Chapter 59 (Part 1)

10.5K 597 208
                                    

Chapter 59:

Good Bye

PART 1

Year 2021.

ITINAPAT ni Blair ang camera sa dalawang-taong gulang na anak.

"Can you see him? He's peacefully sleeping kasi busog. Katatapos ko lang mag-breastfeed," sabi ni Blair kay Jack habang kausap ito, over a video call.

"I can see him..." Mahinang sabi nito. Sa screen, kitang-kita niyang nagta-trabaho ito. "Can you leave the video on for a while. I just like to see Santino while I work."

Kumuha si Blair ng cellphone holder at doon nilagay ang phone. Then she pulled the side table closer. Inayos niya ang camera ng phone sa anggulo na kitang-kita ang anak nila habang natutulog.

"Is this okay?"

"Yes, thank you." Pagkuwa'y bumalik na si Jack sa tinitipa nito sa laptop. Mukhang nakalagay din ang phone nito sa isang phone stand.

Pinanonood niya ito habang nagta-trabaho. Lahat ng trabaho ni Tita Bella ay ipinagkatiwala muna kay Jack. He's currently acting as the CEO of DS Corp. while Tita Bella is in medication. Tinutulungan naman ito ni Kuya Sandro through Patricia. Pero hindi rin laging may oras ang hipag niya para samahan si Jack. Aside sa may sariling negosyo rin si Patricia, inaalagaan pa nito ang mga anak.

Maybe, if Kuya Sandro is not in jail, Jack won't have to be physically and mentally busy. At kung makakauwi lang siya nang hindi inaalala ang Mama niya...

Blair sighed. "Malapit nang matapos si Tita Bella sa treatments niya. Tapos si Kuya Bari, mukhang uuwi na. Siguro, kahit nasa Tierra Fe si Kuya, puwede kayong maghati ng responsibilities..."

"I can manage." ani Jack, sa laptop lang nito nakatingin. "As long as I can see Santino every day over a video call, I'm inspired enough."

She flipped the front camera. Malambing siyang ngumiti para rito. "How about me? Do you get inspired because we're talking every day?"

Huminto si Jack sa tinitipa nito sa laptop. Napatingin ito sa screen ng phone nito. "Kailan kayo uuwi?"

She guiltily pouted. "Malapit naman na. Si Mama, sinasabihan niya na rin naman akong umuwi na. Nagsisimula na kaming tumingin ng nursing home sa Greece for her..."

But really, something inside her doesn't like the idea that her mother would spend the rest of her life away on a nursing home and with no family beside her until death?

Diretso ang tingin ni Jack sa camera at walang pinapakitang emosyon ang maamong mukha nito.

"Tell me a specific date next time." Hindi naman malamig o walang emosyon ang pagkakasabi nito. Normal lang, kaso ay wala rin lang doon ang nakasanayan niyang lambing.

"Okay, babe..."

Mahina siyang napabuntonghininga. Babawi talaga siya. Babawi siya kay Jack. Basta't makaisip lang ng paraan si Blair kung sino pang maaaring mag-alaga sa Mama niya, uuwi na sila ng anak.

Hindi na rin kasi madalas nakakapunta si Jack ng Amerika dahil sa trabaho. Hinahanap-hanap na ito ni Santino madalas. Hindi naman umaangal ang bata sa konsepto ng "video call". Nag-e-enjoy ito sa tuwing nakikita ang Daddy nito sa screen. Pero iba pa rin ang personal.

Hindi naman niya akalain na magtatagal siya ng ganitong nakahiwalay kay Jack. Wala talaga sa plano niyang alagaan ang ina, pero ngayong nakapagpatawad na siya, hindi naman niya maiwan basta si Bridgette...

Good Riddance (DS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon