Chapter 47

12.6K 673 178
                                    

Chapter 47:

Lost and Found

"THIS IS the province of Monte Amor. Malawak at maganda ang history ng probinsyang 'to. It was named the 'land of love' dahil noong 16th century ay isa lang 'tong malawak na kagubatan. Pero sa tuwing may bagong nagpapakasal mula sa iba't ibang bayan, pumupunta raw dito para makapagpatayo ng bahay at makapagsimula ng pamilya.

"I believed, the first couple who started their family here were the Lanza. Isang Kastila na nagpakasal sa isang dalagang Filipina ang nagdesisyon na dito magsimula ng bagong buhay at magka-anak. Hanggang sa marami nang nagsunuran. Suddenly, this community was filled with newlywed couples starting a family. And so on and so forth. Napuno ito ng pagmamahal, that's why 'Monte Amor'."

"That's interesting." Tipid na napangiti si Blair sa kuwento ni Jack tungkol sa probinsya.

Nilibot niya ang paningin at kahit marami nang mga kabahayan sa paligid ay hindi natatawaran ang dami ng mga puno at halaman. Wala pang alas-siyete ng umaga at nagising na sila ni Jack sa kabila ng puyat mula sa biyahe kagabi.

Inaya siya nitong maglakad-lakad sa labas kaya't magkahawak kamay sila ngayon habang nagkukuwento ito ng history ng probinsiyang hindi niya pa napuntahan kahit kailan. She first heard about this province from Jack way back in high school. Nadinig niya na rin mula sa ibang tao ngunit kahit kailan, hindi niya napuntahan kundi ngayon lang.

"Kailan naman napadpad ang mga Valleroso rito?"

"Hmm, from my grandfather's tales before, starting 1800s, a German and Greek couple settled here in the Philippines for a new life. Dito sila napadpad sa Monte Amor. They adjusted their surname something like that, para madaling mabigkas ng mga bagong kapitbahay nila. They adopted the "Valleroso" surname. Then the family tradition started when one of their children or grandchildren married a Salamanca."

"Salamanca..." Napangisi siya at mula sa mga matatayog na puno ay napabaling dito. "How sure are you that weren't related, Jack? Parehas nga pala tayong Salamanca."

He chuckled. "At Valleroso."

She rolled her eyes and giggled. "You made me a Valleroso."

"Ang pagka-Salamanca niyo ni Celest ay tubo na sa Luzon. Not in any way related to my grandmother's family line here in Cebu. There you have it, we're not in any degree blood-related."

Hinila siya nito sa isang malaking mansyon ng lupain kung saan sila nakikitira. Pagmamay-ari daw iyon ng pamilya ng lola nito. Wala na raw nakatira sa mansyon ng mga Salamanca pero sa laki raw niyon ay ginagawang bahay-bakasyunan ng mga kamag-anak kung bibisita rito.

"My grandmother grew up here," nakangiting kuwento pa rin nito at tinulak ang malaking pintuan. It's an entrance door—double doors made of classic narra. The whole mansion is like that mansion from the Spanish era with big doors and big windows. Tapos ay maluwag ang lahat sa loob.

Napako ang tingin ni Blair sa grand staircase ng mansyon. Marami na namang sinasabi si Jack tungkol sa iba't ibang parte ng mansyon at kung paano iyon namintina sa paglipas ng ilang dekada. Pero ang malaking hagdanan lang ang nakakuha ng kanyang pansin, dahil mula ibaba pataas ay nakakabit sa dingding ang napakaraming picture frames!

Bumitiw si Blair sa kamay ni Jack at wala sa sariling lumapit sa mga larawan. A smiled curved in her lips when she saw a set of solo portraits, wedding pictures, and family pictures...

Ito siguro ang mga kamag-anak ng asawa niya. Napakarami nga...

Nang nakita niya ang family picture ng pamilya nina Jack ay nahaplos niya iyon. Nakagat niya ang labi nang makita na kuha pa siguro iyon nang high school pa sila ni Jack!

Good Riddance (DS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon