Chapter 38

13.9K 985 331
                                    

Chapter 38:

The Unspoken

"ANG SUWERTE mo talaga, Chrisee! Lagi mong kasama si Sir Jacquin araw-araw. At sa iisang kuwarto pa!"

    "Anong itsura niya kapag busy? Kapag may ka-call? Nagagalit ba siya kapag nagkakamali ka sa utos niya? O hindi talaga nagagalit si Sir?"

    "Oo nga. Parang hindi marunong magalit si Sir Jacquin, no? Ikaw na lang kusang mahihiya na magkamali sa trabaho mo kasi napaka-forgiving niya."

    "Chrisee, anong itsura ni Sir kapag kumakain? Hindi ba lagi kang kasama kapag may meeting sa labas?"

    "Narinig mo na ba minsan si Sir na kausap asawa niya sa phone?"

    "Or nakita mo na ba ang asawa niya, Chrisee? Sa buong month ni Sir Jacquin, hindi ko pa nakitang binisita siya ng wife niya."

    Nanahimik si Blair sa nagpo-photocopy sa Xerox machine, nang bigla siyang nilapitan ng mga officemates niyang numero uno talagang sabik na malaman lahat tungkol sa "boss" nila. Sa isang buwan na lumipas mula nang maging office director nila si Jack, isang buwan na ring sentro siya ng atensyon at "tanungan" ng mga fangirls nito. My god, these bitches!

    "Speaking of asawa ni Sir, kapatid daw ni Sir Bari ang asawa niyon!"

    "Kaya pala parang magkasundong-magkasundo sila ni Sir Bari. Brothers-in-law pala sila."

    "Anong itsura ng kapatid ni Sir Bari? For sure, maganda din 'yon! Sa sobrang guwapo ba naman ni Sir Bari. Diba, Chrisee?"

    Maganda talaga siya! Pero hindi dahil magkapatid sila ni Kuya Bari. Hindi naman masyadong guwapo 'yon, ah?

    "Alam mo minsan, nag-search ako sa internet. Nilagay ko, 'Blair delos Santos' pero wala talagang lumalabas. Kahit naligaw na picture or what. Kahit sa mga business events na kumpleto dati ang pamilya ni Sir Bari, walang pictures na kasama 'yung Blair."

    "Eh, very private person nga daw."

    "Chrisee, ang tahimik mo naman diyan, eh. Share mo naman kung may alam ka."

    Sa wakas at natapos na ang pino-photocopy ni Blair! Kinuha niya ang mga papel at inayos sa tamang order. Then, she reached for the stapler. "Ang obsessed niyo naman kay Mr. Valleroso. Huwag kayong ganyan at ayaw ni Sir niyan," simpleng sabi niya. She started stapling the papers together.

    "Nasasabi mo 'yan kasi siguro marami kang alam. Hindi ka na kasing curious katulad namin."

    Blair was never curious in somebody else's life. Kaya nga hindi siya mahilig sa all kinds of tsismis sa buhay ng iba, dahil ano bang pakialam niya? She has a life of her own. Unless ang mismong tao ang gustong magkuwento ng buhay nito, then she'll give it a time to listen. But to talk about other people's lives for entertainment?

    Pero sabagay, boring siguro ang buhay ng iba kaya interesado sa kuwento ng buhay ng may buhay. "Mr. Valleroso does not like people talking about him and his life. Na para siyang celebrity."

    "Hindi naman ganon ang ginagawa namin, Chrisee! Nagtatanong lang kami kasi baka may alam ka."

    Nagkibit-balikat siya. "If so, address all of your questions at him, directly," she dared them.

    Ngumuso ang isa. "Ikaw naman, killjoy! Kunsabagay, noon pa lang, hindi ka mahilig makisali sa usapan."

    "Siguro may alam ka, ano? Ayaw mo lang i-share sa'min!"

Good Riddance (DS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon