigil na gigil?" ani Kuya Izaak kay Raqi at tumawa. "Your Kuya JJ's right. Be nice to Blair. Kahit mamaya lang. She's Celestia's maid-of-honor. Ayoko ng bad vibes sa kasal ko. Call Blair by her name properly."

Kinuha ni Raqi ang purse nito at naglabas ng one thousand pesos. "I'm going to bet, again. Blair is someone you can't trust. May pinaplano 'yan. Maamo lang ngayon pero kapag nakakita na ng tamang oras ay sasaktan niya ulit si Kuya JJ. Maybe worse than the last time!"

Hindi na lang umimik si Jack. As much as he wanted to defend Blair, kilala niya rin ang bunsong kapatid. Tinignan niya si Raqi mula sa repleksyon nito sa salamin.

He remembered the first time he got heartbroken with Blair, Raqi was just twelve then. His little sister witnessed how wrecked he was. Umiiyak ito sa tuwing umiiyak siya... She looks up to him and Blair so bad, it left a scar on Raqi.

Kaya hindi rin magawa ni Jack na sumama ang loob sa kapatid sa tuwing hindi magaganda ang sinasabi nito laban sa girlfriend niya.

"Bakit mo naman ginagawang kontrabida si Blair?" Inakbayan ito ni Kuya Izaak. "Magiging sister-in-law mo din 'yon."

"As if!"

"Kung hindi sila magkatuluyan ni JJ, paano kung kayo ang magkatuluyan ng crush mo? Hindi ba, kapatid ni Blair iyon?"

Umirap si Raqi at matalim ang tingin sa kanya. "I won't make you a hot cocoa once you cried, Kuya JJ!" sabay talikod nito at nagmartsa palabas.

"Raqi's hate against Blair is intense." nakangising sabi ni Kuya Izaak. "Kasama kaya doon 'yung tampo niya na hindi siya ang piniling maid-of-honor ng bride ko at si Blair ang inaya?"

Huminga siya ng malalim. "You should stop triggering Raqi too, Kuya. Ang ganda naman ng mood niya kanina, but you brought up about that silly bet."

His brother chuckled. Sarkastiko ang pagngisi. "Oops! Well, sorry about that." Tinapik-tapik siya nito sa balikat. "Una na 'ko sa sasakyan. Sunod ka na lang pagkatapos mo mag-ayos, my best man."

Good Riddance (DS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon