Chapter 32

15.1K 874 412
                                    

Chapter 32:

The Fall

Four years ago...

Year 2004.

"CONGRATULATIONS, graduates!"

Isang malakas na hiyawan at palakpakan ang pumuno sa buong auditorium ng Lady Catalina College.

Tumayo si Jack sa kinauupuan at nakipagbatian sa mga naging kaklase niya sa loob ng apat na taon sa kolehiyo. He was about to go to his family that was probably waiting at the back, but he was swarmed with female co-graduates. Lahat ay bumati sa kanya mula sa iba't ibang kurso. Some were familiar. Dahil siguro madalas siyang binabati noon sa tuwing naglalakad siyang mag-isa sa hallway. Ang iba ay hindi niya talaga kilala man lang. Still, Jack offered his courteous smiles and exchanged greetings with them.

"You're very popular, Jack!"

Dalawang tao lang ang tumatawag sa kanya ng "Jack". First was Blair. Second was Venice. Paglingon niya, ang huli ang nakangiting lumalapit sa kanya. Magalang na-nag-excuse si Jack sa mga nakapaligid sa kanya bago salubungin si Venice.

"Hello, Miss Writer. You saved me there," nakangiting bati niya sa ex-girlfriend. Their relationship only lasted for one semester. But they're in good terms. Kayang makipag-usap at makipagbiruan pa sa isa't isa.

Inabutan siya nito ng bulaklak. He chuckled. "For me?"

"Congratulations! Inutusan ako ng LiberArts na ako ang magbigay sa'yo niyan." Pabiro itong umirap. "It's not a personal gift. Naka-move on na 'ko sa'yo."

Nagkatawanan sila.

"Thank you, Venice." Kinalong niya ang mga bulaklak. It's unusual for a guy to receive a bouquet of fresh flowers. But this came from the newspaper organization he only served in college, so it's a precious exit gift. "Take care of the org until next year, then."

Tumango ito. Ngumiti. "Diretso ka na ba sa England for your master's degree?"

"I'm planning, too." Ngunit madaming job offer kay Jack mula sa iba't ibang publishing company sa Pilipinas. Lahat ay naglalakihan. Kinukuha siya sa editorial team. Gusto niya rin sanang i-konsiderang magtrabaho kahit isang taon lang. Bilang experience muna, bago ituloy ang planong tumulak sa England. But again, he'll think about it thoroughly first.

"Good luck, then!" Venice cheered. "I got to go. Kailangan ko pang bigyan ng flowers ang ibang members natin na gr-um-aduate."

"Go on. Susubukan kong batiin din kayo sa graduation niyo next year kung nandito pa 'ko sa Pilipinas."

"Aasa ako diyan, ha? Take care, Jack!" Tumalikod na ito.

"Venice," habol niya nang may maalalang itanong.

Lumingon ito sa kanya.

"I need to ask, why do you decide to call me 'Jack'?" Noong sila pa ay tinanong niya na rin 'yon dito. Pero sasagutin lang daw nito kapag naka-graduate na siya.

"Oh, that. I just like giving my own nicknames to people based on their looks. Maybe, it's the writer in me."

"Based on looks?" Napangisi siya. "So, I look like a 'Jack' to you because?"

"You look handsome, kind, and intelligent," diretsang sagot nito. "And you know the movie 'Titanic', right? You're as charming as Leonardo DiCaprio there."

Unang beses niyang marinig ang rason na 'yon kaya napangiti na lang si Jack. "I see. Akala ko dahil siguro noong una mong nabasa ang pangalan ko, akala mo ay 'ja-kin' ang pagkakabigkas."

Good Riddance (DS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon