Epilogue

11.8K 755 226
                                    

EPILOGUE

Year 1988

"WILDFLOWER."

"Tama, apo. That's called a wildflower. Ligaw na bulaklak."

Tinitigan ng limang taon na si Jacquin ang nag-iisang maliit na bulaklak na tumubo sa ilalim ng isang malaking puno. It's bright yellow and has a lot of thin petals.

Bumitiw siya sa kamay ng lola niya at tinupi ang maliliit na binti, sinubsob ang mukha para mas makita ng malapit ang bulaklak.

"It's not like your flowers in the garden, Lola," Jacquin innocently observed. "Sino po ang nagtanim dito, Lola? Bakit isa lang po?"

Lola Lass crouched beside him, too. "Walang nagtatanim ng ligaw na bulaklak, apo. Kusa lang silang tumutubo kahit saan. That's why they are called wildflowers. They bloom in unexpected places. They grow in the wild."

Jacquin smiled. He learns a lot from his Lola Lass about flowers, plants, and crops. Jacquin loves his Lola Lass. She teaches him a lot of things more than what he sees in a picture book.

"Sino nagdidilig sa kanila, Lola?"

"Wala rin. Tumutubo lang sila ng kusa kahit hindi pinapansin."

"Bakit ang mga bulaklak at halaman sa garden mo, Lola, namamatay kapag hindi nadidiligan?"

"Because they are a special kind of flowers and plants. Magkakaiba ang mga halaman, apo, natatandaan mo?" His grandmother's index finger gently touched the wildflower's petals. "Magkakaiba ng uri nang pag-aalaga ang kailangan ng bawat isang halaman upang lumago. Hindi pare-parehas..."

Little boy Jacquin nodded. "Lola, hindi po malungkot ang wildflower? Mag-isa lang po siya riyan?"

"Dadami din siguro sila, apo. Mas nauna lang tumubo iyan."

Dumiretso na ng tayo ang Lola Lass niya at inabot ang kanyang kamay. "Bumalik na tayo sa bahay, apo. Baka nakauwi na ang Lolo mo. May dalang hamburger at biko iyon para sa 'yo, panigurado."

Masunuring sumunod si Jacquin. Tumayo na siya at humawak sa kamay ni Lola Lass. Habang naglalakad sila pauwi ay nililingon-lingon niya ang ligaw na bulaklak.

Hanggang sa lumiko na sila para makapasok ng gate ng bahay.

Hindi mawala sa isip ni Jacquin ang bulaklak. It's different from the other flowers in his grandmother's garden. All the flowers and plants there were big and pretty. The wildflower's too small and looked fragile.

Pagkatapos mag-merienda kasama ang lola't lolo niya ay kinuha ni Jacquin ang picture book sa ilalim ng kama. His little hands turned the pages as he was searching for a wildflower...

He saw a daisy in a picture. He read that it's a kind of wildflower. But it does not grow in tropical countries like the Philippines. Daisies are most likely to grow in the wilderness of countries like Japan, Netherlands, etc...

Naghanap pa si Jacquin ng picture ng mga wildflowers. Pero wala talagang kapareho ng nakita niya kanina, kahit ibang kulay.

"Lola Lass, puwede po akong lumabas?" magalang at mahinang tanong ni Jacquin. "Diyan lang po ako sa malapit, Lola. Sa malaking puno po."

Natigil ito sa pagdidilig ng rosas. Niyuko siya nito. "Anong gagawin mo sa malaking puno, apo?"

"Titignan ko po kung may kasama na ang wildflower."

Lola Lass chuckled, then sweetly smiled at him. "O sige, apo. Bumalik ka agad, ha? Malapit nang umuwi si Lolo."

Tumango siya at mabait na ngumiti. "Thank you po, Lola. Babalik po agad ako."

Good Riddance (DS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon